Sa Condo na dumiretso si Johny at nagdesisyon na bukas na lamang bibisita sa kaniyang mama. Pagpasok niya sa kaniyang unit narinig niyang nagriring ang telepono.
"Hi Johny, labas naman tayo oh!" si Ysabel ang tumawag.
"Not now Ysabel, pagod ako. Marami kaming tinatapos sa opisina.!" sagot naman ni Johny
"Huwag kang sinungaling Johny dahil tumawag ako sa sekretarya mo at sinabi niya sa aking maaga kang umalis."
"May inasikaso lang ako Ysabel!" tinatamad na sagot ni Johny
"Saan? Sa babae mo?" galit na sabi ng nasa kabilanh linya. Nahilot ni Johny ang kaniyang ulo dahil tila sumakit ito ng dahil sa kausap niya. Yun ang isa sa ayaw niya kay Ysabel, masyado itong pakialamera at parang girlfriend niya kung umasta.
"Please Ysabel, bukas na lang tayo mag-usap.Pagod ako!"
"Bahala ka sa buhay mo Johny!"pasigaw na sabi ng nasa kabilang linya at saka narinig niya ang malakas na pagbasak ng telepono.Ipinagkibit balikat na niya lamang ito. Nagbihis si Johny, dahil wala siyang ganang kumain nagdesisyo matulog na lamang.
Samantala, sa bahay nila Maxene. "Nay mano ho!" kadarating lang ng ina ni Maxene, galing ito sa amo na pinaglabhan nito. "Nakaluto na ho ako Nay, ipaghain ko na ho kayo.!" Walang sagot ang kaniyang ina tila seryoso ito.
"Sino ba ang naghatid sayong lalaki maxene?" tanong ng kaniyang ina.
"Ho? Nay?!" nababahalang sagot ni Maxene
"Nakwento sa kin Mareng Bebang na may naghatid daw sayong lalaki, manliligaw mo raw!"
"Nay, hindi ko ho siya manliligaw.!" yun ang alam niyang sagot dahil hindi niya alam ang sasabihin sa ina.
"Mayaman daw ito Maxene, at alam mo ang usapan natin sa bagay na yan!"
"Nay, mabait ho si Johny. Kapatid ho siya ni Kathleen. Diba ho kilala niyo na si Kathleen.!"
"Si Kathleen kilala ko anak, pero ang kapatid nito, hindi!Noon pa sinabi ko sayo anak, huwag kang magmamahal sa lalaking hindi natin kauri, dahil masasaktan ka lang sa bandang huli. At ayow kong magmahal ka ng dahil sa mayaman ito ng sa ganoon eh makaahon tayo sa hirap!"
"Nay hindi ho ako ganon at alam mo yan! Hindi ko ho nakakalimutan ang mga sinabi niyo Nay! Hindi ho ako manggagamit ng kapwa para maiahon ko kayo ni Dandan sa hirap."
"Oo anak kaya hanggat maaari iwasan mo siya, ayow kong makita kitang nasasaktan anak at umiiyak.!"
" Hindi ho ganoon si Johny Nay!" tanging nasabi na lamang ni Maxene, hindi niya alam kung bakit nakuha niyang ipagtanggol si Johny eh hindi pa niya ito lubos na kilala.
"Sana nga anak, sana!..Oh umupo ka na diyan at sabay-sabay na tayong kumain. Tawagin mo na rin ang kapatid mo"
"Oho Nay!" at pinagsaluhan na nila ang simpleng hapunan.
-----------------------------------------------------
Maagang nagising si Johny at naghanda na sa pagpasok sa opisina.Ngunit didiretso muna siya sa bahay nila.Ala-6 ng umaga ng marating niya ang kanilang tahanan.Naabutan niyang nasa garden ang kaniyang ina at abala sa tanim nitong mga halaman.Nakatalikod ito ng lapitan niya, yinakap niya ito mula sa likod at humalik.
"Morning Ma, ang aga niyo naman ata diyan. Bakit di niyo na lang ho hayaang ang hardinero natin ang gumawa niyan.!
"Hay naku iho, ito na ang nagsisilbing ehersisyo ko. Ang aga mo ata ngayon anak. Nag-almusal ka na ba?"malambing na sabi ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...