Part 27

58 2 1
                                    

Ala singko ng sunduin si Maxene ni Mang Piping. Sumakay siya sa kotse at tahimik lamang.

"Okey ka lang Maxene?" parang anak na ang turing ni Mang piping kay Maxene."Parang namumutla ho kayo!"

Tumingin si Maxene dito." Okey lang ho ako, masama lang pakiramdam ko!"

"Ganoon ho ba?Magpahinga ho muna kayo habang nasa biyahe.!" ngiti lamang ang sinagot ni Maxene at saka tumingin sa kawalan. Iniisip niya ang sasabihin ng kaniyang ina pag nalamang buntis siya. Ilang sandali pa at tumuloy nakarating na sila, hindi na tumuloy si Mang Piping.

" Ate si Nanay, sinusumpong na naman ng sakit niya!" kinakabahang sabi ni Dandan.

"Ha?Bakit, sumasakit na naman.ba ulo niya?"nagmamadaling pumasok si Maxene."Nay, magpatingin na ho tayo sa Doktor.!" pamimilit ni Maxene sa Ina nito.

"Okey lang ako!" maikling sagot ng kaniyang ina, na namimilipit ito sa sakit.

"Pero nay, baka kung ano na ho yan!"

"Ano ba Maxene?Sinabi ng okey lang ako!" pumasok ang kaniyang ina sa kuwarto nito. Nagkatinginan silang magkapatid

"Kapag hindi pa gumaling si Nanay mamaya, sa ayaw at sa gusto niya dadalhin na natin siya sa ospital.!"sabi ni Maxene sa kaniyang kapatid. "Huwag kang aalis ng bahay dan!" bilin pa ni Maxene.Pumasok siya sa kaniyang kuwarto at nagbihis.Nawala na sa isip niya ang pinoproblema niya kanina.

Samantala, alas 7 ng gabi ng makarating si Johny sa bahay nila Ysabel, sasaglit lamang siya doon at babalik na agad sa hotel.

"Oh hi Johny, kanina pa kita hinihintay!" sabi ni Maxene, ito ang sumalubong sa kaniya."C'mon kanina pa naghihintay sila Daddy!" Sa hapag-kainan na sila dumiretso.

"Happy anniversary Mr. & Mrs. Laxamana!" bati ni Johny at inabot ang regalo para dito.

"Salamat, maupo ka na iho!" umupo si Johny.

"Wala ho ba kayong ibang bisita?" tanong ni Johny na nagtataka dahil.tanging sila lamang ang naandoon.

"Wala iho, nagkataong nakita ka namin kanina kaya inembitahan ka na namin. Alam naman naming ikakatuwa nitong si Ysabel kung naandito ka!"

Kung alam lang ni Johny na sila lamang, sana hindi na siya nagpunta pa. Nagkukwentuhan sila habang nakain,.patingin-tingin naman si Johny sa kaniyang relo dahil nakalimutan niya ang cellphone.Tiyak na kanina pa naghihintay ng tawag niya si Maxene. Matapos kumain, nag-aya ang ama ni Ysabel na uminom ng kaunti. Pinagbigyan niya ito, nakaisang bote na sila ng lumapit si Ysabel sa kanila.

"I like to join Daddy, kunti lang!" paalam nito sa kaniyang ama.Tumango naman ang ama ni Maxene. Nakisama siya sa usapan ng dalawa at ilang saglit pa nagpaalam si Mr. Laxamana na aakyat na dahil may tama na ito. Aalis na din sana si Johny.

"I think I have to go Ysabel, marami- rami na rin nainom namin!" sabi ni Johny.

"Mamaya na Johny, aga pa oh!" pigil ni Ysabel dito." Ubusin lang natin 'to!" sabay taas ni Ysabel sa lampas kalahati bg laman ng bote."Sabihin na nating para ito sa paghihiwalay natin Johny.!"

Tumingin si Johny dito. " Walang dapat icelebrate na paghihiwalay natin Ysabel, dahil kailanman ay hindi naging tayo!" seryosong sabi ni Johny.

Pinagkibit-balikat lamang ito ni Ysabel." Let's drink to that Johny.!" saka itinaas ang baso.

"Mag-ccr lang ako!" sa halip yun ang isinagot ni Johny at tumayo.

Ikinatuwa ni Ysabel ang pagpunta ni Johny sa cr!Hindi siya mahihirapan sa kaniyang gagawin.May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ilinagay ito sa inumin ni Johny. Ilabg saglit pa at bumalik na si Johny. Ininom nito ang laman ng baso niya at naupo.

"After this Ysabel, aalis na ko!" medyo tipsy'ng sabi ni Johny.

"Okey! No problem!" balewalabg sagot ni Ysabel. Nakatatlo pang inom si Johny, bago nagpasyang tumayo para umalis.

"I have to go Ysabel!"sa biglang tayo ni Johny, nakaramdam siya ng pagkahilo." Pakisabi na lang sa mama't papa mo na a----" hindi natapos ni Johny ang kaniyang sasabihin, nahilo na siya na parang sinabayan ng antok!Napahawak siya sa lamesa, naramdaman niyang inalalayan siya ni Ysabel.Naglakad sila, umakyat sa hagdan, may binuksan itong pinto, pumasok sila. Humiga siya sa kama, ipinikit niya ang kaniyang mata at hindi na namalayan ang sumunod pang nangyari.

Napangiti si Ysabel. " Sa wakas, maisasajatuparan ko na ang gagawin ko Johny!" sa loob- loob ni Ysabel.

Samantala, kanina pa naghihintay si Maxene sa tawag ni Johny. Mag-aalas 10 na ng gabi ngunit di pa rin ito natawag o nagtetext man lng. Di-nial niya ang cellphone nito, ngunit out of coverage lagi ito. Hindi siya makatulog dahil sa alalahanin niya sa kaniyang sarili at sa inang may sakit.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon