Nakatanggap si Johny ng tawag mula kay Kathleen, "How's everything kuya?Did you find her?"
"No, at wala na kong balak na hanapin pa sila!" balewalang sagot ni Johny.Nainom na naman.siya ng mga oras na yun.
"Kuya?Hindi ganun si Ate Max, i know her. Maaaring may dahilan siya. Uuwi ako diyan as soon as I can, dito na muna si Mama.Magdadahilan na lang ako sa kaniya!"
"Huwag na Kathleen, sasayangin mo lang ang oras mo. Gawin mo ang kailangang gawin mo diyan. She---she's with Dante!" sabay tapon ni Johny sa basong hawak.
Narinig iyon ni Kathleen "Ha-How can you be sure na magkasama sila.?!"
"I asked Aling Bebang at sinabi niyang magkasama silang dalawa ng lalaking yun, dala-dala ang mga gamit ni Maxene.!" saka pinatay ni Johny ang cellphone.
Lumipas ang araw, linggo at buwan, habang hindi pa nahihirapan si Maxene sa kaniyang pagbubuntis, patuloy ang pagtatrabaho niya bilang cashier sa restaurant nila Dante. Paminsan-minsan naaalala pa rin niya ang nangyari sa kanila, ang pagkamatay ng nanay niya, ang panglolokong ginawa sa kaniya ni Johny at ang pagbubuntis niya. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan."Ilang buwan na lang baby, mayayakap na kita!Konting tiis na lang diyan sa loob!" maluha-luha nitong sabi sa sarili.
Ng may tumapik sa kaniya ."Hoy!emote-emote ka na naman diyan!Papangit ang baby mo, sige ka baka di mo maging kamukha!" sita sa kaniya ni Carla, ang naging kapalagayan niya ng loob sa restaurant, sa kahera din ito na-assign, silang dalawa ang nakatuka doon!Alam nito ang kwento ng buhay niya.
Ngumiti si Maxene. "Hindi naman, excited na kasi ko lumabas ang anak ko!"
"Wala ka ba talagang balak sabihin s ama ng bata?"seryosong tanong nito.Umiling lamang si Maxene.
"Nasaan na kaya siya noh?!"tanong ulit ni Carlo.
"Hindi ko alam!At wala akong balak alamin"tipid na sagot ni Maxene
"Nakalimutan mo na ba siya Maxene o mas tamang sabihin na Mahal mo pa rin ba siya?" Hindi agad nakasagot si Maxene, tumigil siya sa pag-aayos.ng gamit niya!
"Nakalimutan ko na nga ba siya?"tanong ni Maxene sa kaniyang sarili."Isip lang ang nakakalimot at hindi puso!"sabi naman ng kabilang isip niya."Eh mahal mo pa ba?"Pinakiramdaman ni Maxene ang kaniyang sarili.Ng bigla siyang sikuhin ni Carla.
"Huwag mo ng pahirapan sarili mo iha sa kakaisip, dahil alam kong hanggang ngayon, siya parin ang laman nito!"sabay turo sa ulo niya! "at higit sa lahat nito!"tinuro nito ang kaniyang dibdib.
Agad naman niyang itinanggi iyo! "Hi-hindi ah!Nakalimutan ko na siya, ang iniisip ko na lang ngayon ang magiging anak ko!"
"Nakuuuw, lokohin mo na ang ibang staff dito, huwag ako!Kilala na kita Maxene Sebastian!Kung nakalimutan mo na, eh bakit isa sa mga nanligaw sayo eh wala kang sinagot.Yung iba nga kakausapin ka pa lang, pinagtatabuyan mo na!Mayayaman sila, kahit ang laki ng tiyan mo gusting-gusto ka parin nila,pero ayaw mo pa rin sa kanila!Kasi nga si Joh-----!" hindi naituloy ni Carla ang sasabihin dahil sinalpakan ni Maxene ang bibig nito ng cake na kinakain niya kanina!
"Diba sabi ko sayo ang sarap ng cake no?"sabay ngiti ni Maxe at talikod dito."Parang ayow ko ng kunin kang ninang ng anak ko!"
Ngumuya mo na si Carla bago nagsalita."Panu magiging masarap ang cake na yan kung yan ang papatay sakin!"sabay inom nito ng tubig."At isa pa, yan ang huwag na huwag mong gagawin!" lumunok ulit ito.
"Ang alin?Ang subuan ka ng cake?" nangingiting sabi ni Maxene,
"Ang hindi ako kunin ng ninang!"sabi nitong nakapamewang. "Ngayon na nga lang ako magkakaroon ng inaanak na maganda ipagkakait mo pa!"Ngumiti lamang si Maxene. "Eh matanong nga kita,guwapo ba ang Johny na yan?Wala ka bang picture ni isa ng lalaking ng-iwan sa beauty mo?"
"Wala!"tipid na sagot ni Maxene.
"Hmp!sinungaling!"
Ng dumating si Dante. Inakbayan nito si Carla. "Ano na naman ang pinagtatalunan niyong dalawa Babe?!" tanong nito kay Carla. Gf ni Dante si Carla, matagal ng nagtatrabaho doon si Carla, at alam din nito na dating may gusto si Dante kay Maxene, pero ni minsan hindi naging issue sa kaniya yun, bagkus naging magkaibigan pa sila ni Maxene.
"Eh Babe, tinatanong ko lang naman.si Maxene kung bakit gwapo ang ama ng anak niya eh!" kunwaring nagmamaktol na sabi ni Carla.
Ngingiti-ngiti lamang si Maxene. "Tell me babe, guwapo ba ko?!" tanong ni Dante kay Carla.
"Oo naman Babe!"at yumakap ito kay Dante.
"Eh di hindi guwapo si Johny!" si Dante.
"Ha?"takang tanong ni Carla
"Kasi diba sabi no ako lang ang guwapong lalaki sa buhay mo!" nakangiting sabi ni Dante.Kinurot ito ni Carla.
"Syempre, walang kaduda-duda doon!"sabi ni Carla.
"Good!"at hinalikan ni Dante si Carla. Napangiti si Maxene sa eksenang iyon, natutuwa siya para kay Dante dahil natagpuan na nito ang babaeng mamahalin at magmamahal sa kaniya!
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...