Pagdating sa ospital, diretso sa Emergency Room si Aling Tina. Naghintay sa labas sina Maxene at Dandan. Kinakabahan si Maxene sa maaaring mangyari sa kaniyang ina. Ilang sandali at lumabas ang doktor.
"Kayo ba ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor sa kanila.
Tumango si Maxene."Kumusta ho ang inay Dok?"
"We have to undergo a several test. Like CT scan, MRI Brain Scan, it can give a very clear picture of the brain and will almost certainly show up any brain tumour-----"
"Tumour ho, Dok?" putol ni Maxene sa sinasabi ng Doktor."Diretsohin niyo na ho kami Dok sa kalagayan ni Nanay!" naluluhang sabi ni Maxene.
"Sa nakikita ko,posibleng may Brain Cancer ang inyong ina. It may take several working days to get the result of biopsies or scans.Pero sisimulan.natin ito agad!Malaking halaga ang kakailanganin natin Ms."
"Iligtas niyo ho ang inay namin Dok!" pakiusap ni Maxene.Tumango ang Doktor.
Hindi alam ni Maxene ang gagawin,.kanina pa sumasama ang pakiramdam niya, pero tinitiis niya lamang iyon.
"Ate, anong gagawin natin ngayon?" naiyak na ring sabi ni Dandan.
"Malalampasan natin ito, gagaling si Nanay!" sabi ni Maxene. Hindi nadala ni Maxene ang cellphone sa pagmamadali.
Samantala, sikat na ang araw ng dumating si Johny sa Hotel, nakasalubong niya si Brent sa lobby ng Hotel.
"Pare kanina pa kita hinihintay, natawag ako di mo sinasagot!" si Brent
"Naiwan ko phone ko!Bakit may problema ba?" tanong ni Johny.
"My meeting tayo kay Mr. Nakamutso by 8:00, kasama natin siyang magbebreakfast!"
"Shit!Nakalimutan ko, sandali magbibihis lang ako!" paalam ni Johny.
"Bilisan mo pare!" pahabol pa ni Brent.
Pagdating sa inookopahan kwarto agad na hinanap niya ang kaniyang cellphone, hindi niya ito mahanap!Dinial niya ang number ni Maxene sa telepono,ngunit hindi niya ito macontact. Nagpasya si Johny na mamaya na lamang ito tawagan, bumaba na agad si Johny.
Hapon, bago umuwi dumaan muna si Maxene para bumili ng pregnancy test! Pakagaling sa butika nag-abang ng tricycle na masasakyan si Maxene. Nakasakay siya sa tricycle, hinaplos niya ang kaniyang tiyan!Kahit hindi pa siya nagpi-PT alam niyang buntis siya."Magiging okey din ang lahat!Higit na ngayon ko mas kailangan ang ama mo Baby!" nasabi ni Maxene sa kaniyang sarili.
Pagdating sa bahay nila Maxene, nakita niyang may paparating na kotse. Binubusinahan siya nito kaya hindi agad siya pumasok sa gate! Huminto ang kotse sa harap niya, bumaba ang sakay nito.
"Hi Maxene!?" walang iba kundi si Ysabel.
"Anong ginagawa mo dito Ysabel?" tanong ni Maxene.
Tiningnan ni Ysabel ang bahay nila Maxene."Tsk.tsk. Now I know kung bakit kapit na kapit ka kay Johny, gusto mong makaahon sa hirap sa pamamagitan ng pang-aakit mo sa.kaniya!Nakakaawa ka Maxene!".sabi p ni Ysabel.
"Kung wala kang matinong sasabihin Ysabel, umalis ka na!Wala akong panahong makinig sa mga sinasabi mo!" matapang na sabi ni Maxene
"Ang tapang mo rin ano Maxene?Bakit ano bang pinanghahawakan mo, ang mga salitang binibitawan sayo ni Johny?" lumapit si Ysabel kay Maxene at hinawi ang buhok ni Maxene."Isa ka lang malaking tinik sa buhay namin ni Johny, we're getting married maxene,kaya kung ako mula ngayon simulan munang kalinutan si Johny!"
Tinapik ni Maxene ang kamay ni Ysabel."Umalis ka na Maxene!Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo!" tumalikod si Maxene ngunit pinigilan ito ni Ysabel, hinawakan siya sa braso.
"Hindi pa ko tapos Maxene, at huwag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita.Kaya kong bilhin lahat ng naandito sa paligid mo Maxene pati na rin buhay mo!" galit na tugoni Ysabel. "Hindi ka naniniwala?Heto tingnan mo, ayow ko sanang ipakita sayo dahil nakakaawa ka pero ngayong ang tapang - tapang mo ikaw na ang bahala.Magkasama kami ni Johny sa Davao, para asikasuhin ang kasal namin. !"Inabot ni Ysabel ang isang envelope.Kinuha ni Maxene ang laman niyon.Nabigla siya sa kaniyang nakita, pajiramdam niya umakyat ang dugo niya sa kaniyang ulo. Nanghina siya bigla, ngunit kanina pa pala nakatingin si Dante sa kanila.Tumakbo ito at agad na inalalayan si Maxene.
"Maxene, are you alright?" nag-aalalag sabi ni Dante."Anon bang nagyayari dito?" tumingin si Dante kay Ysabel,ngunit nagkibit balikat lamang ito at saka tiningnan ang hawak ni Maxene.Isa iyong larawan nila Ysabel at Johny habang natutulog, magkayakap at magkatabi sa kama, nakakumot hanggang dibdib.Walang suot na damit si Ysabel at ganoon din si Johny. Ang ilang larawan pa ay naghahalikan ang dalawa.
"Now, alam mo na kung saan ka lulugar Maxene or better yet, ayow ko nang makita ang pagmumukha mo dito!"anyong tatalikod na sana si Ysabel ng magsalita ito."Anyway, heto nga pala, pinabibigay ni Johny, nahihiya siyang ibigay ito sayo!"isa iyong tseke na naglalaman ng 500 thousand pesos."Siguro naman sapat na yan para lubayan mo na kami!"
Bumitaw si Maxene sa pagkakahawak ni Dante at tiningnan ng diretso si Ysabel.Pinunit ni Maxene ang tseke sa harap ni Ysabel.
"Hindi kailangan ang pera niyo!Umalis ka dito, alisssss!" anyong susuntukin ito ni Maxene at agad namang sumakay ng kotse si Ysabel.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
Lãng mạnIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...