Kalahating oras ng nakatambay si Maxene sa labas ng gate ng kanilang subdivision. Inaabangan niya ang pagdaan ng sasakyan ni Johny. Hindi rin nagtagal at nakita niya itong paparating. Pinalampass niya muna ito bago sinundan. Mahigit isang oras ang ginawa niyang pagsunod dito. Ilang saglit lang at huminto sa St. Magdalene Hospital. Hinintay niyang makababa ito bago siya lumabas ng kaniyang sasakyan at sinundan ito.
"Hello, Miss saan ang kuwartong inuokupa ni Ms. Ysabel Lacsamana?" tanong ni Johny sa nurse sa lobby.
"2nd floor po sir, 42." sagot ng nurse.
"Thank You!"
Nakita ni Maxene na nakipag - usap ito sa nurse, maingat ang kaniyang ginawang pag- sunod kay Johny. Umaakyat si Johny, napabuntong - hininga si Maxene dahil medyo napapagod na siya at ngayon kailangan pa niyang akyatin ang hagdan. Dahan - dahan ang ginawa niyang pag - akyat. Pagdating sa pangalawang palapag ay hindi na niya nakita anino ni Johny. Palingon - lingon siya sa paligid, hanggang makarating siya a bandang dulo at makita ang isang kuwartong nakasiwang ng kaunti ang pinto. May narinig siyang nag - uusap at parang pamilyar sa kaniya ang boses. Sumilip siya doon, at ganoon na lamang ang panlulumong kaniyang naramdaman sa nakita.
"Kumusta ka na?" tanong ni Johny
"Feeling better kesa kanina." sagot ng babaeng kausap ni Johny
Nakayuko si Johny ng bahagya sa pasyente kaya hindi niya makita ang mukha ng babaeng kausap nito.
"Sabi ko naman sayong mag - iingat ka, buti na lang walang nangyaring massama sa inyo ni babay." at dahan - dahang tumuwid ng pagkakatayo si Johny. Nanlaki ang mga mata ni Maxene sa nakita. Ang babaeng natawag lagi at kausap ni Johny at ang babaeng buntis na nasa harap niya ngayon at kasama ni Johny ay walang iba kundi si Ysabel. Ang dahilan ng pagkakahiwalay nila dati at ang dahilan kung bakit lumaki ang kambal niya na walang kinagisnang ama noon. Ngayon ang babae ding ito ang siyang magiging dahilan ng muling pagkawasak ng relasyon nila ni Johny. Napahawak siya sa kaniyang tiyan, narinig niya ang mahinang tawa ni Ysabel.
"Thank you Johny, naandiyan ka lagi para sa amin ni baby." ang huling narinig niya mula dito. Hindi na niya nakayanan ang mga eksena kaya dali - dali siyang umalis doon habang hilam ang kaniyang mga mata ng mga luha. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong niya. nakabangga pa niya aang isang lalaking nagmamaadali din.
"Miss, are you okey?Sorry kung nabangga kita!" turan sa kaniya ng lalaki ngunit hindi niya ito pinansin.
"Wala yun Ysabel, sino nga pala nagdala sayo dito sa ospital?" tanong ni Johny.
Nakangiti sa kaniya si Ysabel, "Ang lalaking siya ring dahilan kung bakit naandito ko ngayon sa ospital." saka bumukas ang pinto at pumasok doon ang lalaking matagal na nilang hinahanap
"Pare." bati nito kay Johny.
"Finally nagpakita ka din, pinahirapan mo pa kami sa paghahanap sa'yo. Pati tong si Ysabel muntik ng may mangyaring masama." si Johny

BINABASA MO ANG
Started with a Text
عاطفيةIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...