Abala si Johny sa pag - review ng ilang papeles sa harap niya ng kumatok ang kaniyang sekretarya.
"Come in!" sabi ni Johny na nakayuko pa rin sa ginagawa.Nagsalita ang kaniyang sekretarya.
"Sir, Mr.Dante Moran wants to talk to you, importante daw ho ang sasabihin niya!"anang sekretarya ni Johny.
Nagtaka si Johny. Anong ginagawa ng lalaking ito sa kaniyang opisina. Pagkatapos ng ginawa nito eh may mukha pang ihaharap sa kaniya. Napakunot -noo siya.
"Please, send him in!" utos niya. Agad namang sumunod ang kaniyang sekretarya.
"I'm sorry to interrupt you but we really have to discuss some things that can make the two of you happy!"
Napakunot -noo siya, pinaupo niya ito. "I'm surprised, may gana ka pang humarap sa akin pagkatapos ng ginawa niyo!"
Ngunit hindi natinag si Dante. "Una, kailangan mong malaman na hindi kami ikakasal ni Maxene and pangalawa, never naging kami ni Maxene. "
Ngumiti ng tila nakakainsulto si Johny. May ilinapag si Dante sa ibabaw ng mesa niya, "Just one question Johny!Ano ang ibig sabihin ng nasa larawan na yan!"
Kinuha ni Johny ang larawan at ganun na lamang ang pagkagulat niya. Siya at si Ysabel magkatabi, naalala niya iyon. Yun ang araw ng makatulog siya sa bahay nila Ysabel, nagising siyang magkatabi sila pero alam niya sa kaniyang sarili na walang nangyari sa kanila.
"Johny?"agaw pansin ni Dante.
Nag-angat ng tingin si Johny. "Yang ang araw na nakatulog ako kanila Ysabel, anniversary ng mga magulang niya at inaya ako ni Mr. Laxamana na uminom hanggang sa kaming dalawa na lang ni Ysabel ang naiwan.Bigla akong nahilo at di ko na alam ang mga sumunod na nangyari!" tumigil saglit sa pagkukwento si Johny. "Then pag-gising ko nakita kong ganiyan ang ayos namin, pero I swear to God na walang nangyari sa amin."
Tinitigan ni Dante si Johny, at nakita niya ang pagiging sinseridad nito habang nagkukwento. "That's the reason why Maxene left!" sambit ni Dante. "And one more thing, hindi niya tinanggap ang tsekeng ibinigay ni Ysabel, bagkus pinunit niya ito sa harap ni Ysabel!" Nabigla si Johny rebelasyong iyon ni Dante, all of these years iba ang pinaniwalaan niya!
"Gaano mo kamahal si Maxene?" seryosong tanong ni Dante.Nagulat siya sa tanong na yun.
"Minahal at Mahal ko parin si Maxene hanggang ngayon. Higit pa sa buhay, kung sakaling totoo ang lahat ng nangyari at lumapit ulit sa akin si Maxene, handa akong magpakababa at tanggapin ang lahat. Pero ngayong nalaman ko ang lahat ng ito, mas minahal ko pa siya!Wala akong kaalam-alam na nasktan ko pala siya." nanghihinayang siyang isipin na kailanma'y hindi na niya maipapadama ang pagmamahal niya dito.
"If you'll given a chance para masabi mo ang lahat ng yan sa kaniya handa mo bang gawin ang lahat?"
"Kung mabibigyan ako ng pagkakataon para maipadama muli iyon sa kaniya, gagawin ko ng paulit-ulit kahit ilang beses niya kong ipagtabuyan!"
Labis na ikinatuwa ni Dante ang isinagot nito.Naniniwala siyang ang pagmamahalan nina Maxene at Johny ay maaaring nagpahinga lamang at muling matutuloy hanggang sa pang-habambuhay.Ngayon magkakaroon na ito ng pagkakataon para maipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan."Sa darating na sabado, uuwi dito sa San Ignacio si Maxene!"
Napatayo si Johny."Where is she?Kailangan ko siyang makausap.Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?"
Tumango si Dante."Kailangan niyong magkausap, ng malinawan ang lahat at maituwid ang mga pagkakamaling nangyari noon.You will get your chance on Saturday night at Maharlika Hotel, dumalo ka sa anniversary nina papa at enggagement party na rin ng babaeng kasama ko ng makita mo kami!"
"Pasensiya na sa nangyari, hindi ko alam!" nasabi ni Johny ng maalala ang nangyari sa gasolinahan.
"Tapos na yun Johny.Hindi alam ni Maxene ang tungkol sa pag-uusap nating ito!Nakatiis ka ng mahigit tatlong taon na hindi mo siya nakita, kaya kung gusto mong makita siyang muli, mag-tiis-tiis ka muna. Nakikiusap akong huwag mo siyang hanapin o subukang kausapin ngayon o sa mga susunod na araw kung nasaan man siya!"
"Maraming salamat Dante.!" nagkamay ang dalawang lalaki."Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya maibalik lamang ang lahat sa amin ni Maxene!"
"Yan ang dapat mong gawin!Kailangan ko ng umalis, nagpunta lang ako para sabihin ang lahat ng ito sa iyo!" tumayo si Dante ng magsalita si Johny.
"Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob."
Tumango si Dante. "Basta ipangako mo lang na mamahalin mo siya at aalagaan Johny."
"pangako!" seryosong sabi ni Johny.
"Pa'no aalis na ko, aasahan ko kayo ni Kathleen sa party, pakisabi na lang sa kaniya!"
"And one more thing Johny..." turan ni Dante.
"Ano yun?"
"Gusto ko sanang malaman mo na ginawa ko ito hindi dahil lamang tungkol sa inyong dalawa. May mabigat na dahilan kung bakit nagdesisyon akong sabihin sayo ang lahat.Kung sakaling dumating ang araw na yun at maintindihan mo ang sinasabi ko, tanggapin mo na lang sana ang lahat ng iyon at huwag mo ng sayangin pa!"
Tumango si Johny at naglakad na palabas si Dante.
Buong araw na hindi nakapagtrabaho ng maayos si Johny! Halos walang ibang laman ang isip niya kundi si Maxene.Nagdesisyon umuwi na lamang. "Cancel all my meeting today, pati na din sa mga susunod na araw!" sabi niya sa kaniyang sekretarya mula sa telepono.
"Yes sir!"turan nito.
May pupuntahan si Johny, kailangang malinawan ang lahat. Nagdrive sa patungo sa condo ni Ysabel.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...