Ala singko eksakto ng dumating ang sundo ni Maxene. Nakabihis na rin siya at nakahanda na ang dadalhin.kay Johny.
"Nay, alis na ho ako!Kumain na ho kayo ni Dandan, nagtira ho ako para s inyo!" paalam ni Maxenw.
"Oo anak, kami ng bahala!Mag-iingat kayo, ikumusta mo na lang ako kay Johny.!" bilin naman ng kaniyang ina.
Humalik si Maxene bago umalis."Oho Nay!"
Nasa biyahe na si Maxene ng magtext si Johny."Asan na kayo sweetheart?"
"On the way na kami Bhebhe Q!" reply ni Maxene. Ilalagay na lamang ni Maxene ang cellphone sa kaniyang bulsa ng may tumawag at walang iba kundi si Johny.
"I miss you sweetheart, gutom na ko!haha" sabi ni Johny
"hmp.miss you too BheBheQ, malapit na poh kami " sabi naman ni Maxene
"Okey,.loud speaker mo cellphone sweetheart at ilapit mo kay Manong Piping ang phone!" utos ni Johny at linapit ito si driver.
"Manong kausapin daw ho kayo ni Johny!" sabi ni Maxene, nakinig naman ang driver.
"Manong, dahan-dahan lang sa pagdadrive, hayaan mo ng matraffic kayo!Ingatan mo yang sakay mo,pakakasalan ko pa yan!" bilin ni Johny dito dahil magrarush hour na.Napatingin ang driver kay Maxene at ngumiti.Napayuko naman si Maxene dahil tila nahiya.
"Yes boss!Makakaasa ho kayo, safe na.darating diyan si Ms. Maxene!" ngiti-ngiting sagot ng driver.Inoff ni Maxene ang loud speaker, tinapat sa kaniyangvtenga ang phone.
"Bye for now sweety, mag-iingat kayo!" Nawala na sa kabilang linya si Johny.
Napangiti si Maxene. Nagsalita naman si Mang Piping."Ang swerte niyo ho Ms. Maxene diyan kay boss,.sobrang bait ho niyan, pati na rin sa tulad naming mga empleyado niya!"
"Maxene na lang ho Mang Piping!" sabi ni Maxene dahil naiilang siyang tawaging Ms.Maxene.
Ngumiti naman ang driver."Pero swerte naman si Boss sa inyo, bukod sa maganda na ho kayo eh alam kung maganda din ang kalooban niyo!"
"Salamat ho Manong!" tipid namang sagot ni Maxene.Natutuwa siyang malaman galing sa ibang tao na mabait si Johny." Naku ho, maiipit tayo sa traffic Mang Piping!" sabi ni Maxene ng mapansing mahina lamang ang paggalaw ng mga sasakyan.
" Oo nga po eh!" napakamot ang driver sa ulo."Gusto niyo ho ba na magsound na muna para hindi kayo mainip ma--Maxene?!"Tumango si Maxene, isinandal ang ulo.
"Because of you, my life has change. Thank you for the memories and the joy you bring!Because of you my life has change,....." ang kantang naririnig niya sa loob ng sasakyan.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, at dahil na rin sa puyat kagabi nakatulog siya.
Malapit na sila sa opisina, ala 7 na ng mga oras na yun. Palingon-lingon si Mng Piping sa likod dahil tulog na tulog si Maxene.Nahihiya naman siyang gisingin ito!Papasok pa lamang sila ng makita niyang nasa labas na ng gusali ang kaniyang boss, hawak nito ang cellphone. Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ni Johny at saka bumaba. "Boss nakatulog ho si Ms. Maxene sa biyahe, hindi ko na ho ginising!Tatawagan ko sana kayo.pagdating dito, sakto naman hong nakita ko kayo!"
Tinapik ni Johny ang balikat ng kanilang driver. "Salamat mang piping, sandali lang ho!" Binuksan ni Johny ang pinto sa gawi ni Maxene.Napailing siya, "Bakit ba ang hilig ng babaeng 'to matulog kung saan-saan!" nasabi niya sa kaniyang sarili.Nakita niyang tulog na tulog ito, nakanganga pa ng kaunti.Naengganyo tuloy siyang halikan ito. Dinampian niya ang labi nito.Kumibot lamang iyon at itinikom. Napangiti siya, "di yata at ang himbing ng tulog nito." sabi pa niya sa kaniyang sarili.Nagdesisyon.siyang huwag itong gisingin at buhatin na lamang. Binuhat niya ito ng dahan-dahan at maingat na ilinabas sa sasakyan."Mang Piping, pakidala na lang ho ng mga 'yan." turo ni Johny sa dala ni Maxene kanina.Tumango naman ang driver.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...