Part 69

17 1 1
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng manirahan sila kasama si Johny.Dalawang buwan na lang din at nakatakda na ang kanilang kasal.

"May problema ba sweetheart?" tanong ni Johny ng datnan niya sa swing si Maxene.

Umiling si Maxene."Sana tuloy-tuloy na ang kaligayahan nating 'to Johny"

Lumapit si Johny dito at tumabi sa kaniya. "Ofcourse sweety.Luma mang sabihin ang mga katagang Till death do us part, hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihin yun sayo."

tinitigan ito ni Maxene ."Thank You!"

Ngumiti si Johny at yinakap si Maxene. Nagtagal sila ng ilang oras sa may swing at tahimik lamang sila habang magkayakap.

MAAG nagtungo si Johny sa kaniyang opisina. "Sir tumawag ho dito si Ms. Ysabel, she wants to talk to you!" bungad ng kaniyang sekretarya pag-upo niya.

Saglit siyang natahimik. "Bakit daw?"

"Wala hong sinabi,tatawag na lang daw ho ulit siya."

Tumango si Johny at nagpasalamat dito. Ipinagwalang bahala niya lamang iyon.

Naghahanda si Maxene ng kanilang pananghalian ng makaramdam siya ng pagkahilo. Napahawak siya sa kaniyang noo, at sunod naman ay ang pagkaramdam niya ng pagduduwal. Mabilis siya nagtungo sa lababo. Patuloy siya sa pagduduwal kahit walang lumalabas.

"Are you okey mom?" nagulat pa siya ng may magsalita mula sa kaniyang.likod, si MJ ang nagsalita. Naghilamos at nagmumog siya bago lumapit dito.

"I'm okey sweetie!" turan niya dito.

Hinawakan siya nito sa kamay.  "Are you sure?Do you want me to call Dad?" parang matandang sabi pa nito sa kaniya. Napangiti siya doon.

"Okey lang si mommy,sumama lang pakiramdam ko pero, okey na ko ngayon. Alam mo kong bakit?uhmp?"

"Why mom?"

"Kasi po, nakita ka ni mommy. Makita lang kita, kayo ni JM magiging okey na si mommy."

"Really mom?How about Dad?"

"Syempre,counted na doon si Daddy!" at saka mahigpit niya itong yinakap na tinugon din nito.

"I'M HOME!" sigaw ni Johny pagbukas na pagbukas niya ng pinto.

"Daddy...." sigaw ng mg bata ng makita siya nito, naglalaro ang mga ito sa sala kasama ang yaya nito. Nagtatakbo ito palapit sa kaniya, ginawaran niya ang mga ito ng halik sa pisngi.

"Where's your mom?"

"Nasa room niyo po!"sagot ni JM

Napakunot noo siya. "Nagdinner na ba kayo?" sabay na tumango ang mga ito. "How about your mom?"

"Si yaya po nagpakain sa'min, kasi masama pakiramdam ni mommy." pagkukwento naman ni MJ.

Napatingin si Johny sa yaya ng mga bata na tila nagtatanong.

"Ah eh, kasi sir kaninang tanghali masama na ho pakiramdam ni mam, matutulog lang ho daw siya saglit, pero di na po bumaba ulit. Ng gisingin ho ng mga bata para kumain,ang sabi pakainin ko na daw po muna!" mahabang paliwanag nito.

"Okey. Pakitingnan muna ang mga bata,pupuntahan ko muna si Maxene."

"Opo sir!" humakbang si Johny papunta sa hagdan ngunit nasa unang baitang pa lamang ito ng tumigil at linginon ang katulong.

"Next time pag ganitong may nangyari,don't forget to call me!" bilin ni Johny sa yaya bago nagpatuloy sa pag-akyat.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura, madilim sa loob ng kuwarto.Kinapa niya ang switch ng ilaw at ng lumiwanag nakita niyang mahimbing na natutulog si Maxene. Linapitan niya ito, saglit na pinagmisadan at maya - maya pa ay malumanay niya itong ginising.

"Sweety...." masuyong tawag niya dito habang hinahaplos ang mukha nito.

"Hmmp." tugon nito ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata. Sinalat niya ang noo, hindi naman ito mainit. Kaya nakahinga siya ng maluwag dahil wala itong lagnat.

Dahang-dahang yinuko niya ito at ginawaran ng halik sa labi.Nagising ito at saglit na nagmulat ng mga mata. Tinugon nito ang kaniyang halik.

Naramdam ni Maxene na ginigising siya ni Johny, ngunit dahil inaantok hindi niya ito pinansin. Ng maramdaman niya ang paghalik nito sa kaniyang labi ay nagmulat siya ng mga mata. Tiningnan niya ito at tinugon ang mga halik nito. Naipulupot niya ang kaniyang mga braso sa leeg nito.

Naging mapusok naman ang paghalik ni Johny kay Maxene ng maramdaman niyang gumaganti ito ng paghalik sa kaniya. Nakalimutan niyang masama ang pakiramdam nito. Bumaba ang halik ni Johny sa leeg ni Maxene, ngunit kung kelan siya nadadala ay saka naman tinulak siya nito ng bahagya.

"Johny..." turan ni Maxene.

"Yes sweetheart?"

"Naligo ka na ba?" tanong ni Maxene na ipinagtaka niya.Napakunot noo si Johny.

"No!Why?Kagagaling ko lang sa opisina."

"Ayow ko sa amoy mo!Maligo ka!" sagot ni Maxene saka mabilis siyang bumangon at lumayo kay Johny. Nagtatakang inamoy ni Johny ang kaniyang sarili.

"Sweetheart?Ganoon na ba ko kabaho?O binibitin mo lang ako, uhmp?" anyong lalapit ulit si Johny ngunit mabilis siyang pinigilan ni Maxene.

"Johny please..." mabilis na pigil ni Maxene. "Just take a shower, okey?Bababa lang ako, kumain ka na ba?Ipaghahanda kita!"hindi na hinintay ni Maxene na sumagot si Johny, mabilis siyang bumaba mula sa kama at lumabas ng kuwartong iyon.

Naiwang nagtataka at tulala si Johny sa ikinilos ni Maxene. Napailing na lamang siya at sinunod ang sabi nito. Naligo siya saglit at pakatapos ay sinundan niya ito sa baba.

Hindi naman alam ni Maxene kung bakit ganun ang ikinilos niya. Hindi siya nababahuhan kay Johny, ayaw lang niya sa pabango nito.

Wala na sa sala ang mga bata ng bumaba si Johny. Nagtungo siya sa kusina at nakita niyang abala ito sa paghain. Sumandal siya sa may pinto at pinagmasdan ito. Sinundan niya ang bawat kilos nito.May kinuha ito.s lababo at pagharap ay nagulat ito.

"Ay kabayong tuwad!" sigaw ni Maxene ng makita si Johny sa may pinto. Akala niya kung sino ang nakatayo doon dahil tahimik na sa loob ng bahay.

Napabungisngis si Johny ng hindi sinasadya sa nakitang anyo ni Maxene at sa narinig niya mula dito.

"How come na tumuwad ang kabayo?" ngingiti-ngiting tanong ni johny habang papalapit dito. Itinirik ni Maxene ang kaniyang mga mata.

"Papatayin mo ba ko Johny Agustin?" sabay irap niya dito.

Lunapit si Johny ngunit bago pa man siya makalapit kay Maxene.

"Sandali!"  pinigil ni Maxene ang paglapit ni Johny. Inamoy niya ang leeg, dibdib at kilikili ni Johny. "Okey!Pwede na!" turan niya at kusang yumakap kay Johny. "Hmmpp...bango-bango" patuloy pa niyang pag-amoy dito.

Napangiti na lamang si Johny. "Let's eat sweety!Ng makarami tayo!" biro ni Johny at agad namang bumitaw si Maxene mula sa pagkakayakap nito.

"Ano ka!" tanggi niya dito at nagpatiuna ng kumain.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon