Part 68

20 3 1
                                    

Huling gabi nila sa Batangas. Wala ang kaniyang mag-aama, lumabas ito saglit para mamasyal, hindi na siya sumama dahil inaayos niya ang gamit nila. Nasa kabilang cottage naman sina Kathleen at ang mama nito. Nagpasya siyang lumabas at magpapahangin sa duyan na nasa gilid ng cottage. Naupo siya doon ng tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hi Carla?" sagot niya

"How's everything, Max?" turan ni Carla

"Great!Ang saya ng mga bata kanina, sayang nga wala kayo ni Dante eh.!"

"Oo nga, ngayon lang kami di naka-attend ng birthday ng dalawa.But it's okey, naandiyan naman ang kanilang ama."Tumawa ng bahagya si Maxene. "Wedding bells na ba ang kasunod Max?"

Natahimik si Maxene. "Di-di ko alam...Wala pa kaming pinag-uusapan."

"Nag-propose na ba sayo?"

"nnnnn--no!" nalungkot si Maxene ng bahagya dahil sa alalahaning iyon. Wala pang sinasabi sa kaniya si Johny tungkol doon.

"Maybe he will surprise you Max!Baka naghahanda pa siya ng strategy." pampalubag loob ni Carla.

"Ba---ka nga Carla!" malumanay niyang tugon.

"Hey, have to go Max,...Say my regards and greetings sa twins..Utang muna regalo ha?"

"It's okey Carla!Pasalubungan niyo na lang kami pag-uwi niyong dalawa." Ilang saglit pa at nagpaalam na nga ito. Napabuntong-hininga siya at nahiga saglit sa duyan. Hindi niya namalayan ang oras, dahil sa masarap na simoy ng hangin at tunog ng alon sa dagat na nagsisilbing musika sa kaniyang pandinig ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Hanggang sa di niya mamalayang nakatulog na siya.

PABALIK na si Johny sa kanilang cottage. Hinatid niya ang kambal sa cottage nila Kathleen para doon muna ito patulugin. Gusto niyang makausap at masolo na rin si Maxene. Nagmamadali ang bawat hakbang niya. Malayo pa ay tanaw na niya ang cottage nila, nakabukas ang pinto at ilaw niyon. Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad.

"Sweetheart...?" sigaw niya ng nasa pinto na siya, walang sumagot. Hinanap niya ito sa kuwarto, sa cr ngunit wala pa rin. Kinuha niya ang cellphone at nanungaw siya sa veranda. Tinawagan niya si Maxene, narinig niyang nagring iyon, tumingin siya sa paligid ng marinig na nagriring ang cp nito. Sinundan niya ang tunog na iyon hanggang makarating siya sa may duyan. Nakita niyang tulog na tulog ito. Yumuko siya, masuyong hinaplos ang mukha nito at dahang-dahang binuhat ito at dinala sa loob ng kuwarto. Hindi na niya ito ginising, bagkus nahiga na lamang siya sa tabi nito at natulog habang yakap si Maxene.

Maaga siyang gumising para maghanda ng isang bagay para kay Maxene. Masuyong ginawaran niya ito ng halik sa labi bago nagpasyang bumangon.

"Handa na ba kayo kids?" tanong ni Johny sa kambal.

"Yes, daddy!" sagot ng mga ito.

"Okey, alam niyo na gagawin niyo ha?" tumango ang dalawang kambal.

Naalimpungatang nagising si Maxene, luminga siya sa paligid at nagtaka ng maalalang sa duyan siya nakatulog, ngayon nasa kuwarto na siya. Wala ang kambal at ganoon rin.si Johny. Nag-inat siya, ibinababa niya ang kaniyang mga paa mula sa.kama, gayun na lamang ang tuw niya ng makita mga rose petals na nakasabog sa sahig, puti at pula ang mga iyon. Tumayo siya at tutop ang dibdib na sinundan ang mga petals kung saan iyon patungo. Nagkalat din ang mga petals sa labas ng kuwarto, binuksan niya ang pinto patungo sa labas. Napahinga siya ng malalim ng makita ang mas maraming petals sa veranda.

"Good morning mom!" gulat na nag-angat siya ng paningin mula sa sahig at tiningnan ang kambal. Ngumiti siya dito.

"Morning, sweethearts!" turan niya sa mga ito. Lumapit ito sa kaniya at inabot ang tig-isang rosas na bulaklak.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon