"YAYA!" sigaw ni Maxene ng makita ito.Ngunit ganun na lamang ang gulat at kabang kaniyang naramdaman ng makita kung sino ang kasama nito.Tila multong muli itong nagpakita sa kaniya, kalong ng lalaki ang tulog na tulog na si JM habang si MJ naman ay nakaunan dito. Napahawak si Maxene kay Alex dahil tila bigla siyang nahilo sa eksenang kaniyang nakita. Magkasama ang MAG-AAMA, sabi niya sa kaniyang sarili.
LININGON ni Johny ang tumawag dito,kailanman ay hindi niya makakalimutan ang boses na yun!Tila musikabg nag-echo ito sa kaniyang pandinig. Gusto niyang lapitan ito at yakapin.Bumalik sa kaniya ang lahat ng ala-ala ni Maxene, mula ng halikan niya ito sa party hanggang sa huling pagkikita nila.Parang namanhid ang buong katawan ni Johny, ng makita niyang nakahawak si Maxene sa lalaking kasama nito, napakunot-noo siya at hiniling na sana siya ang hawak nito.
Sabay namang napatutop ng bibig sina Kathleen at Carla. Hindi makakilos si Maxene at tila sumakit ang ulo niya at lalong nahilo, dahil na rin siguro sa magkahalong pagod niya kanina sa pagmamaneho at ng nainom niya kanina. Napahawak siya sa kaniyang ulo, unti - unting naramdaman ni Maxene na tila umiikot ang lahat ng nasa paligid niya at lumalabo ang imaheng nakikita niya. Hanggang sa hindi na niya namalayan ang mga sumunod pang pangyayari.
Mabilis na kumilos si Johny, kinabahan at tila may inggit na naramdaman. Hindi niya gusto ang nakikita na halos yakap na ng lalaking iyon si Maxene.
"Yaya kunin mo muna si JM." maingat na ibinigay niya ito at sunod na sinigawan ang kapatid."Kathleen, anong tinutunganga mo diyan, hawakan mo si MJ."mabilis namang kumilos si Kathleen.
Tumayo si Johny at inilang-hakbang lang ang pagitan nila ni Maxene. Mqingat na kinuha niya ito mula sa lalaki ngunit tumanggi ito.
"Ako ng maghahatid sa kaniya!" turan nito. Tiningnan niya ito ng masama. At walang sabi-sabing pilit kinuha si Maxene. "Sino ka ba?" tanong ni Alex
Tiningnan ito ni Johny ng tuwid at saka nagsalita. "Ako lang naman ang ama ng mga anak niya!' sabay kuha kay Maxene. Napangiti naman at nagkatinginan si Carla at Kathleen sa narinig na pagmamayabang ni Johny na ito ang ama!Napamulagat naman ang yaya ng mga bata at nagpalipat-lipat ang mga tingin dito. Walang nagawa si Alex, hindi na siya nagsalita pa, tinapik siya ni Carla sa balikat. Naintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin.
"Kathleen, sumunod kayo sa akin!" turan ni Johny habang buhat si Maxene at mabilis na naglakad patungo sa kaniyang kotse. Walang kahirap-hirap na nabuksan niya iyon kahit buhat niya si Maxene. Maingat niya itobg ibinaba sa driver side at kinabit ang seatbelt dito.Binuksan ang pinto sa likod nito at pinapasok sila Kathleen. Binabagtas na nila ang daan ng magsalita si Kathleen.
"San mo sila iuuwi, Kuya?"
Tumingin si Johny dito mula sa salamin. "San pa ba Kath, syempre sa bahay!"
"Pero kuya, baka magalit si Ate Max!"
"Saka ko na iisipin ang galit niya Kath, ang mahalaga sa'kin ngayon ay huwag hayaang mawala pa siya, sila sa buhay ko!"
Natahimik na lamang si Kathleen.Tiningnan ni Johny si Maxene, labis ang tuwang nadarama niya ngayong nakiya na niya ulit ito at mas dumoble oa yun ng makuta niya ang kaniyang anak. Tatlong taon, wala siyang kaalam-alam na may mga anak na pala siya at tila yata biniyayaan pa sila ng kambal. Maraming naglalaro sa isip niya sa mga oras na yun, kung pa'nu mapapaaml muli si Maxene at panu makakabawi sa mga taong lumipas na wala siya sa tabi ng mga ito. Wala siya sa oras ng ipingbubuntis, ipinanganak hanggang sa matutu.ang mga itong maglakad at kung anong unang salita ang natutunan ng mga ito! Gusto na naman niyang maluha pero pinigilan niya iyo, hindi ito ang oras para maging mahina siya, ngayon pa na nasa tabi na niya ang kaniyang MAG-IINA! At saka may gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi.
