Chapter 8

60 2 2
                                    

Pagsakay na pagsakay ni Ysabel sa sasakyan, "Nakunan niyo ba lahat ng eksena girls?" tanong ni Ysabel 2 kaibigan sa loob ng kotse.

"Yup!infairness maganda naman pala kasi itong si Maxene, maayusan lang ito-----"

"Shut up!"putol sa sasabihin na kaibiga."Akin na ang camera,dali.!" kinunan ni Ysabel si Maxene at Dante habang magkayakap ang dalawa,nag-high 5 pa ang tatlong magkakaibigan, at ilang sandali pa umalis na sila.

Samantala "Maxene?" tawag ni Dante kay Maxene habang nakatingin ito sa mga larawan. Lumingon si Maxene sa kaibigan.

"Dante?" naluluhang sabi ni Maxene, yumakap siya kay Dante at saka.umiyak ng umiyak!

"Iiyak mo lang yan Maxene!"alo ni Dante dito.

"Hindi ko alam ang gagawin ko Dante, si nanay nasa ospital tapos ito pa?!" sabi ni Maxene habang naiyak.

"Pumasok na muna tayo sa loob Maxene!" inalalayan ni Dante.

Pagdating sa loob, pinaupo ni Dante si Maxene at kumuha siya ng tubig.Pagbalik, ibinigay ito kay Maxene."Anong nangyari kay nay tina ba't nada ospital?" Ikinuwento ni Maxene ang nangyari.

"Mabuti na lang pala naisipan kong dumaan dito bago bago ko bumalik sa Maynila.Hayop na Johny na yun, kung alam ko lang Maxene mangyayari ang lahat ng ito, hindi sana ko tumigil sa panliligaw sayo!"

"Tapos na yun Dante!"sabi ni Maxene na tila wala sarili. "aayusin ko pa ang dadalhin sa ospital!" tumayo si Maxene.

"Sasamahan na kita sa ospital, hihintayin kita dito!' sabi naman ni Dante.Tumango lamang si Maxene.

Pagpasok ni Maxene sa kaniyang kuwarto, nakita niya ang kaniyang cellphone.Ni isang text o tawag mula kay Johny ay wala man lang.Ngunit may nagmissed call doon na numero ng isang telepono!Napag-isip-isip niya na kaya pala mula kagabi hindi man lang siya naalala itext ni Johny dahil magkasama ang dalawa!Ibinato niya ang kaniyang cellphone!"Mga hayoopp!" sigaw ni Maxene habang humagulhol. Narinig iyon ni Dante ngunit hinayaan niya lamang na mag-isa si Maxene.

Ilang sandali pa at nagbihis si Maxene, ng makita niya ang binili niy kanina sa botika!Kinuha niya ito, pumasok sa CR at saka inaalam kuna ano talaga.

Possitive,dalawang guhit ang nakita ni Maxene sa P.T. Hindi alam ni Maxene kung matutuwa, maiiyak o kung ano!Humarap siya sa salamin, tinatagan ang loob at saka lumabas. Kinuha niya ang gamit na kakailanganin nila sa ospital at ilang sandali pa bumibyahe na sila papuntang ospital.

"Ayow ko sanang may ibang makakaalam nito Dante!" biglang sabi ni Maxene.

Tumango si Dante, " eh si Kathleen alam kaya niya ito?"

"Hannga't maaari ayow kong malaman muna ni Kathleen ang lahat ng nangyayari sa akin!" sabi ni Maxene habang nakatingin sa kawalan.

Ilang sandi pa at narating na nila ang ospital!

"Ate, gising si Nanay!" salubong agad ni Dandan.Lumapit si Maxene sa kaniyang ina, nakapikit ang mga mata nito,hiawakan ni Maxene ang kamay.

"Nay, ano hong nararamdaman niyo?" tanong ni Maxene.Nagmulat ang mga mata nito. Tipid na ngumiti sa kaniya at sinenyasan siyang lumapit.

"Huwag mong pababayaan ang kapatid mo anak, maging matatag ka!Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo!Nararamdaman ko anak malapit na kaming magkasama ng itay mo!" sabi ng kaniyang ina sa mahina at pautal-utal na pagsasalita.

"Nay huwag ho kayong magsasalita ng ganiyan, malakas ho kayo at lalaban ho tayo!" naiiyak ng sabi ni Maxene. Hinawakan ni Aling Tina ang mukha ni Maxene, at tumingin kay Dandan saka nagsalita.

"Sundin mo ang ate mo Dandan, magpakabait ka lagi!" tumingin ulit ito kay Maxene."Tanggap ko na Maxene noon pa na maaga kong mawawala, ngayon mas panatag ang loob ko dahil alam kong may makakasama na kayo sa buhay, sayang lang at hindi ko makakausap si Johny!"nagkatinginan sina Dante at Maxene."Magmahalan kayo anak, huwag niyong hayaang masayang ang relasyon niyo!' lalong napahagulhol si Maxene sa sinabi ng kaniyang ina. "Matutulog na muna ko anak, huwag kayong mag-alala magiging okey din ang lahat!" Ipinikit ni Aling Tina ang kaniyang mga mata, ilang sandali pa at mahimbing na itong natutulog. Iyak ng iyak si Maxene ng mga sandaling iyo. Lingid sa kaalaman nila Maxene matagal na palang iniinda ni Aling Tina ang sakit na yun, nagdesisyon itong huwag na lamang sabihin kanila maxene.Bukas pa nila malalaman ang resulta ng test na ginawa sa kaniyang ina!

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon