Achievement

50 1 0
                                    

Kinakabahan na hindi mawari ang nararamdaman ni Maxene.Sa wakas matatanggap na niya ang katibayang nakapagtapos siya ng kolehiyo.Tinawag ang pangalan niya at ibinigay sa kaniya ang diploma.Tumingin siya sa kaniyang ina at maluha-luha siyang yumuko sa gitna at itinaas ang diploma!

Nasa pagbibigay na ng mensahe si Maxene.Pinasalamatan niya ang kaniyang mga guro, at ang nagbigay sa kaniya ng iskolar.

"Hindi dahilan ang kahirapan para di matupad ang mga pangarap natin,bagkus gawin itong inspirasyon upang maipagpatuloy ang pangarap ng ating mga magulang para sa atin! Nagpapasalamat ako sa aking mga magulang, sa nanay ko na buong sumusuporta sa akin sa kabila ng mg pagsubok na dumating sa amin, sa Tatay ko na kahit wala na siya alam kong maligaya siya sa aking narating!Salamat Nay, Tay sa lahat ng suporta, pagmamahal at patnubay na inialay ninyo sa akin!Ang karangalang ito ay handog ko sa inyo! Sa kaibigan ko na si Kathleen Faye Agustin at sa isang taong siyang isa sa mga inspirasyon ko, Maraming salamat sa inyo!" ilan sa nga nakasaad sa speech ni Maxene.

Tapos na ang programa at bawat -isa ay nagbabatian. Kausap ni Maxene ang isa sa professor nila ng lumapit si Dante.

"Maxene!"agaw pansin ni Dante.Liningon ito ni Maxene

"Oh Dante?Congrats ha?Nakapagtapos ka na!"saad ni Maxene

"Salamat sayo dahil kung hindi, baka next year eh aali-aligid na naman ako dito!" seryosong sabi ni Dante

"Hindi Dante, nakapagtapos ka dahil gusto mo at nagsikap ka!" Nakangiting sabi ni Maxene at saka tinapik sa balikat si Dante.

"Ehem!"napalingon si Maxene at Dante sa nagmamay-ari ng boses na yun, walang iba kundi si Johny. Lumapit ito sa kaniya at saka humawak sa bewang niya. "Congrats sweety!' sabi ni Johny na hindi man lang nalingon kay Dante.

"Thanks Johny, ahmp kilala mo na si Dante,right?" sabi ni Maxene sa kasintahan.Tumango lamang si Johny, ni hindi nag-abalang tingnan si Dante. Saka naman lumapit si Kathleen.

"Oh, para atang masama ang ihip ng hangin dito ah!c'mon guys let's take a picture, para may remenbrance tayo!"

Saka hinila si Maxene at Dante. "Uhmp.Kuya kunan mo naman kami oh!"sabay abot ni Kathleen ng Camera kay Johny.Pumwesto siya sa tabi ni Dante at hinila niya si Maxene sa kabila ni Dante.Kaya napagitnaan nila ang lalaki. Pinandilatan naman ni Maxene ang kaibigan dahil.sa pang-aasar na ginagawa nito sa kapatid. Ngumiti lamang si Kathleen.

Hindi maipinta ang mukha ni Johny dahil sa nakikita, nakaakbay si Dante kay Maxene.Parang gusto niyang undayan ng sapak si Dante. Itinaas niya ang camera, saka ito pinindot at agad na hinawakan ang kamay ni Maxene at hinila palapit sa kaniya.Ibinigay niya ang camera kay Kathleen at saka hinila si Maxene papunta sa kanilang magulang. Naiwan naman si Kathleen at Dante.

"Magtapat ka nga sa akin Dante, ba't pag nagkikita kayo ni Kuya eh kulang na lang mag-upakan kayo!?"tanong ni Maxene.

Tinitigan ito ni Dante at saka nagsalita."Eh binastos ng magaling mong kapatid si Maxene nung birthday mo!"

"Ha?Panong binastos?!"nagtataka namang tanong ni Kathleen.

"Hinalikan ng kapatid mo si Maxene sa gitna ng bulwagan, kaya nagpasya noon si Maxene na umuwi na. Nagdahilan na lang siyang masama pakiramdam niya!"

"Haaa?Ano?"nabigla si Kathleen at saka tumingin sa gawi ng kapatid.

"Ahm Kath, pakibigay naman ito kay Maxene, regalo ko sa kaniya.Di ko maibigay sa kaniya kanina, andun ang utol mo eh!"

"Eh nasan ang para sa akin?!" turan ni Kathleen kay Dante.

Napakamot naman sa ulo si Dante, "Syempre meron ka din, alam ko namang magtatampo ka kung wala la eh!"nakangiting iniabot ni Dante ang regalo.

"Naks naman Dante, effort ha!Yun gift namin sayo ni Ate Max, naandun sa kotse ko.Maya ko na lang bigay sayo!"

"hahahha..Ang daya niyo naman, tig-isa kayo ni Maxene tapos ako isa lang matatanggap ko!Kahit kailan talaga kuripot kayo.!"

Inakbayan ni Kathleen si Dante ng walang malisya, "It's the thought that count Dude, kaya wag na mareklamo ha?!" at saka sabay silang nagkatawanan.

Samantala, kanina pa pala nakatingin sina Brent at Johny kanila Kathleen. Siniko ni Brent si Johny.

"Sino ba ang lalaking yun na umaaligid sa kapatid mo ha pare?!"tanong ni Brent

"His name Dante pare, kanina pa nga ako badtrip sa lalaking yun eh, kung makaakbay kay Maxene akala mo kung sino!"reklamo ni Johny.

"Abangan kaya natin maya sa labas pare!"Liningon ito ni Johny.

"Ulol!"saka binatukan ng mahina si Brent. Nakalapit na sa kanila si Kathleen ng magsalita ito.

"Hoy Kuya, ba't di ko alam na hinalikan mo pala si Ate Max nung birthday ko, ha?!"nakakunot na tanong ni Kathleen. Nagkibit balikat naman si Brent at saka nagpaalam sa magkapatid.

"Alam mo bang mahalaga kay Ate Max ang first kiss niya?"patuloy pa ni Kathleen.

"Ha?Talaga, kaya pala sarap na sarap si Maxene sa halik ko, tingnan mo inlove-inlove sa akin ngayon, siguro ginayuma ko ng halik niya.!"pabirong pagyayabang ni Johny.

"Isusumbong kita kay Ate Max!"sabay talikod ni Kathleen ngunit nahila ni Johny ang dulo ng buhok nito.

"Ma, si kuya ohhhh...!" sumbong ni Kathleen sa ina.Napalingon naman sa gawi nila sina Maxene.

"Diyasking mga bata to, pati dito eh nag-aaway.Di na kayo nahiya, at ikaw naman Johny naandito si Maxene at balae eh napatol ka sa isip bata mong kapatid.!" paninita ni Mrs. Agustin

"Eh ma kanino ho ba kayo kampi?!'nakangiting tanong ni Kathleen.

"Wala!"at saka ito pinandilatan ni Mrs.Agustin si Kathleen.

Napangiti na lamang si Maxene at Johny. Saka nagsalita si Maxene.

"Ah ma, nagluto ho si Nanay ng pansit, sama ho kayo sa bahay ng makakain!"aya ni Maxene.

"Ha ?Naku iha, may konting salu-salo din sa bahay ngayon para dito kay Kathleen.Ganito na lang si Johny na lamang ang pupunta dun ha, iha?At bukas pumunta kayo sa bahay isama mo ang iyong ina at kapatid.!"

"Sige ho Ma!Panu ho, mauna na ho kami?!"

"Sige iha, mag-iingat kayo!At ikaw Johny ingat ka sa pagmamaneho huwag kang kaskasero!"

"Oho ma, si Kathleen ang paalalahanan niyo hindi ako. !".

Ngumuso naman si Kathleen sa kapatid."Ah siyanga pala Ate Max, pinabibigay ni Dante!" sabay abot ni Kathleen

Napatingin naman bigla si Johny sa kapatid at saka napasimangot. "Kathleen Faye!" agaw pansin ni Johny.

"Oh?bakit kuya?masama na ba ngayon ang magbigay ng regalo ang kaibigan?!Heto nga at meron din ako!"

"Shut up!" at saka pahablot na kinuha ni Johny ang regalo saka nagpatiuna na papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon