Chapter 13

46 2 0
                                    

"Mommy!" magkapanabay na sigaw ng magkambal habang nag-uunahang pumasok sa kuwarto ni Johny.

Ikinagulat iyon ni Johny at biglang napabangon. Tumingin siya sa kaniyang relo, 6:30 a.m..Nakita niyang sasampa sana ito sa kamang tinutulugan ni Maxene ng tawagin niya.

"Hey, sweethearts!" hinawakan niya ang mga kamay nito at saka hinila pabalik sa sofa. Kinalong niya ang mga ito. "Your mom still sleeping sweetie, kaya huwag muna maingay ha?" masuyong turan niya dito.

"Ano hong ginagawa niyo dito sa kuwarto ni mommy?" inosenteng tanong ni MJ

"Ha?" nabigla si Johny sa itinanong nito."Ahm-a-ano kasi,kailangan kong bantayan mommy niyo, masama pakiramdam niya."

"Is she okey now?" sabi naman ni JM

"Yup buddy!She need some rest kaya huwag muna nating gigisingin ha?"sabay haplos sa buhok ni JM.

"Okey po!" turan ng mga ito.

"Hey guys, bakit 'di natin ipaghanda breakfast mommy niyo!What do you think, huh?" palipat-lipat na tingin niya dito.

"That's a good idea !tara po!" bumaba si MJ sa kandungan niya at tumayo ito.

"Gee, that's for the girls only MJ!" lukot ang mukhang turan ni JM

"Ofcourse not JM, Tito Ninong used to to do that for Tita Ninang that's why she love's Tito Ninong so much!" nakapamewang na sabi naman ni MJ. Aliw na aliw siya sa mga ito.

"Tama si MJ, JM!So....tara?" tumitig siya kay JM. Hindi ito umimik,bumaba at nagpatiuna ng naglakad palabas, sumunod naman dito si MJ.Bago lumabas liningon muna niya si Maxene, mahimbing pa rin ang tulog nito.

Naabutan sila ni Kathleen na nagkakagulo sa kusina. "Hey guys, anong rayot ang meron dito?"

Magkakapanabay na lumingon ito sa kaniya. Biglang umaliwalas ang mukha ng kambal ng makita siya.

"Tita Kath...." sigaw ng mga ito, at sabay na lumapit sa kaniya

"why are you here po?" tanong ni JM. Napakunot noo si Johny, nagtaka siya kung bakit kilala ito ng kambal samantalang tulog na ang mga ito kagabi ng dumating ang kaniyang kapatid.

"Kasi po dito nakatira si Titang Maganda!" turan niya at yinuko ang mga ito sabay halik sa buhok ng dalawa. Yumakap naman sa kaniya si JM ng magsalita si Johny.

"May dapat ka bang ipaliwanag sa'kin Kathleen Faye?" seryosong tanong niya dito. Binuhat nito si JM, hinawakan ang kamay ni MJ at lumapit kay Johny.

"About what Kuya?"pinaupo nito si JM at sunod na binuhat si MJ para makaupo rin

"Bakit kilala ka nila?"

"Ha?"

"Kath?"nagbabantang turan ni Johny.

Tinaas ni Kathleen ang dalawang kamay na tila sumusuko. "Okey!sabihin na lang natin na, planado ang kagabi!" hindi iyon magets ni Johny.Iwinagayway niya ang kamay. "Eh basta kuya, alam kung darating si Ate Max at nung isang araw ko pa alam na may anak kayo, actually kasama ko sila last day.Namasyal kami!" sabay napakagat labi si Kathleen dahil sa nakitang pagkakakunot ng noo ng kapatid."Remember the picture na nakalapag dito sa lamesa?" tumango si Johny. "Sila yung nasa larawan!" sabay nguso sa kambal!

"Ibigay mo sa'kin ang picture na yun Kathleen, saka na tayo mag-tutuos sa paglilihim na ginawa mo!" turan ni Johny.

"Ano ka!Akin kaya yun, And ..Kuya?" nag-aatubiling sabi ni Kathleen.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon