Part 54

51 0 0
                                        

God, Maxene ba't pumayag kang halikan ka niya! sabay hilamos ng kaniyang mga kamay sa mukha! Ng maalala ang sinabi nito bago umalis. 15 minutes, biglang may parang kumalimbang sa utak niya. Mabilis siyang kumilos at naghanap ng maisusuot. Hindi niya pwedeng isuot ang sinuot niya kagabi sa party, kaya nagdesisyon siyang maghanap na lamang sa loob ng cabinet. Isang short na medyo mahaba at tshirt ang napili niyang isuot.

Isinusuot na niya ang damit ng marinig niyang may kumatok sa pinto.

"Maxene?" nanlaki ang mata ni Maxene ng marinig ang boses ni Johny, mabilis niyang isnuot ang damit at nagmamadaling tinungo ang pinto.

"Andiyan na!" sigaw niya at marahas na binuksan ang pinto. Isang nakangiting mukha ni Johny ang bumungad sa kaniya!

Tiningnan siya nito mula taas, pababa at pilyong ngumiti. "You look good sweetheart, pwede naman palang magshare na lang tayo ng damit!" sabay kindat niya dito. Saka narealize ni Maxene na ang kuwartong tinulugan niya ay kay Johny.

Inirapan niya ito. "Wala akong maisusuot, pasensiya na kung pinakialam ko gamit mo!"

"It's okey sweetie, kung gusto mo pati ano-- e , share pa tayo!" nakita na naman ni Maxene ang nakakalokong ngiti nito!

Tiningnan niya ito ng masama at saka pairap na namang tiningnan. Nagpatiuna na siyang maglakad ngunit hindi sinasadyang natapilok siya. Maagap naman si Johny, mabilis siyang hinawakan nito sa bewang.

"Watch your step sweetheart, ba't ka ba nagmamadali?Dinalhan kita ng breakfast kanina sa room baka gusto mong doon na lang kumain?" sabay ngiti ni Johny.

Mabilis namang iwinaksi ni Maxene ang mga bisig nitong halos nakayakap na sa kaniya.

"You wish, Johny!" at saka mabilis ng iniwan ito ni Maxene.

Napakamot na lamang sa ulo at napailing si Johny. Hinding-hindi kita susukuan Maxene kahit araw-araw mo pa kong sungitan. Saka sumunod si Johny dito.

Naabutan niya ang mga ito sa sala.

"Panu ba kami nakarating dito Kath?" tanong ni Maxene kay Kathleen.

"Hinimatay ka lang naman po kagabi tapos binuhat ka ni Kuya, dinala ka sa kotse at dito na kayo diniretso." turan naman nito.

"Eh sinong nagpa---"

"Nagpalit ng damit mo?" putol ni Kathleen sa sasabihin ng kaibigan, nahihiyang tumango siya. "Eh di sino pa ba?Syempre, si Kuya!" nag-init bigla ang pisngi niya. Tumuwid ng upo si Kathleen, tila naintriga ito. "Bakit Ate Max?May kababalaghan bang ginawa sayo si Kuya?" biro nito sa kaniya na ikinagulat niya at naalala ang kaninang halik na pinagsaluhan nila.

Nakatalikod si Kathleen ng dumating siya. At narinig niya ang huling sinabi nito. Anong kababalaghan ang sinasabi ng babaeng ito! Hindi nito napansin ang pagdating niya kaya, piniktusan niya ito.

"Ouch Kuya!What was that for ba?" reklamo nito sabay hawak sa ulo. Saka pinandilatan ito ni Johny at pinukpok ng katabing unan nito. Inirapan siya nito.

Umikot si Johny at walang sabi-sabing tumabi kay Maxene. Lumapit sa kaniya si MJ at nagpakalong ito. Binuhat niya ito habang si JM ay nasa nakaupo sa sahig at naglalaro ng robot nito.

"Mommy, is he really our Dad?" nakatinging turan nito kay Maxene. Hindi agad nakapagsalita si Maxene at ganun din si Johny. Hinihintay nito ang isasagot ni Maxene. Dalangin niyang huwag na sanang itanggi pa nito. Lumapit si JM kay Maxene at hinawakan ang kamay niya. "Is it true, mommy?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Maxene sa mga ito.

Tumingin si Maxene kay Johny at tinitigan ito sa mga mata. Nakita niya sa mga mata nitong nakikiusap na sabihin niya ang totoo. Kinakabahan siya kaya nag-ipon ng lakas ng loob bago nagsalita. Malakas na buntong - hininga ang pinakawalan niya at diretsong tinitigan si Johny.

"Ye-yes MJ, JM!Si-siya ang Da-daddy ninyo!" kinakabahang turan ni Maxene.

Nakahinga ng maluwag si Johny at nakangiti kay Maxene.

"Yehey!yehey!" nagtatalong sabi ni JM.

"Malulungkot po ako kung hindi ikaw ang Daddy namin!" seryosong sabi naman ni MJ.

Hinaplos ni Johny ang buhok nito. "I'am sweetie!"

Mas malulungkot ako kung tinanggi ng mommy niyo sa harap nating lahat na hindi ako ang inyong ama! anang isip ni Johny.

Tahimik lamang si Maxene. Ano ng mangyayari ngayon ha Maxene?Ngayong inamin mo na dito ang lahat, anong susunod mong hakbang.? tanong ni Maxene sa kaniyang sarili.

"Ahm, I think kailangan na naming u-umalis.." turan ni Maxene.

Nabigla si Johny sa sinabi ni Maxene. "Umalis?Pakatapos ng nalaman kong may anak ako, sa tingin mo papayag akong umalis kayo?" sabi naman ni Johny.

"Pe-pero Johny, papahintulutan naman kitang dalawin sila!"

Napatayong bigla si Johny. "God, Maxene!Dalawin?Anong akala mo sa akin, hahayaang ganun-ganon na lang?Tatlong taon Maxene.Tatlong taon mong ilinihim sila sa akin, tatlong taong pinagkait mo sa akin ang maging ama sa kanila, tapos ngayon sasabihin mo sa'kin pwede ko sila dalawin?" pilit tinitimpi ni Johny ang kaniyang galit.

Tinitigan siya ng masama ni Maxene. "Wala kang karapatang sabihin ang lahat ng yan Johny. Dahil ikaw may kakagawan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to!Hi-hindi ikaw ang nakaramdam ng hirap at sa-sakit sa lahat na pinagdaanan ko!" may bikig sa lalamunan ni Maxene ng sabihin niya ito. Maluha-luha na si Maxene sa pagkakataong iyo.

Napatingin si Johny dito, parang gusto niyang bawiin sa mga oras na yun ang lahat ng sinabi niya.

"Hey!hey guys, nasa harap kayo ng mga bata, hindi niyo kailangang mag-sigawan! awat ni Kathleen sa kanila.

"Nag-aaway po ba sila Tita Kath!" inosenteng tanong ni MJ.

"Nope baby, ganiyan talaga sila pag namimiss ang isa't - isa!"

"Really Dad?"tanong naman ni JM."Namiss ka din po namin!" ngumiti ng tipid si Johny dito at hinaplos ang buhok.

"Tara kids, dun muna tayo sa garden,laro tayo dun!" yaya ni Kathleen sa kambal. Humawak naman ang mga ito sa kaniyang kamay.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon