"Ate max ano bang ngyari sa inyo ni kuya nung magkasama kayo?" tanong ni Kathleen sa kaibigan
"ha?bakit?wala naman, kumain lang siya sa bahay ng dala niyang pizza." sagot naman ni Maxene
"ba't kaya ganon ngayon si kuya, minsan tulala, minsan naman masungit...hayyyyy..ang hirap talaga kapag may kasamang matandang binata sa bahay."..
nagkibit - balikat naman si Maxene "pakatapos niyang kumain, dumating naman si Dante, sakto namang pauwi na kuya mo!"
"Now i know!" napapitik pa sa ere na sagot ni Kathleen. "alam ko na pinagpuputok ng bumbunan ni kuya! tsk.tsk.tsk.pinana na ni Kupido ang puso ng kawawa kong Kuya!"
"ano ba yang pinagsasasabi mo Kath?"
seryoso namang tumingin si Kathleen sa kaibigan. " Alam mo ikaw Ate Max, napakatalino mo! Pero di ko alam na ganiyan ka ka-slow pagdating sa feelings ng ibang tao!"
"sira!ano ba kasi punto mo?" tanong ni Maxene
"My God ateng, nagseselos ang Kuya ko kay Dante! Di mo ba nahalata? Nung birthday ko pa lang ang sama na nilang magtinginan na dalawa!". tumayo si Kathleen at hinawakan sa kamay ang kaibigan at saka tumalon - talon.
"OMG.OMG.Yessssssss finally na-inlove na ang Kuya ko !"tuwang tuwang sabi ni Kathleen
"Hey Kath!, tumigil ka nga para kang sira, pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito oh.!" lumingon-lingon sa paligid na sabi naman ni Maxene
Samantala, pauwi na si Johny at Brent galing sa isang pagawaan nila ng sapatos. Sa kalagitnaan ng biyahe nila biglang nagsalita si Brent. "What's wrong pare?" at lumingon siya kay Johny.
Lumingon naman saglit si Johny at nagsalita. "wrong saan Brent?maayos naman isang planta natin diba? kaya walang problema."
"Hindi yun ang tinutukoy ko pare, ikaw!" sagot ni Brent
"Ha?bakit naman ako?"
"This past few days Johny parang napapansin ko lagi kang balisa at parang may malalim na iniisip. May problema ka ba pare?imposible namang pera, marami ka noon." Tumigil saglit si Brent sa pagsasalita at " Aha! alam ko na pre, babae no?"
"ulol!" tanggi ni Johny "ba't naman babae iisipin ko!"
"hahaha..halata ka pare eh, ganiyan na ganiyan ka 'pag may babaeng tumanggi sayo at di umepekto sa kanila ang kagwapuhan mo."
"siraulo ka talaga Brent. The truth is, inaalala ko lang yung delivery natin, baka kapusin tayo ng oras di natin makumpleto.!"paliwanag naman ni Johny.
"tsk.tsk.pare!halata ka eh!" tumingin dito si Johny at napakunot noo "kasasabi mo lang kanina na ayos naman ang planta natin, hayun nga at kakabibisita lang natin. Nasaksihan ko pa kung gano tayo kasure na aabot tayo sa petsa. At isa pa pare, malaking mawawala talaga sayo kapag pinakawalan mo ang isang bagay na sa una pa lang eh nagbigay na ng ibang pakiramdam sayo.!"seryosong sagot ni Brent "Kaya kung ako sayo habang maaga pa kumilos ka na. Kaw din, baka maunahan ka pa ng iba.!" sabay tapik ni Brent sa balikat ng kaibigan. Natuon naman ang pansin ni Johny sa pagmamaneho at naisip ang sinabi ng kaibigan. Ilang oras pa at nasa opisina na sila. Naunang bumaba si Brent. Sumilip ito sa bintana dahil nakitag hindi pa bumababa si Johny "Di ka paba bababa Johny?" tanong nito s kaibigan.
"Ahmp. sige pare mauna ka na,may pupuntahan lang ako saglit." sagot naman ni Johny
"Lunchtime na, baba ka muna para makapananghalian tayo!" yaya pa ni Brent.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...