Part55

115 3 6
                                    

"Maxene, I'm sorry!"lumapit si Johny dito at anyong hahawakan sana si Maxene ngunit umatras ito!

"Sorry for what Johny?Sa panlolokong ginawa mo?Sa pagbili ng dignidad ko o sa lahat ng hirap na dinanas ko dahil sa kagagawan mo?" galit na turan ni Maxene dito.  "Oo, ikaw ang kanilang ama, pinakilala kita pero hindi ibig sabihin nun ikaw ang masusunod!Wala kang karapatang gawin yun, dahil wala ka ng araw na hirap na hirap ako sa pagbubuntis, wala ka ng araw na isilang ko sila na halos mamatay ng ipanganak sila, wala ka ng oras na may sakit sila at hindi ikaw ang napupuyat sa pagtimpla ng gatas tuwing gabi o pagpalit ng diapers nila. Ngayon sabihin mo sa akin, Johny anong klase kang tao para gawin mo sa akin ang lahat ng hirap na yun!Ano Johny?" patuloy na panunumbat ni Maxene, wala siyang pakialam kahit umagos ng umagos ang luha niya sa harap nito.

Yinakap ito ni Johny ngunit hinahampas naman ni Maxene ang dibdib nito. "I'm sorry Maxene, sige lang saktan mo ko kung yan ang ikakapagpalubag ng loob mo!Sumbatan mo ko, tatanggapin ko. Pero sisiguraduhin ko sayong ni minsan ay hindi kita niloko o binili ang pagkatao mo!" turan ni Johny habg masuyong hinahaplos ang likod nito hanggang sa maramdaman niya hindi na siya nito hinahampas sa halip nagsumiksik ito sa kaniyang dibdib at umiyak ng umiyak!Hinayaan niya lamang ito. Hanggang sa dahang-dahang bumitaw ito.

"Please Johny, hayaan mo na kami!Huwag mo na sanang gawing komplikado ang lahat, mamaya babalik na kami ng Maynila. Kung kinakailangang magsinungaling ulit ako sa kanila gagawin ko, huwag ka lang hayaang pumasok sa tahimik na naming mundo!"

Umupo si Johny at yumuko habang sapo ang ulo. Nang mag-angat ito ng paningin nakita ni Maxene ang nagsusumamo nitong mga mata, tila ilang sandali pa at papatak ang luha mula dito. "Hi-hilingin mo na ang lahat Maxene huwag lang ang hayaan kayong mag-ina.Da-dahil hi-hindi ko kakayanin!Hindi ko kakayaning mawala ka pa,sila sa buhay ko!" makikita sa mga mata ni Johny ang pagsusumamo nito.

"..God, di ko na alam ang gagawin ko!" tumalikod si Maxene dito na patuloy pa ring umiiyak. Tumayo si Johny at mula sa likod ni Maxene ay yinakap niya ito at isiniksik ang mukha sa leeg ni Maxene.

"Just give me a chance Maxene, papatunayan ko sayong karapat-dapat akong maging ama sa mga anak natin!Mahal na mahal kita Maxene, hindi nawala ang pagmamahal na yun.Ni minsan hindi ka nawala sa isip ko, tatlong taon na parang robot lang ang bawat kilos ko. Pero ngayong nakita kita ulit at nalaman ko pang may mga anak na tayo biglang nagkaroon ulit ng kulay ang buhay ko!"

Ipinikit ni Maxene ang kaniyang mga mata, ninamnam ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito at hinayaang yakap siya. Gusto ng puso niyang bigyan ito ng pagkakataon pero iba ang sinisigaw ng isip niya.

Huwag kang magpakatanga Maxene, pa'nu kung gawin na naman niya ang ginawa sayo?Hindi lang ikaw ang masasaktan kundi pati na rin ang inyong mga anak! turan niysa kaniyang sarili ngunit iba ang lumabas sa bibig niya.

"A-anong gusto mong mang-----yari ngayon Johny?"

" Gusto kong makasama ang mga anak ko Max, at----- pati na rin ikaw!"

"Hindi ganoon kadali yun.Papayagan kitang makasama mo sila pero napakalayo ng Maynila dito sa San Ignacio." tinanggal ni Maxene ang mga kamay nitong nakapulupot sa kaniya at binigyan ng espasyo ang kanilang mga sarili. "Papayagan kitang pasukin mo ang mundo nila Johny, pero hindi ako kasama dun!Ipasyal mo sila, bisitahin o di kaya ay dalawin, pero ang kunin sila mula sa akin at itira dito sa San Ignacio ay malabong mangyari yun!Dahil hindi ko sila ibibigay sayo "

Natahimik si Johny at matamang tinitigan si Maxene.Isang solusyon ang kailangang gawin ni Johny.Kailangan niyang sumugal.

"Then, nasa ang desisyon Maxene. Mamili ka, babalik ka sa Maynila na ikaw lang mag-isa o mananatili ka dito kasama kami ng mga anak mo!Better yet, hintayin na lang nating ang korte ang magdesisyon kung kanino mapupunta ang mga bata!Pero ito ang sinisiguro ko sayo, sisiguraduhin kung sa'kin sila mapupunta. " matamang nakatitig dito si Johny, tinatantiya ang nararamdaman ni Maxene. Tumalikod si Johny, nakailang hakbang na ito ng magsalita ulit. "Bukas ang pinto para sa pag-alis mo, pero ikaw lang mag-isa!"saka dire-diretso si Johny sa garden para sundan ang mga bata.

Kailangang gawin ko yun Maxene, kailangang saktan kita ngayon para masiguro kung di ka na mawawala pang muli! anang ni Johny sa kaniyang sarili.

Labis na ikinagulat ni Maxene iyon, ang isiping kukunin sa kaniya ang dalawa ay ikamamatay niya!Nagtaka din siya kung bakit biglang nagbago ang mode nito. Kanina lang eh halos magtapat ng nararamdaman pero ngayon---halos ipagtabuyan siya nito.

"God!" tanging nasabi niya at naihilamos ang kaniyang mga kamay sa mukha. Tinungo ni Maxene ang kaniyang kuwarto, kailangan niyang magdesisyon.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon