"Johny pare, aga mo ngayon ah! Di ka ba napuyat s date niyo kagabi ni Ysabel?"Tanong ni Brent kay Johny habang pasakay sila sa elevator. Ysabel Laxaman, isang sikat na modelo, maganda, sopestikada at kababata ni Johny. Noon pa man ay tahasan ng pinapakita ni Ysabel ang pagkakagusto niya kay Johny. Lumalabas sila pero walang binibitawang salita si Johny kay Ysabel kung sila ba ay may relasyon o wala. Dahil ni minsan hindi siya nagkagusto sa kaniyang kababata, hinahayaan lamang niya ito dahil ayaw niyang masaktan ang kaniyang kababata at masira ang kanilang pagkakaibigan. Si Brent at at Johny ay matalik na magkaibigan mula ng sila ay nasa kolehiyo pa lamang. Sa edad na 28 , pinamamahalaan na ni Brent at Johny ang negosyong kanilang itinayo. Ito ay ang pagawaan ng sapatos, isang malaking kompanya na nakakarating na s iba't-ibang bansa ang kanilang produkto. Si Johny ay panganay sa magkakapatid. Tatlo lamang sila, ang sumunod sa kanyang lalaki ay kasalukuyang naninirahan sa Australia kasama ang sarili na nitong pamilya. At ang bunso nilang kapatid na babae ay nas kolehiyo pa lamang. Guwapo, nangungusap na mga mata, ilong na kaygandang pagmasdan at mga labing kaakit-akit tingnan na kung susuriin ay mala-Adonis ang kaniyang katangian. Matangkad, kayumannging balat at may magandang pangangatawan.
"Ugok!" sabay siko ni Johny s kaibigan. "Napuyat ka diyan, di kami natuloy ni Ysabel, tinawagan ako ni Mama at inayang doon ako magdinner sa bahay." Kasalukuyang naninirahan si Johny sa isang sikat na condominium. Nagdesisyon siyang bumukod sa kaniyang magulang mula ng maitayo nila ang kanilang negosyo. Ang bunso nilang kapatid na babae ang kasa-kasama ng kaniyang mga magulang sa kanilang bahay. Napangiti siya ng maalala ang bunso niyang kapatid.Bago siya umalis sa bahay nila kagabi tinanong siya nito kung gusto daw niya ng textmate. "Textmate?" nasambit niya sa kaniyang sarili. "Ano siya teenager na makikipagtext?Sayang lamang ang oras niya." dugtong pa niya sa kniyang isip. Natawa na lamang siya at hindi na pinansin ang pangungulit nito. Spoiled ito sa kaniya,hinding hindi niya ito matanggihan sa tuwing hihingi ito sa kanya ng pabor.
"Tsk.tsk.tsk." naiiling na sagot ni Brent kay Johny. "Hulaan ko pare ang bilin sayo ni Tita, Johny iho sana sa susunod na pagbisita mo sa amin eh may maipakilala ka ng babae sa amin na seseyosohin mo!" Natatawang sabi pa ni Brent na ginaya pa ang pagsasalita ng kaniyang mama.
"Ano pa nga ba pare, kaya minsan lang ako dumalaw sa bahay. laging anun ang sinasabi ni Mama. Masarap maging binata Brent, 'yong wala kang aalalahanin na baka hindi mo mabati sa monthsary niyo.e magtampo sayo. Walang magbabawal sayo, walang manenermon ng kung anu-ano. Sisita s oras ng pag-uwi mo, sa mga lakad mo, sa pagkain mo at walang makikialam sa gamit mo. " mahabang paliwanag ni Johny.
"Nasasabi mo yan pare kasi di mo pa natatagpuan ang babaeng magpapatino sayo.Ang babaeng magtuturo sayo kung panu mahalin at magmahal. " sagot naman ni Brent
"Updated ka ngayon Brent ah!" si Johny
"Updated saan pare?" tanong ni Brent
"Sa mga HUGOT linya mo."tatawa -tawang sagot ni Johny
"Sira ka talaga Johny, kahit kelan. Ayaw pa kasi magseryoso o kaya sagutin mo na kasi si Ysabel.Bukod sa maganda na si Ysabel, sikat pa! "
Ngiti lamang ang naging sagot niya kay Brent. May mga katangian si Ysabel na hindi niya maintindihan minsan. Masyado itong maarte, sosyal at walang pakiaalam sa salitang binibitawan. Ayaw nitong nakakakita ng mga namamalimos, sinusungitan at diring diri siya dito. Isip bata, papa's girl at spoiled brat.
"That will never happen pare, watch me! Ako pa? Maingat ako s lahat ng bagay at masarap maging single!" mayabang na sagot ni Johny kay Brent at dire-diretso ng lumabas sa elevator patungo sa kaniyang opisina.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...