Dumating ang araw ng pagtatapos nila Maxene at Kathleen. Naunang dumating sina Kathleen at kaniyang mama. Sinundo naman ni Johny sina Maxene, Dandan at ang kanilang Ina.Bago umalis ng bahay ay nag-usap muna sina Maxene at Johny.
"Congrats sweety!"sambit ni Johny at yumakap sa kasintahan.
"Thanks Johny and I love you..." maluha-luhang turan naman ni Maxene."Sa wakas natupad na rin ang pangarap sakin nina Nanay at Tatay.!"
"Sssshh..sweetheart, I'm sure kung nasaan man ngayon si Tatay proud na proud yun sayo!Lalo pa na nagtapos ka na may matatanggap na mataas na karangalan.Isang napakagandang prebilihiyo nun para sayo!"hinawakan ni Johny ang baba ni Maxene at iniangat ang mukha nito!"I love you sweety.Kaya smile ka na,hmp!" hinalikan ito ni Johny sa noo at sumakay na sila.Naghihintay na sa sasakyan sina Aling Tina at Dandan.
Pagdating sa paaralan nila Maxene ay agad siyang binati ni Kathleen at ng mama nito.
"Congrats Ate!"humalik ito s kaniyang pisngi. At saka si Mrs. Agustin naman ang bumati.Yumakap ito s kaniya.
"I'm so proud to you iha, ang swerte ni Johny sayo!" Tumikhim naman si Johny sa likod ni Maxene."Ofcourse iho, maswerte din si Maxene sayo kaya nga bagay kayo, diba anak?!" at lumingon ito kay Kathleen.
"Ahmp Ma!"hinawakan ni Maxene ang kamay ng ina at saka ipinakilala sa mama nila Johny."Nanay ko nga ho pala, at ito naman ho si Dandan, bunsong kapatid ko!"
"Oh hello"tumingin ito kanila Aling Tina at Dandan, "I think balae na itatawag ko sayo,. right balae?!"at saka kinamayan naman ito ni Mrs.Agustin ang ina ni Maxene.
Ngumiti lamang ang ina ni Maxene dahil tila nahiya ito! Narinig nilang nagsalita na ang nasa may stage at sinasabing magsisimula na ang programa.
"Ma, Kuya, uupo na kami ni Maxene dun ha?Kayo na muna bahala kanila Nanay Tina at Dandan."turan ni Kathleen.Tumango naman si Johny.
"Nay, dun na ho muna kami, sasamahan ho kayo ni Johny kung saan kayo uupo!"bilin naman ni Maxene sa kaniyang ina at yumakap dito. Paalis na siya ng pigilan siya ni Johny at hawakan ang kaniyang kamay.
"Sakin sweetheart wala ka bang sasabihin?" lambing ni Johny.Agad namang sumabat si Kathleen
"Naku Kuya, ikiss muna si Ate Nax at tinatawag na kami dun oh!"sabay turo nito sa gawi ng kanilang mga kaklase. "Dami pa kasing arte eh!" biro pa ni Kathleen. Napangiti naman si Maxene at siya na ang kusang humalik sa pisngi ni Johny.Ngunit bago lumayo ang mukha niya sa mukha ni Johny ay may ibinulong ito!
"Lakas ng loob mong ikaw ang humalik sweety kasi alam mong di kita mahalik-halikan sa labi, hmp!Hintayin mo pakatapos ng programa niyo!" biro ni Johny at saka yinakap ito ng mahigpit ni Johny at hunalik sa kaniyang noo. Napangiti naman si Maxene at gumanti ng yakap kay Johny.
"Nakuwww, walang katapusang paalamanan na naman!"tudyo ni Kathleen ngunit kinurot ito ng kanilang mama."Ouch!ma naman, bagong kotse ang gusto kong matanggap galing sayo ngayon, hindi kurot!"sabi niya sa kaniyang ina.
"Magtrabaho ka muna bago kita ibili ng bago mong sasakyan!" sagot naman ni Kathleen.
"Ma, mag-aasawa na ho ako, kaya di na ko magtatrabaho!" biro ni Kathleen
"Naku, Kathleen Faye mag-aral ka muna magluto bago mo maisipqng mag-asawa. Ni pagprito nga ng itlog di mo magawa!"turan ni Mrs. Agustin na ikinatawa nilang lahat pati na rin ang ina ni Maxene.
Napasimangot naman si Kathleen at saka tumingin sa kaniyang Kuya!Nakaisip siya kung panu iinisin ang kapatid dahil di niya magawang inisin ang mama nila.
"Ahm Ate Max, tara na!"hinawakan ni Kathleen ang kamay ng kaibigan at saka nagsalita!"Hinihintay ka na ni Dante, pinagreserve ka na naman niya ng upuan para magkatabi kayo!".sabay hila ni Kathleen sa kaibigan. Ngunit biglang nagsalita si Johny.
"Kathleen Faye, huwag mo ko susubukan!Baka pati lumang kotse mo eh mawala sayo!" nakasimangot na saad ni Johny. Napangiti naman si Kathleen dahil nakaganti siya s kapatid!Samantala, hindi nilulubayan ni Johny ng tingin si Maxene. Nakita niya ng batiin ito ni Dante at saka yakapin. Nakaramdam siya ng selos, gusto niyang hilain si Maxene."Walang karapatan ang lalakung yun na yakapin si Maxene!"nasabi niya sa kaniyang sarili. Tatayo sana siya para puntahan si Maxene ngunit pinigilan siya ng kaniyang ina.
"Oh san ka pupunta iho, magsisimula na maupo ka na lang diyan!"wala siyang nagawa kundi naupo ulit. Kinuha niya ang kaniyang cellphone.
Nakaupo na si Maxene sa upuan na nakareserba para sa mga estudyanteng makakatanggap ng karangalan.Nagsisimula na ang programa ng tumunog ang cellphone niya.
"Don't make me jealous sweety!Please tell Dante that you had a boyfriend already, kaya di ka na niya pwedeng yakapin kahit kailan!At huwag kang tatabi sa kaniya or else pupuntahan kita at ako ang katabi mo diyan hanggang matapos ang programa " mensaheng natanggap niya mula kay Johny. Nilingon niya ang kinauupuan ni Johny.Nakita niyang nakayuko ito at abala sa cellphone. Napangiti siya dahil tinablan ito sa pang-aasar ni Kathleen.Para sa kaniya walang malisya ang yakap ni Dante dahil noon pa man ay kaibigan na niya ito.Rereplayan na sana niya ito ng makatanggap ulit siya ng mensahe galing dito.
"Kapag sinabi ko sweety, ginagawa ko!"naalerto naman si Maxene at agad na nagreply.
"Mr. Agustin, bakit di ka po tumingin sa kinauupuan ko ng makita mo kung saan at sino ang katabi ko!Love you Bebe Q.!..yun ang mensaheng pinadala niya kay Johny. At saka lumingon si Maxene kay Johny.Nakita niyang nag-angat ito ng mukha.Parang nabunutan naman ito ng tinik ng makitang hindi si Dante ang katabi ni Maxene.Nakita niyang nagflying kiss sa kaniya si Maxeneat kumaway!Ngumiti siya dito.
"Kathleen Faye bukas na bukas din babawiin ko ang kotse mo!" yun naman ang mensaheng pinadala niya kay Kathleen.
Isang emoticon na nakalabi naman ang isinagot ni Kathleen. Dahil alam nitong nagbibiro lamang ang kapatid.
Seryosong nanonood si Johny ng may tumabi at tumapik sa balikat niya, walang iba kundi si Brent.
"Akala ko di ka darating pare!" sabi ni Johny sa kaibigan.
"Pwede ko ba namang palampasin ang pagtatapos ng babaeng mahal ko at mahal mo!"pabirong sagot ni Brent.
"hahaha.ulol!Ihanda mo na pitaka moBrent, kotse ang gustong matanggap na regalo ni Kathleen."
"Ha?aba eh kahit house and lot pa hilingin niyan bibigay ko basta payagan mo lang ako!"
Sinikmuraan ito ni Johny ng mahina "'Lol!maghintay ka hanggat makasal kami ni Maxene!".
"Eh ang tagal mo Johny, naiinip na ko!"
Napangiti si Johny at saka napailing.Natuon ang pansin nila ng magbibigay na ng diploma para sa mga magtatapos!Nakita niya ng tumanggap ng diploma ang kaniyang kapatid at natutuwa siya para dito, kahit isip-bata ito ni minsan hindi ito nagloko s pag-aaral, ni hindi sila binigyan ng sakit ng ulo!Nakita niyang pumalakpak ang kanilang mama at saka pasimpleng nagpunas ng luha.Inakbayan niya ito at saka hinaplos ang balikat.Sumandal.naman ito sa kaniya!.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...