MAINGAT na ilinapag ni Johny si Maxene. Tinitigan niya ang kabuuan ng mukha at saka marahan iyong hinaplos. Nasa kabilang kuwarto sina MJ at JM, sa kuwarto na niya dinala si Maxene. Dumako ang tingin niya sa nakaawang pang mga labi nito, dahan - dahan siyang yumuko upang damhin muli ang mga iyo ng ---
"Kuya may dala kung bihisan ni Ate Max saka maligamgam na tubig na rin!" balewala lamang dito ang nakitang eksena.
"Where's your manner Kath, kumatok ka muna bago pumasok!"
"Nyee.Eh kung isumbong kaya kay Ate Max pag-gising niya na pinagnanasaan mo na agad siya!"
"Shut up, will you?" nakakunot-noong turan nito.
"Oh siya, tsope-tsope muna, at dun ka na muna sa labas!" utos ni Kathleen
"Ha?nagtatakang tanong ni Johny." bakit?"
Itinaas ni Kathleen ang dalang damit. "Heto oh, bibihisan ko lang naman po siya no, hindi ko kikidnapin yang mahal mo!" pang-aasar pa nito.
Hinablot iyon ni Johny. "Ako ng gagawa!"
"Kuya?" nakapamewang nturan nito.
"Yes?" balewalang sagot ni Johny.Nagsimulang punasan ang mukha nito."Close the door when you leave,Kath!"
Inagaw naman ni Kathleen ang hawak na towel ni Johny. "Ako na kuya, kung ayaw mong magka-world war III bukas, at isa pa alam ko likido mo Kuya pagdating kay Ate Max,baka kung ano pang gawin mo!"
Hinablot ulit ni Johny ang towel mula dito. "Kathleen Faye, para sabihin ko sayo may anak na kami ni Maxene, you see kambal pa ang mga iyon!Wala ka na dun kung ako man ang magbihis sa kaniya at kung ano mang gawin ko!Nakapaghintay ako ng mahigit 3 taon, sa tingin ko kaya ko pa naman magtiis sa ngayon.!"sabay hawak ni Johny sa braso nito at iginiya palabas ng kuwarto.
"Pero Kuya---!"
"No but's sis, take some rest and sleep!" sabay sara ng pinto ni Johny at linock iyon!
Sinimulan niyang punasan ang katawan nito. Mali ang sinabi niya kanina s kapatid na kaya niyang magtiis, ang totoo ng buhatin niya kanina si Maxene sa Hotel at magdikit ang kanilang katawan biglang may ginising na ibang pakiramdam na dumaloy sa buo niya katawan. Napailing siya at iwinaglit ang isiping iyon. Matapos niya itong bihisan ng dalang damit ni Kathleen, kinumutan niya ito, binuhay ang aircon at hinayaang makapagpahinga.
Labis ang tuwang kaniyang nadarama ng oras na yun, kasama niya sa iisang bubong ang babaeng tanging minahal at mamahalin niya. Bonus pa na nasa kabilang kuwarto lamang ang kambal nila. Kung pwede lang burahin ang lahat ng panget na nangyari sa buhay nila. Napabuntong-hininga na lamang siya.
Nang masiguro niyang mahimbing na ang tulog nito, yumuko siya at masuyong hinaplos ang buhok nito saka ginawaran ng halik ang mga labi nito. Dumaloy na naman sa buong katawan niya ang kakaibang init na kaniyang nararamdaman ngunit binalewala niya iyon. Sinilip niya sina MJ at JM at isa-isang ginawaran ng halik at bumalik.sa kaniyang kuwarto para magpahinga na rin.
Dumiretso siya sa sofa at nagdesisyong doon na lamang mahiga dahil sa ngayon ayaw niyang makagawa ng maling bagay na ikakagalit nito. Hindi din siya nakatulog ng maige, dahil gising siya sa bawat pag-galaw ni Maxene,gusto niyang masiguro na wala itong iniinda at ayaw niyang ipikit ang mga mata dahil baka pag-gising niya ay panaginip lamang ang mga iyon at pagmulat baka mawala na naman ito sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...