Instinct

43 0 0
                                        

Lunes ng umaga, pagdating sa opisina ni Maxene. "Wow, lalo ka atang gumaganda Maxene.Lumulubo ang mukha mo at medyo pinkish pa!" sabi ni Matet, ang isa sa malapit niyang kaibigan sa opisina.

"Ha?" humarap si Maxene sa salamin.Ngayong lang niya napagtuunan ng pansin ang kaniyang sarili.At may naalala siya sa sinabi ni Kathleen. "Blooming!" Ipinilig niya ang kaniyang ulo!

Nagsimula na siyang magtrabaho.

Samantala, sa Davao!Linggo ng umaga, bumaba si Johny at Brent sa hotel na kaniyang tinutuluyan para mag-almusal. Nang may tumawag sa kaniya.

"Johny?" lumingon si Johny at Brent sa pinanggalingan ng boses.Nakita nila si Ysabel na palapit sa kanila. Nagtinginan ang magkaibigan at nagkibit balikat si Brent.Nagpaalam itong mauun na.

"Ba't di mo sinabing pupunta ka dito sa Davao, eh di sana doon ka na sa bahay tumuloy!Mamaya nga pala pu---" sabi ni Ysabel sabay nangunyapit sa batok ni Johny.Naputol ang sinasabi ni Maxene ng magsalita si Johny. Inalis naman ni Johny ang mga kamay nito.

"Ysabel, maraming tao!" saway ni Johny .Kumunot naman ang noo ni Ysabel.Nang makita ni Johnh ang ama ni Ysabel.

"How are you iho, tagal nating hindi nagkita! bati nito kay Johny.

"How are you, Mr.Laxamana!" nagkamay ang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito Johny?!" tanong nito

"May inaasekaso lang ho kami ni Brent!"

"Ah ganoo ba?Next month pang deliver niyo ng para sa kompanya namin, right iho?"Tumango si Johny."So kung matagal-tagal pa pala, sokung ganoon why don't you join us mamayang gabi, may kunting salu-salo sa bahay!Wedding anniversary namin ni misis!" sabi pa nito.

"I'm inviting him actually dad bago ka pa dumating,kaso parang ayaw ni Johny eh!"parang batang nagsusumbong na sabi ni Ysabel.

"Bakit naman iho?" minsan ka lang magpunta sa Davao kay pagbigyan mo na kami. Tumingin si Johny kay Ysabel.

"Okey sir, pupunta ho ako!" ngiting - ngiti naman si Ysabel.

"Akin ka lang Johny!Gagawin ko ang lahat para paghiwalayin kayong dalawa ng hampas-lupang babaeng yun!" sa loob-loob ni Ysabel. At nagpaalam na ang ama ni Ysabel.

"Panu iho, kita na lang tayo mamaya!" tumango si Johny at inabot ang pakikipagkamay nito.

"Bye Johny!" malambing na.sabi ni Ysabel at humalik sa pisngi ni Johny."See you later Babe!" bulong pa nito.

Napailing si Johny at naglakad patungo sa kinauupuan ni Brent." Ibang klase talaga yang si Ysabel pare, hindi basta sumusuko! Beware pare!" paalala ni Brent. Tinapik naman ito ni Johny.

"Mr Laxaman inviting us pare,wedding anniversary nilang mag-asawa mamaya! Hindi ako nakatanggi!" sabi ni Johny.

"Hindi ako pwede mamaya pare, may gagawin pa ko!Ikaw na lang pero," sandali si Brent para nguyain ang nasa bibig. "Mag-iingat ka mamaya diyan sa Ysabel na yan!Alam mo na.likaw ng bituka niyan!" bilin pa nito. Tumango si Johny at ipinagpatulog ang kanilang almusal. Nakatanggap siya ng text mula kay Maxene.

"Good morning Bhebheloves Q, almusal ka na!Miss u and i love you Johny!mwah.!" ang mensaheng natanggap niya mula kay Maxene. Dahil tamad siyang magtext at nakain, nagpasya siyang mamaya na lang ito tawagan.

Samantala, patingin-tingin si Maxene sa kaniyang cellphone!Wala pang reply si Johny. Tinuon na lamang niya ang kaniyang sarili sa trabaho. Lunch time nila Maxene, nasa cr siya. Nagreretouch siya at magwiwisik ng kaniyang pabango, ng biglang maduwal siya.Mabuti na lamang at siya lang tao doon ng mga oras na yun! Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito,

"He--hello?"nangangatal pa ang boses ni Maxene.

"Hey, are you alright sweetheart?" sabi ni Johny. Pagkarinig niya sa boses ni Maxene napansin niyang parang matamlay na naman ito.

"Johny?"wala sa sariling sabi ni Maxene.

"Yes sweetheart,ako nga!Bakit mqy problema ba?" nag-aalalang tanong ni Johny.Napaiyak si Maxene, hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit napahagulhol siya ng mga oras na yun!

"Hey Maxene, are you crying?Nasaan ka ba?Anong nangyari,may problema ba?Pasusundo kita kay Mang piping, tell me nasaan ka ba?" labis ng nag-aalala si Johny.

"A--I'm okey Johny. Nami-miss lang siguro kita!" nauutal na sabi ni Maxene sabay tingin sa salamin habang hawak ang kaniyang tiyan.

"My God sweetheart, miss na miss na.din kita, promise pagkatapos na pagkatapos ng lakad namin dito uuwi ako diyan!Akala ko kung ano ng nangyari sayo, huwag kang mag-cocommute, hintayin mo si Mang Piping baka makatulog ka na naman.kung saan-saan!"

Napangiti si Maxene sa alalahaning iyo."I love you Johny, pag-uwi mo may sasabihin ako sayo!"

"I love you too sweetheart, may sasabihin din ako sayo pag-uwi ko, kumain ka na ba?" tanong nito

"Kakain pa lang!"

"Tanghali na ah, okey pakatapos nating mag-usap kumain ka na.ha sweety?Anong gusto mong pasalubong?"

"Ikaw!" seryosong sabi ni Maxene

"hahahaha..!" tumawa si Johny "Aba-aba ang lakas ng loob mo mag-sabi sakin ng ganiyan hmp sweetheart. Hinatayin mo makauwi ako at maibigay ko sayo ang pasalubong na.hinihingi mo.!"

Tumawa naman si Maxene ."hahaha.I lOve you Johny!"

"And i love you more sweetheart!Ibaba ko na 'tong phone ha?Kumain ka na!"

"Okey!" at saka nawala sa kabilang linya si Johny. Ngayon, nakumpirma ni Maxene sa kaniyang sarili na buntis nga siya kahit hindi pa siya ngpapatingin sa doktor!Pagdating ni Johny na lamang niya sasabihin dito ang tungkol sa kaniyang kalagayan. Nakalimutan naman ni Johny'ng sabihin kay Maxene na pupunta siya sa bahay nila Ysabel, ayaw niyang maglihim dito.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon