"Ehem!" basag ni Dante sa katahimikan. Napatingin dito si Kathleen.
Huminga ng malalim si Kathleen bago nagsalita. "Tell me the whole story, Dante!" seryosong sabi niya. Napatitig naman dito si Dante at pinagkiskis ang dalawang palad.
"Galing ako ng Maynila ng mga oras na yun, naisipan kong dumaan kanila Maxene para kumustahin ako!"Tumigil ito saglit."Nakita kong nag-uusap sina Ysabel at Maxene, may binigay si Ysabel kay Maxene at nakita ko na lang na namutla si Maxene at parang mahihimatay.Linapitan ko siya para alalayan, ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang hawak ni Maxene at marinig kong ikakasal na sila ni Johny!"tumigil ito sa pagsasalita at tumingin kay Kathleen."Mula sa larawan na ibinigay ni Ysabel nakita ko doon na magkatabi sina Johny at Ysabel sa kama, walang damit!"
"What, ikakasal si Ysabel at Kuya?No way, allergy si kuya sa bruhang yun?At hindi magagawa ni Kuya na bayaran si Ate Max" sabat ni Kathleen.
"Nakita ng dalawang mata ko Kath na si Johny at Ysabel yun!Galit na galit ako sa mga oras na yun sa kapatid mo!At sunod na ibinigay ni Ysabel ay isang tseke mula sa kapatid mo, naglalaman ng kalahating milyon, pirmado iyon ni Johny.Doon labis na nagalit si Maxene, hanggang sa punutin niya sa harap ni Ysabel ang tseke!"
"Pinunit ni Ate Max ang tseke?"nagtatakang tanong ni Kathleen.
"Alam mo ang tungkol doon?"takang tanong naman ni Dante.
"Oo!Ay hindi!" naguguluhang sabi ni Kathleen.
"Kathleen?" nagbabantang sabi ni Dante.
"Mamaya na ko magkukwento, tapusin mo muna kwento mo!"sabay wasiwas ni Kathleen ng kamay.
"Okey!" at ikinuwento ni Dante ang lahat-lahat maliban sa may anak.sina Maxene at Johny. "Now, it's your turn Kath!"
"Nasa Australia ko that time, ng tawagan ako ni Kuya, nagtatanong siya kung nagkakausap daw kami ni Ate Max, sabi hindi. Hanggang malaman ko mula kay kuya na namatay na si Tina, nawawala.si Ate Max.And then, nalaman naman na magkasama kayo at ang masakit pa linoko niyo si Kuya!"Napakunot-noo si Dante sa sinabi nitong linoko nila si Johny .Nung una, hindi ako nanniniwala. Hanggang sa makita ko ang larawang ibinigay daw ni Ysabel kay Kuya.Makikita sa larawan na magkayakap kayo ni Ate Max at tinanggap ni ate max ang tsekeng ibinigay ni Ysabel sa kondisyong lalayo kay kuya at titigil na sa panloloko.Dahil sabi daw ni Ysabel nahuli niya daw kayo ni Ate Max na may relasyon at gusto lamang daw ni Ate Max na makaahon sa hirap kaya niya sinagot si Kuya, pero ikaw daw ang talagang mahal niya. Iiwan ni Ate Max si Kuya kapag nakuha na niya ang pera ni kuya at magsasama kayo!And gusto kong magtampo sa inyo dahil ni hindi niyo man lang ako.kinontak." hinihingal pang kwento ni Kathleen. Napahawak naman sa baba si Dante.
"Si Maxene ang may gusto na huwag ipaalam sayo dahil alam niyang hindi ka makakatiis na sabihin kay Johny.I think, may mali sa lahat ng nangyari!" sabi ni Dante.Matagal bago ito nagsalita at ganun din si Kathleen.Tumitig siya kay Kathleen.
"Tingin ko nga din, It is all because of Ysabel Virus!Gawa-gawa lang niya ang lahat.Pero ang ipinagtataka ko bakit may picture si Kathleen na magkatabi sila ni Kuya?"
"Yun ang kailangang ipaliwanag ng kapatid mo, but the rest, puro kasinungalingan na lamang iyon.Alam mo kong gaano kamahal ni Maxene si Johny!Hindi kayang palitan si Johny sa puso ni Maxene at alam mo yan"
Napatango si Kathleen."I think we have to do something!" ng may magsalita sa likod nila.
"And I can help you on that!" sabat ni Carla."Right, babe?" sabay tingin kay Dante.Tumango naman ang lalaki."Mahal pa rin ni Maxene hanggang ngayon ang kapatid mo!"
Napatitig si Kathleen dito, parang nawala ang inis at pag-kainsecure niya dito ng malamang ito ang naging kaibigan ni Maxene ng mawalan siya ng komunikasyon dito. "Ganun din si Kuya, hanggang ngayon mahal pa rin niya si Ate Max. Ganun na nga lang ang galit niya ng makita niya kayo, akala niya siguro linoloko niyo si Ate Max.And she thought na ikaw Dante at si Ate Max ang ikakasal."
"Can I trust you Kath?Kahit ngayon lang?" seryosong sabi ni Dante. Napatango naman si Kathleen.
"Oo naman, bakit?" nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Tumingin si Dante kay Carla at saka tumango ito! May kinuhang wallet size na picture si Dante sa wallet nito. Inabot iyon kay Kathleen.
Kinabahan si Kathleen sa larawang nakita, isang batang babae at lalaki na hula niya ay nasa 3 taon! Labis na kumuha ng pansin niya ng titigan ang batang babae, hindi siya maaaring magkamali.Ramdam niya na ang 2 batang nasa larawan ay parte ng buhay nila.Napalunok siya at napatitig kay Dante. "Do---Don't tell me na---" hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.
Si Carla ang sumagot."Ang babae ay si Maxie Jane, MJ ang tawag namin. And the boy, his name John Meynard, kambal sila at mahigit tatlong taon na!" Natutop ni Kathleen ang bibig. "And Yes, their Maxene twin's, anak ng kapatid mo sa kaniya, hindi niya sinabi kay Johny na nagdadalang-tao siya dahil sa sinabi ni Ysabel kaya nagdesisyon siyang lumayo!"
"All this time eh may pamangkin na pala kong kambal!Nasaan sila, si Ate Max, gusto ko silang makita!" ma-emosyong sabi ni Kathleen.
"Hindi pa sa ngayon Kath, ang kailangan nating gawin ay mag-isip kung panu magkakausap ang dalawa , para sa ikaliligaya nilang lahat.Dahil alam nating pareho na nasayang ang relasyon nila dahil sa paninira." mahabang sabi ni Dante. "Sa ngayon, hindi muna pwedeng malaman ni Johny ang lahat, lalo na ang tungkol sa mga bata!Makakasa ba kami Kath?'
Tumango si Kath, "Promise!'at sabay taas ng kamay na parang nanunumpa!"

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...