"Hey kids, huwag lalayo masyado ha?" sigaw ni Maxene sa dalawa. Pangalawang araw na nila iyon sa Batangas. Naglalaro ang kambal sa buhangin habang nakaupo naman siya malapit dito.Nasa cottage pa si Johny at may kausap sa cellphone. Itim na swimsuit ang kaniyang suot, at nagsuot ng isang bulaklaking short. Nagpasya siyang mahiga sa sapin na ilinatag niya sa buhangin dahil hindi pa masyadong mainit ng mga oras na yun.
"Max?"liningon niya ang nagsalita.
"A-alex, ?A-anong ginagawa mo dito?"bumangon siya at tumayo. Na-concious siya bigla sa kaniyang suot, dahil napakaiksi niyon at nakita niyang matamang tinitigan siya nito pababa.
"Kung di kita kilala, aakalain kong isa kang napakaganda at seksing dalaga na nagbabakasyon dito.You look beautiful and sexy Maxene in any way, alam mo ba yun?" mahabang turan nito na titig na titig sa kaniya. Litaw na litaw ang makikinis at mapuputi niyang balikat. Tila nagmamayabang naman ang kaniyang hinaharap na binagayan ng maliit at makurbang bewang. At isang makaagaw pansin ay ang ang legs niyang bilugan at maputi, na may pinong mga balahibo. Aakalain mong isa siyang batang-batang dalaga at wala pang kambal na anak.
"Ha?" tanging nasabi ni Maxene.
Ngumiti si Alex. "Nevermind.I'm with my friends. Nagkayayaan at dito kami napadpad. And good thing na nakita dito."
KAUSAP ni Johny ang kaniyang sekretarya sa cellphone. Kinukumusta niya ang kompanya. Patingin-tingin siya sa kaniyang mag-ina. Nakita niyang naglalaro ang kambal at nakita niyang nahiga si Maxene. Nakita niyang pinagtitinginan ito ng mga lalaking bawat nadaan dahil sa angkin nitong kagandahan na tila balewala lamang dito. "ba't ba ganon ang suot ng babaeng yun!" turan ni Johny na hindi niya napansing narinig ng nasa kabilang linya.
"Sir, ano po?" sabi ng nasa kabilang linya.
"Ha?Nothing, it's just that...." natigil ang kaniyang pagsasalita ng makita niyang may lumapit na lalaki kay Maxene. Nakita niyang pinagmasdan muna nito si Maxene habang nakahiga bago nagsalita.Tumayo ang kaniyang asawa, "asawa?" sabi ng utak niya. "eh ni hindi mo pa nga inaayang magpakasal." sabi pa nito. Ipiniling niya ang kaniyang ulo. Nakita niyang tumayo ito at matamang tinitigan ng lalaki. "Shit!" naibulalas niya.
"Sir?"
"I'll call you later." mabilis niyang naibaba ang cellphone. Kinuha niya ang towel na nakasampay at nagmamadaling tinungo ang kinaroroonan ni Maxene.
"Kasama mo ba ang mga bata?" tanong ni Alex kay Maxene. Tumango siya at tinuro ang kinaroroonan ng kambal.
"Birthday nila ngayon, at dito naming napagpasyahang i-celebrate ang birthday nila.!"
"Really?Pwede bang makikain?" Napatingin si Maxene dito. "Biro lang" sabi pa nito. "Kayo lang bang mag-ina ang magkasama.?" tanong nito kay Maxene.
"No!Kasama ko sila!" sabi ng baritonong tinig at sabay silang napatingin sa nagsalita.
"Johny!" tanging nasabi ni Maxene. Nakita niyang napatiim-bagang si Johny. Lumapit ito sa kaniya, nabigla siya ng ibinalabal nito ang dalang towel sa kaniyang bewang. Saka hinawakan siy nito ng mahigpit sa bewang.
"They with me, pare.Bakit may problema ba?" turan ni Johny at matamang nakipagtitigan kay Alex.
Tumingin muna si Alex kay Maxene bago nagsalita. "Wala naman, nangungumusta lang!"
"Their okey, right sweetheart?" hinila nito ng bahagya si Maxene palapit. Tumango si Maxene at tipid na ngumiti.
"Great!Sige, maiwan ko muna kayo!See you around!" tumango ng bahagya si Maxene at tipid na ngumiti.Saka ito naglakad palayo sa kanila.
Malayo na ito ng paharap siyang hawakan ni Johny. "Sweetheart, bakit ba feeling ko sinusundan ka ng lalaking yun?"
Napakunot-noo si Maxene. "Kasama niya mga kaibigan niya. Nagkataon lang na nandito rin tayo."
Nagkibit balikat si Johny.
"What was that for?"tanong ni Maxene.
"Ang alin?"
"Ang ikinilos mo kanina?"
"Ikinilos?"pagmamaang-maangan ni Johny.
"Johny....!"babala ni Maxene. Naupo si Johny sa sapin na nakalatag. Umupo din si Maxene sa harap nito. "Kelan pa naging masama ugali mo Johny Agustin?" hinawakan niya ang magkabilang-pisngi nito. At mabilis namang ginawaran siya ng isang halik ni Johny. Nabigla siya at anyong mapapahiga ngunit maagap siyang nahawakan ni Johny. Tinampal niya ito sa balikat at narinig niyang tumawa ito ng bahagya.Pinaupo siya sa tabi nito at magkatabing yinakap siya.
"Remind me na pag-uwi natin susunugin ko ang lahat na ganiyan ng suot mo?" sabi ni Johny.
"Ha?" nagtatakang turan naman ni Maxene.
"Sarap bulagin ng mga lalaking kanina pa pinagpipyestahan ang magandang katawan at magandang misis ko.Lalong lalo na ang Alex na yun. Nakita ko kung pa'nu ka niya tinitigan kaninang nakahiga ka dito. Shit that guy!Ako lang ang may karapatang tumitig sayo!" seryosong sabi nito at mahihimigan ng selos sa kaniyang boses.
Natuwa si Maxene sa nakitang pagseselos nito ngunit mas tumatak sa isip niya ang tawagin siya nitong Misis. Ang sarap sa pakiramdam. Nagsumiksik siya dito. "I love you more Johny." tanging nasabi niya.
Masuyong hinaplos ni Johnh ang kaniyang balikat. "You know how much I love You sweetheart!" saka masuyo siyang hinalikan ni Johny.
"mom?" narinig nilang tawag ni MJ
Bahagya silang naghiwalay. "Yes baby?"
"I'm tired!" sabi nito at yumakap sa kaniya.
"me too, Dad!" sabi naman ni JM na lumapit kay Johny.
"Okey let's go inside!" karga ni Maxene si MJ habang si JM nman ay karga ni Johny. Inakbayan siya nito at naglakad papunta sa cottage na may kuwarto ng kasama na inokopahan nila.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...