"Nay, alis na ho ako may ggawin pq ko sa school". paalam mi Maxene sa kaniyang Ina.
"Sige anak mag-iingat ka. Umuwi ka maaaga"
"Oho nay!" pag daan ni Maxene sa tindahan agad siyang nagpaload
"Paload nga poh Aling Bebang. Gaan20 lng ho!" pakareceived niya ng load agad niyang tinext ang lalaking antipatiko na tumawag sa kaniya. "Message Sent."
Nasa opisina na si Johny ng matanggap ang text ng babaeng tinawagan niya kagabi, agad niya rin itong binura.
"Ang tagal naman magreply ng mokong na yun!" nghanap ng picture message si Maxene para isend kay Johny.natanggap naman ito ni Johny at napangit. Isang nakadrawing na unggoy na nagkakamot sa ulo ang nag-aapear sa screen niya. At may nakasulat pang "Sa oras na ito ang unggoy ay nagbabasa!" napangiti naman si Johny sa kakulitan ng babae. Nagreply siya dito.
"Sino ka ba talaga Miss?" reply ni Johny
agad namang sinagot ito ni Maxene."Ikaw sino ka rin ba?Diba ikaw ang tumawag?"
"Nagtext ka sakin miss kahapon. Pinapapunta mo ko, di nakasave ang number mo sa phone ko kaya tinawagan kita."
"Ha!ano?eh ni hindi nga kita kilala pano kita papupuntahin dito?."
"Ok.miss baka nawrong send ka lang!.tapos na ok?" naiirita ng reply ni Johny dahil di sya sanay magtext.Puro tawag lamang siya.
"baka nga!eh anong pangalan mo?" pangungulit pa rin Maxene dahil likas ngang mahilig makipagtext.
"Johny!" tipid na sagot ni Johny
"Tagasaan ka?ako nga pala si Bebelove" sagot ni Maxene. Natawa si Johny sa pangalan ng babae at dahil na rin makulit talaga ito.Ngunit di na siya nagreply at nagsimula ng magtrabaho.
Sa school campus, "Ate max, patext naman ako oh!" sabi ni Kathleen
"Ikaw talaga kath kung hindi k nanghihingi ng papel, nakikitext. Eh baon mo pa nga lang sa isang araw pwede mo ng eload para sa isang buwan.Kuripot ka talaga, besty!" pagbibiro ni Maxene
"Hehe, mas mabilis kasi magtext sa cp mo." sagot naman ni Kathleen. Pero hihiramin niya ang cp hindi para makitext, hihiramin niya ito dahil titingnan niya kung nagreply ang kuya niya. Tinext niya ang kuya niya kahapon at sinadyang hindi pangalanan ang text dahil gusto niyang maging magkatext ang kuya at bestfriend niya. Nagpunta siya kahapon sa opisina para ipakilala sana si Maxene sa Kuya Johny ngunit sa malas ay hindi nila ito naabutan kaya nagpasya siyang gumawa na lang ng paraan para magkatext ang dalawa.Sa nakikita ngayon, wala tlagang kahilig-hilig magtext. Kaya napanguso siya at bumulong.
"Tamad talaga ni Kuya magtext kahit kelan." pabulong na sabi ni Kathleen
"May sinabi ka Kath?"? naulinigan pala ito
"Ah-eh wala 'te..ito na cp mo..salamat. Tara na sa room! panigurado kanina ka pa hinihintay ng prinsipe mo!"
"Prinsipe ka diyan, alam mo naman na kaibigan lang talaga turing ko kay Dante at alam niya yun noon pa!" paliwanag ni Maxene habang naglalakad.
"Naman 'teh, may nakalaan na para sayo. Hintayin mo lang, malay mo diyan lang sa tabi-tabi o kaya isa sa mga textmate mo!.hehehe.."
"Sino naman? Yung tagakabilang baryo na mineet natin? Nag-nganga habang kausap natin? o yung tambay lagi diyan sa labas ng campus na ang pakilala pa eh taga -maynila at anak ng isang Police? yun pala anak ng isang drug lord dito sa atin.?"
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...