Untitled Part 77

8 1 0
                                    

"Kath.." anang paos niyang tinig at humihikbi ng mahina

"Ate Max, nasaan ka na ba? Hinahanap ka na ng mga bata. Magkasama ba kayo ni Kuya Johny, wala pa din siya." Pagkarinig sa pangalan ni Johny at malamang wala din ito sa bahay ay nakaramdam na naman siya ng matinding selos. Marahil kasama na naman nito Ysabel. Hindi na niya napigilan ang malakas na pag -hagulhol. "Ate Max, umiiyak ka ba? Bakit?Anong nangyari sa'yo?"

"KAth...na - nangyari na ang kinakataku-tan ko.." sabi ni Maxene habang naiyak.

"Ang alin?Nasaan ka ba, pasusundo ka namin sa driver. Nag -aalala na kami sayo, ang mga bata nagtatanong na kung nasaan ka.Ano ba kasing nangyari?"

"Ma-may" Parang hindi maituloy - tuloy ni Maxene ang kaniyang sasabihin. "May --i - ibang babae si Johny."

"Ate Max...hindi toto --"

"Na kita ko mismo Kath, ng dalawang mata ko. And you know Kath, buntis ang babaeng yun. Mas malaki pa ang tiyan kesa sa'kin, meaning no-noon pa, matagal na kong linoloko."

"Ha?Saan mo nakita? Paanong?" hindi makapaniwalang sabi ni Kathleen

"Ang sakit Kath, I thought hindi na ko muling makakaramdam pa ng ganitong sakit, to think na malalaki na ang mga bata at ngayon pa na buntis ako." sabi ni minsan habang umiiyak.

"Ate Max, tell me nasaan ka?Huwag kang aalis diyan, papasundo kita. Kakausapin namin si ku--" hindi na natapos ni Kathleen dahil nawala si MAxene sa kabilang linya. Muli niya itong tinawagan ngunit hindi na niya ito ma-contact.

Umiyak ng umiyak si Maxene, nalowbat ang kaniyang cellphone at wala siyang dalang charger. Nakaramdam na rin siya ng gutom, lumabas siya ng bahay at kumain sandali sa fastfood chain. Kung sarili lang niya ang iisipin, wala siyang ganang kumain, pero buntis siya kaya kailangan niyang kumain.

KASALUKUYANG nagliligpit si Johny ng kaniyang gamit, pauwi na siya ng mga oras na iyon ng pumasok ang kaniyang sekretarya.

"Sir, ang mama niyo po. Gusto daw po kayong makausap."

Tumango si Johny. "What is it ma-" hindi naituloy ni Johny ang kaniyang sassabihin.

"Umuwi ka ngayon din Johny, mag - uusap tayo." at nawala ito sa kabilang linya. Nagtaka siya sa pagsasalita ng kaniyang mama. Ngayon lamang ito gumamit ng tonong ganun sa kaniya. Nagmadali ang pagkilos niya.

PAPASOK pa lamang siya ng bahay nila ng magulat siya sa batok na ginawa ni Kathleen.

"Ano ba Kath!" reklamo niya.

"Kasasabi ko lang sa'yo na babatukan kita, diba?Eh yun pala totoo nga." galit na sabi nito. Tumingin siya sa kaniyang ina.

"Umupo ka Johny." seryoso at mukhang galit ang anyo ng kaniyang ina.Sinunod niya iyon at naupo. "Kelan mo pa linoloko si Maxene?Kaming lahat ha, Johny?"

"Ano bang pinagsasasabi niyo, ma?Ano to joke?"

"Alam mo bang wala dito si MAxene at kanina pa hindi namin alam kung nasaan?" patuloy ng kaniyang ina.

"Wala?Bakit, saan nagpunta?" takang tanong niya.

"Dahil sayo, Kuya!" si Kathleen

"Dahil sa'kin?bakit?"

"ba't di mo itanong sa sarili mo, kuya." tiningnan niya ng masama ang kapatid.

"Diretsuhin niyo na ko ma, ano bang gusto niyong palabasin." napipikong turan niya

"Totoo ba na may babae ka Johny?Hindi kita pinalaki ng ganiyan para mangloko lamang ng babae."

"Babae?Ofcourse not ma." tanggi niya. Anyong tatayo si Johny. "hahanapin ko si MAxene." ngunit pinigilan siya.

"Sino ang babaeng nabuntis mo Johny?Sino ang buntis na babaeng nakita ni Maxene na kasa - kasama mo lagi?"

"Buntis?" napapalatak si JOhny."Wala akong babae at wala akong buntis na kasa - kasa - - " hindi naituloy ni johny ang sasabihin. "God, hindi kaya-"

"Hindi ano Kuya.?"

"Ngayon alam ko na kung bakit ganun siya nitong mga nakaraang araw. I'll talk to her."

"Talk?Eh ni hindi nga natin alam kong nasaan siya. Ano ba kasing nangyayari sa inyo ni MAxene ha, Johny?"

Hinarap ni Johnny ang kaniyang ina. "Ma, trust me. Alam mo at alam niyong lahat kung gaano ko kamahal so Maxene.Ang lokohin siya ang pinaka-a yaw kung gawin sa kaniya."

"Find her Johnny!"

Tumango c Johnny. "I will ma",..

Tatalikod na lamang si Johny ng muling magsalita ang kapatid nito. " One more thing Kuya." Liningon ito ni Johny. "she's pregnant"

Napakunot - noo si Johny. "Re- really Kath?" Napahilamos ng mukha si Johny. " God. Hindi ko alam, 'kaya pala. I'm so happy Kath, Ma." nakangiting turan ni Johny.

"Mas magiging masaya ka kuya kung ngayon mismo hahanapin mo na siya. Kanina pa siya hindi tumatawag o nag - tetext man lang. Baka magtanong na ang kambal."

Napatango si Johny. "I'll find her."

Saka nagmamadaling umalis si Johnny. Pagsakay na pagsakay niya ng sasakyan may tinawagan siyang kaibigan. "Do me a favor, pare. Pakitingnan si Maxene sa dati nilang tinirhan!I'm on my way gusto ko lang makasiguro." Pagkatapos niyang kausapin ang kaibigan ay pinaandar na niya ang kaniyang kotse. Ilang beses niyang tinatawagan sang cellphone ni Maxene ngunit di niya ito macontact. Ang sunod niyang tinawagan ay ang telepono sa bahay nito ngunit ring lamang ito ng ring. Nakahinga lamang ng maluwag si Johny ng makatanggap siya ng mensahe mula sa kaniyang kaibigan. "She's here, pare!" ang mensaheng natanggap niya. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi at pinaharurot ng muli ang kaniyang kotse.

Samantala, nakahigang nakatulala lamang si Maxene. Gulong - gulo ang kaniyang isip. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Mahal na mahal niya si Johny, ngunit tila natatabunan ng galit ang puso niya sa ngayon. sa kaniyang pag - iisip hindi niya namalayang nakatulog pala siya.

Habang nagmamaneho si Johny, napapangiti siya sa isiping buntis si Maxene. Kung pwede lang paliparin ang sasakyan ay ginawa na niya kanina pa para lamang makita at makasama na niya ito. Gusto niya maliwanagan ito at maibsan man lang ang kung ano mang sakit na naiparamdam niya nitong mga nakalipas na mga araw. Hindi niya inakalang ganun ang iisipin nito. Ni hindi siya huminto kahit nakaramdam na siya ng gutom. Balewala iyon, ang mahalaga ay makasama na niya ito.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon