Chapter 9 : Ysabel Virus

44 0 0
                                    

Pagdating na pagdating ni Johny sa San Ignacio sa bahay agad nila Maxene siya tumuloy at doon na.sila nagkita ni Mang Piping.

Ni anino ni Maxene ay wala na nga.siyang makita. "Hindi kaba nagtanong sa mga kapitbahay nila kung san sila nagpunta.!"tanong ni Johny.Umiling naman ang driver.

"Umuwi na muna tayo Mang Piping, sa mansiyon na tayo dumiretso!" yaya ni Johny.Tahimik lamang siya habang nasa sasakyan. "Pahiram ng cellphone mo Mang Piping!"ibinigay ng driver!May tinawagan si Johny."Shit!Ba't walang load ito ?" naiiritang tanong ni Johny

Napakamot sa ulo si Mang Piping."Eh Boss, all text 20 lang ho yan!" ibinalik ni Johny ang cellphone.

"Itabi mo ang sasakyan !"utos ni Johny. Itinabi ni Mang Piping ang sasakyan. "Ako na ang magdadrive!" utos ni Johny. Mabilis ang pagpapatakbo ni Johny sa kotse. Ilang sandali lang at nasa bahay na siya. Dumiretso agad si Johny sa kinalalagyan ng telepono.

"Hello Kathleen?" sabi ni Johny

"Oh, kuya may problema ba?" tanong nito.

"Ba't di mo ko tinawagan ng mamatay si Nanau Tina?!" galit na tanong ni Johny

"Patay na si Nanay Tina?!" nagulat na tanong ni Kathleen.

"Oo, alam mo ba kung nasaan sina Maxene?"tanong ulit ni Johny.

"Teka!teka!naguguluhan ako kuya. Kanina sabi mo patay na si Nanay Tina, tapos ngayon tinanong mo ko kung nasaan sina Ate Maxene!?"naguguluhang sabi ni Kathleen

"Shit!Hindi ko na alam kung saan ko sila hahanapin!"sabay hilamos ni Johny sa kaniyang mukha."Hindi ko siya macontact, kung di ko pa pinapuntahan kay Mang Piping ang bahay nila hindi ko malalaman na patay na si Nanay Tina at hanggang ngayon di ko alam kung nasaan sila!"

"Oh my God!wala ding akong alam kuya, huling nakausap ko si Ate Max last week pa. Simula noon ni wala na siyang text o tawag sakin!Find them.kuya!"

"I will, pero bakit umalis si Maxene ng walang paalam.Ni hindi ko siya.macontact!"

"Okey, try kung magtanong-tanong sa dati naming classmate and si Dante, tama, tatawagan ko siya!"

"Okey, tawagan mo agad ako pag may alam ka na!" ibinaba ni Johny ang telepono.

"Huwag mo na siyang hanapin Johny!"biglang may nagsalita sa likod niya, liningon niya ito.

"What are you doing here Ysabel?" walang emosyon na tanong ni Johny.

"I'm here to comfort you!" malambing na sagot ni Ysabel sabay yakap kay Johny.

"Comfort about what?"tanong uli ni Johny.

"She's a gold digger babe!Don't waste your time para hanapin siya!" sabi ni Ysabel na ang bibig ay nasa tenga ni Johny.

Itinulak niya ito."Pwede ba Ysabel, huwag mo ng dagdagan ang problema ko!Umalis ka na!Walang magandang maidudulot ang pinaggagagawa mo!" galit na sabi ni Johny.

"Your wrong Johny, I'm here to help you, para marealize mo na hindi siya karapat-dapat mong mahalin!"

"Ano bang pinagsasasabi mo Ysabel?"tanong ni Johny

"Here!" ipinatong ni Ysabel ang ilang larawan. Magkayakap sina Maxene at Dante. Inisa-isa ito ni Johny.Halos malukot ang larawan sa higpit ng pagkakahawak niya. Itinapon niya ito.

"Hindi totoo 'toh!" namumulang sabi ni Johny.

"Totoo ang lahat ng nakikita mo!Pumunta ko kanila Maxene para humingi sana ng tawad sa ginawa kong pambabastos sa kaniya!Yan ang nadatnan ko, magkayakap sila at narinig ko lahat ng pinag-usapan nila!Hindi ka mahal ni Maxene, ang lalaking yan ang mahal niya!Gusto lamang ni Maxene magkapera, makaahon sa hirap kaya sinagot ka niya!" mahabang sabi ni Ysabel

"Hindi!Hindi totoo ang sinasabi mo!Mahal ako ni Maxene!Hindi niya sa akin magagawa yun!" nalilitong sabi ni Johny.

"Ayow ko na sanang dagdagan ang sakit na nararamdaman mo pero ayow mong maniwala.Ayow ko na sanang malaman mo ito!'" may isa pang larawan na inabot si Ysabel! Larawan iyon ni Maxene habang may inabot na maliit na papel si Ysabel! "Nang malaman ko ang tungkol sa kanila ng lalaking nasa larawan, pinakiusapan ko si Maxene.Kung may konsensiya pa siyang natitira eh pakawalan ka na niya!Pero nagalit pa siya sa akin, hindi ka pa nga daw niya napapakinabangan eh papakawalan ka na!Pinagtawanan pa niya ko ng sabihin ko sa kaniya na sasabihin ko sayo ang lahat!Hindi mo daw ako papaniwalaan dahil baliw na baliw ka na sa kaniya!" nangiginig sa galit ang nakakuyom na kamao ni Johny "Kaya nagdesisyon ako, sinabihan ko si Maxene na bibigyan ko siya ng malaking halaga, pakawalan ka lang niya at itigil na ang panglolokong ginagawa nila sayo!Tseke ang papel na hawak niya Johny, kalahating milyon ang sinabi kong ibibigay ko sa kaniya layuan ka lang!At tinanggap niya yun Johny!Tinanggap niya!" mabang kuwento ni Ysabel. Hindi na naitago ni Johny ang galit, sinuntok niya ang salamin, nabasag ito at nagdugo ang kaniyang kamay!Galit na galit siya sa panglolokong ginawa sa kaniya ni Maxene.

"Umalis ka na Ysabel!" utos ni Johny na ang tingin ay sa basag na salamin.

"Ang kamay mo Johny!Kailangang gamutin yan!"

"Umalis ka naaa!" sabay sipa ni Johny sa upuan. Nagmamadaling umalis si Ysabel at isang tipid na ngiti ang nakakabit sa kaniyang mga labi!

"Magbabayad ka Maxene!magbabayad ka!" sabi ni Johny sa harap ng salamin.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon