Chapter 15

182 6 5
                                        

Papasikat na ang haring araw ng magising si Johny. Isang ngiti ang namutawi sa kaniyang mga labi ng makitang nagkakulay na ang mga labi at mukha nito. Sinalat niya ang noo nito at nakahinga ng maluwag na hindi na ito mainit. Masuyo niyang hinaplos ang buhok at kabuuan ng mukha nito. Nakayap pa rin ito at nakasiksik sa kaniyang leeg ang ulo nito.

GISING na ang diwa ni Maxene ngunit nanatili siyang nakapikit. Parang gusto pa niyang matulog dahil sa malambot na unan sa ulo niya at yakap niya. Hinaplos pa niya iyon. Pero---

Bakit tila humihinga ang unan niya. Kinapa pa niya iyon, matigas na dibdib ang nahawakan niya. Hanggang sa unti-unting imulat niya ang kaniyang mga mata.

"Johny?" biglang sabi niya, hindi siya makakilos. Nakangiti ito sa kaniya, kung sa ibang pagkakataon siguro ma-aappreciate niya ang matamis na ngiti nito at hindi siya magsasawang titigan ito sa tuwing gigising siya na iyon ang mamumulatan niya. Hinaplos nito ang kaniyang mukha..

"sshhh...sweetheart, how are you feeling now?wala bang masakit sayo?" tanong nito sa napakalambing na boses. Hindi niya namalayan na nakayakap pa rin siya at ganun din ito sa kaniya. Dilat na dilat ang kaniyang mga mata, nakanganga ang kaniyang bibig, bakit tila namamagneto ako ng ngiti  at mukha ng lalaking ito..naisatinig niya sa kaniyang sarili. Nararamdaman niya ang mainit at mabangong hininga nito na tumatama sa kaniyang mukha, kaybango niyon kahit alam niyang kagigising lang nito. Napadilat bigla ang kaniyang mga mata at natutop ang bibig. Nakita niyang ngumiti ito.

"It's okey sweetheart, kahit halikan pa kita ngayon. Hindi badbreath ang swetheart ko!" dahan - dahan nitong tinanggal ang kamay niya sa kaniyang bibig. Hinawakan nito ang kaniyang baba at inangat iyon ng dahan-dahan. Hanggang sa ang kaninang kamay niya ang nakatutop, ngayon ay mga labi na nito ang nag-mamay-ari sa kaniyang bibig. Nanigas ang kaniyang pakiramdam, ngunit pinilit pa rin niyang huwag kumilos at ipinikit ang kaniyang mga mata.

Sa una ay masuyo ang paghalik nito, ngunit ng maramdaman siguro nitong tumutugon siya ay dumiin ang pagkakahalik nito.

Ang hindi pagtutol ni Maxene ay lalong nagpalakas ng loob kay Johny. Ang kamay nitong nakahawak lamang sa kaniyang likod ay unti-unting humahaplos sa kaniyang pisngi at nagsimulang gumapang patungo sa kaniyang leeg pababa sa may dibdib.

Naramdaman ni Maxene na ang kaninang nga kamay nito na humahaplos sa kaniyang mukha ay ngayon nasa likod na niya, masuyo ang paghaplos nito baba - taas sa kaniyang likod. Hanggang maramdaman niyang nasa loob na iyon ng kaniyang damit. Napaigtad siya ng maramdaman ang kakaibang kiliti na idinulot ng palad nito sa kaniyang likod.

"Maxene...." masuyong turan nito.

"Johny...." tugon naman ni Maxene na hinayaan ang nangyayari sa kanila.

"Tell me to stop sweetheart! Habang alam kong kagagaling mo lang sa sakit. At ha---bang kaya ko pang pi-gilan ang sarili ko!" mahinang bigkas ni Johny habang patuloy na hinahalikan si Maxene. Hanggang bumaba ang halik niya sa leeg nito na ikinatuwa niya ng marinig ang mahinang pag-ungol ni Maxene.

"uhm..Please-----....!" narinig niyang turan ni Maxene.

"Please .......what, sweetheart!"

"Please.....Do----don't stop Jo--johny!"

Tila iyon ang hinihintay na hudyat ni Johny upang huwag itigil ang ginagawa at iparamdam dito ang pagmamahal niya na nasayang sa maraming panahon. Dinama ng kanilang mga kamay ang buo nilang katawan.

Saglit na lumayo si Johny dito at tinitigan ang mukha ni Maxene na nasisinagan ng haring araw na unti-unting nagbibigay liwanag.

"I....love you sweetheart..."

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon