Nanonood ng TV ng madatnan ni Johny si Maxene sa sala. Tumabi siya dito ngunit hindi man lang siya nito tiningnan. Huminga siya ng malalim, bago nagsalita.
"May problema ba tayo Max?" napatingin bigla si Maxene sa kaniya.
"Wala!Eh ikaw, may problema ka ba?" balik tanong nito sa kaniya. Umiling siya, umupo si Kathleen sa katabing upuan.
"Uwi na tayo sweetheart!" si Johny
"Ayow ko!Dito muna kami ng mga bata!" seryosong sabi nito na nakatutok sa TV. Naihilamos ni Johny ang mga kamay sa kaniyang mukha. Napatingin siya sa gawi ni Kathleen, nagkibit - balikat lamang ito. Anyong aakbayan niya si Maxene. "Ano ba Johny, ang baho mo sabi, lumayo ka nga!" narinig niya ang pagbungis - ngis ni Kathleen, pinandilatan niya ito ng mga mata at nag -peace sign naman ito sa kaniya.
"Okey. Kung gusto mo dito, dito muna tayo. Pero Maxene, please. Kung may problema sabihin mo sa'kin!" saka tumayo si Johny at nagtungo sa dati nilang kuwarto.
Nabigla din si Maxene sa kaniyang ginawa. Tumabi sa kaniya si Kathleen. "Ate Max ha, o.a. ka na!May hindi ba ko alam?"
"Wa -wala!pupuntahan ko lang ang mga bata!" tumayo si Maxene
"Tulog na ang kambal!" sabi ni Kathleen. "Sundan mo na lang si Kuya!"
PAPASOK na si MAxene sa kuwarto ng maulinigan niya ang boses ni Johny na may kausap sa telepono!
"Nagkaproblema sa bahay, hindi ako makakapunta ngayon. Huwag ka ng mag -isip ng kung ano -anu, magiging okey din ang lahat. Ang importante ngayon ay alagaan mo ang sarili mo para na rin sa bata!"
Nandun na naman ang pakiramdam na linoloko siya ni Johny. Napahigpit ang hawak niya sa seradura ng pinto, saka tumalikod at tinungo ang veranda na nasa bandang dulo, nagpasya siyang magpahangin muna doon. Masamang - masama ang loob niya, gusto niyang sumigaw sa mga nangyayari sa kanila ngayon.
SAMANTALA, katatapos lang makipag - usap ni Johny kay Ysabel. Gusto nitong magpasama sa kaniya dahil magkikita ito at ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. Natutuwa siya sa nagaganap na pagbabago sa buhay nito ngunit nalilito naman siya sa nangyayari kay Maxene ngayon. Nagtaka siya kung bakit hindi pa rin ito umaakyat sa taas. Nahiga siya at hinintay ang pagdating ni Maxene. Mahigit isang oras na ang nakakalipas wala pa rin ito. Nagpasya siyang lumabas, nakita niyang nakabukas ang malamlam na ilaw sa may veranda. Nagbaka - sakali siya na naandun si Maxene kaya doon muna siya nagtungo. Nakita niya itong nakahiga sa tumba - tumbang upuan, napailing siya ng makita ang ayos nito habang tulog. Lumapit siya dito, nagpasya siyang huwag na itong gisingin. Bubuhatin na lamang niya ito, ngunit ng anyong bubuhatin na niya ito ay nakita niyang may luhang umagos sa nakapikit na mga mata nito.
May hindi magandang nangyayari sa kaniya. nasabi niya sa kaniyang sarili.. Dahan - dahan niya itong binuhat at walang kahirap - hirap na dinala ito sa kuwarto. Maingat niya itong pinahiga, kinumutan at saka ginawaran ng halik. Tumabi siya dito, bukas na lamang niya ito kakausapin ng masinsinan.
Nakaramdaman ng panunuyo ng lalamunan si Maxene. Sinipat niya ang orasan sa kaniyang ulunan. Ala - 5 na ng madaling araw. Nagtaka siya kung pa'nu nakarating sa kuwarto, ang huling naalala niya ay sa may veranda siya nagpapahangin at napaidlip. Dahan - dahang inangat niya ang braso ni Johny na nakayakap sa kaniya. Tatayo na lamang siya ng makita ang cellphone ni Johny. Dahil sa pgdududa, tiningnan niya ang cellphone nito at kinuha ang numerong laging kausap nito. Si - nave niya iyon sa kaniyang cellphone, saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Hindi pa man siya nakakalabas ay nakaramdam na naman siya ng pagkahilo at pagsusuka. Maingat na tinungo niya ang lababo. Maiyak - iyak siya habang sumusuka kahit wala naman nalabas sa kaniyang bibig. Ilang sandali pa at nahimasmasan na din siya. Gising na si Johny paglabas niya sa CR. Nakatitig ito sa kaniya.
"Morning!" bati nito sa kaniya saka sinenyasan siyang tumabi dito. Nagdalawang isip pa siya kung susundin ito o lalabas, ngunit kusang kumilos ang kaniyang mga paa at tumabi dito. Pinaunan siya sa braso nito at saka yumakap sa kaniya. "Tell me sweetheart, mabaho pa ba ko?" seryosong tanong nito. Nagtaka siya dahil kung kelan bagong gising ito saka naman nababanguhan siya dito. Umiling siya bilang sagot. Hinalikan nito ang kaniyang buhok. "I love you Maxene, ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya tanggalin mo ang ideyang may iba ako. Ikaw lang sapat na, kayo ng mga bata!" madamdaming pahayag nito habang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Gustong paniwalaan ni Maxene ang sinasabi nito ngunit naroon pa rin ang pagdududa. Marami pa itong sinabi, ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Dahil na rin sa morning sickness niya ay nakatulog na naman siya at napahimbing.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...