Part 58

56 3 3
                                        

Maagang gumayak si Maxene para sa pagpunta niya sa Maynila. Hinalikan niya ang nahihimbing pang mgat bata saka nagtungo sa kabilang kuwarto para gisingin ang yaya.

"Ya?".masuyong tawag niya dito.

"bakit po ma'am?" nagising naman agad ito.

"Lipat ka na muna sa kuwarto ng kambal. Pupunta kong Maynila, kaw na munang bahala sa kanila. Pag nagising at hinanap ako tawagan mo ko at kakausapin ko sila." bilin niya dito.

"Sige po!Mag-iingat ho kayo!"

HINDI pa sumisikat si haring araw ay binagbagtas na niya ang daan patungong Maynila. Hindi na siya nakapag-paalam kay Kathleen at Johny dahil tulog pa ang mga ito. Sa banko na siya didiretso at saka magpapaalam na mag-leleave siya ng isang buwan hanggat hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos ni Johny tungkol sa mga bata!.

MAAGANG gumising si Johny. Naabutan niya sa baba ang yaya ng dalawang bata.

"Good moring ho sir!" bati nito sa kaniya.

"Morning!Tulog pa ba ang mga bata?" tanong niya dito.

"Opo sir!"

"Si ma'am Maxene mo tulog pa din ba?" tanong niya dito habang agbabasa ng dyaryo. Nakita naman.niyang papanaog na si Kathleen at umupo ito sa tapat niya.

"Morning guys!" bati nito pag-upo. Tumango lamang dito si Johny.

"Pakitingnan mo nga si Maxene kung gising na, maaga kaming aalis para makabalik agad!"

"Naku sir wala na ho si ma'am Maxene!" kinabahan si Johny sa narinig.

Wala na? Tanong ng isip niya. Iniwan na ba sila nito?

"a-anong wala na ang sinasabi mo?" saka mabilis na tumayo at pumanhik sa taas para tingnan ito sa kuwarto.

Napatingin si Kathleen sa yaya ng mga bata. "ano bang sinasabi mong wala na?"

"Eh ma'am maaga hong umalis si ma'am maxene, pupunta lang daw ho siya sa Maynila, may aasikasuhin lang daw po. Babalik din daw ho agad siya!"

Napakamot naman sa ulo si Kathleen. "Diyos ko naman 'ya,atatakehin sayo sa puso si Kuya!"

"ha?may sakit ho sa puso si sir?" seryosong tanong naman nito.

Tiningnan ito ni Kathleen. "Oo, meron!At si Maxene lang ang makakagamot!' saka tumayo siya at sinundan naman si Johny.

Naiwan si yayang nag-iisip.
Sayang naman, ang guwapo ni sir  para mamatay agad!Ba't kaya si ma'am maxene ang makakagamot, eh di naman doktor si ma'am. Ah baka may alam si ma'am sa panggagamot na pang-albularyo. Bubulong-bulong na turan ni yaya saka ipnagpatuloy ang ginagawa.

Naabutan ni Kathleen ang kapatid na nakaupo sa tabi ng kama at sapo ang ulo. Binatukan ito ni Kathleen.

"Ano ba Kathleen Faye?" galit na turan ni Johny.

"ayusin mo nga yang sarili mo..!" tiningnan siya nito ng masama. "ang o.a. mo makapag-react, nagpunta lang pala ng maynila yung tao!"

"What?"...saka nawala ang takot sa dibdib ni Johny."Oh God!" naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Nagpaalam ba siya sayo?"

"Nope!"

"Eh panu mo nalaman?"

"sinabi ni yaya!di pa kasi tapos magkuwento nag-rereact ka agad!" saka napailing si Kathleen.

Minsan talaga eengot-engot itong si kuya. "sa loob-loob niya.

"shit!" napalakas ang boses ni Johny."I told her na sasamahan ko siya!"

Biglang bumukas ang pinto.

"Ang bibig mo Johny, dinig hanggang labas pati pagmumura mo!" nagulat ang dalawang sa bagong dating.

"ma?" magkapanabay na turan ng dalawa.

"ako nga, bakit sino pa ba?" lumapit sila dito at saka humalik.

"ba't di niyo ho sinabi oras ng pagdating niyo ng nasundo ko kayo!"turan ni Johny.

"ssh!shut up Johny!"saka tumingin sa hinihigaan ng kambal. "eto ba ang mga apo ko ha, Johny?" lumapit ito sa mga batang. "owww...ang pogi at ang ganda nila!hey, look at her Kath, parang ang kuya mo when he was a kid!" natutuwang turan nito mg mapagmasdan si MJ.

"You bet, ma!" nangngiti namang tugon ni Kathleen.

"And..this young man, he's so handsome!Let me see, mung sino kamukha....hmmp!" nag-iisip na sabi nito.

Ngunit si Johny na ang nagsalita. "he look's like her mom, ma!look at his eyes!the innocent look and the charming face that captured my heart more than 3 years ago!" madamdaming sabi ni Johny habang titig na titig sa kambal.

"yes he is, son!win her back and bumuo kayo ng masayang pamilya!" turan naman ng kaniyang mama.

Biglang naipitik ni Kathleen ang mga daliri. "Nakuuu,...mag-ina nga kayo ma, maka-emote e wagas!"

Liningon siya ng kaniyang mama at kapatid at magkapanabay na sabing...

"Shut up, Kathleen Faye!"

"hehehe.chill.joke lang.." sabay peace sign niya sa mga ito. Binatukan siya ni Johny at kinurot naman siya ng kanilang mama sa singit."ouch!naman ehh!"...

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon