The Cupid Text Messages

88 1 0
                                    

Kasalukuyang nasa sala si Johny, tinitingnan ang ilang paper works na rireview nung puntahan siya ni Ysabel. Nasa seryoso siyang pagbabasa ng biglang tumunog ang Cellphone niya. Ibang alert tone ang kaniyang narinig kaya sigurado siyang bagong numero ang nagtext, tiningnan niya ang kaniyang cellphone.

1 SMS received! " Kelan ka ba ulit pupunta?.Miss ka na agad namin!" napakunot ang kaniyang noo s mensaheng kaniyang nabasa. Bagong numero kasi at hindi niya kilala. Tatawagan n lamang niya ito ng magkaroon ng Incoming Call ang kaniyang cellphone, si Brent ang natawag at sinagot na niya ito.

"Pare kumusta? napatwag ka!?" si Johny

"Wala naman pare, nangungumusta lang sa lakad niyo ni Ysabel." sabi nman ni Brent.

"'Lol ka pare, walang bago. Ganoon pa rin ginawa na naman akong tagabuhat ng pinamili niya."

Tumawa si Brent sa kabilang linya. " siya nga pala Johny, pumunta kahapon si Kathleen. May kasamang chicka babes. 'di mo tuloy nakilala. Panigurado pare pag nakita mo aayain mo agad lumabas."

Nacurious naman si Brent sa sinabi ng kaniyang kaibigan pero ipinagsawalang bahala na lamang niya ang sinabi nito. "kaw talaga pare pag ganyang maganda ang bilis ng mata mo. baka naman bukas malaman ko e syota mo na!" ng-aasar pang sabi ni Johny.

"Sira pare!, alam mo naman kung sino ang gusto ko. Kaw lang 'tong ayaw akong payagan ligawan siya." seryosong sabi ni Brent

Natahimik saglit si Johny sa sinabi ng kaniyang kaibigan. " Patapusin mo muna siya pare, 'wag na wag mo siyang iistorbubin ngayon. Baka mawalan ka ng guwapong kaibigan pare pag sinuway mo ko!"

Natawa naman si Brent sa sinabi ng kaniyang kaibigan at nagpaalam na siya sa kausap. Pakatapos ng pag-uusap nila ni Brent nabasa ulit niya mensaheng natanggap niya kanina at tinawagan ito.

----------------------------------------------------

Katatapos lamang magluto ni Maxene ng dumating si Aling Tina at Dandan. "Nay mano ho. Magbihis na muna kayo ni Dandan  at mag-aahin na ho ako para makakain na tayo." habang ngbibihis ang kaniyang ina, kinakausap niya ito.Dahil maliit lamang ang kanilang bahay dinig s kuwarto ang boses niya mula kusina. "Siya nga ho pala 'nay, naubos ho ang panindang iniwan natin kela aleng bebang, nasa alkansya na ho ang pinagbentahan natin. Malaki-laki rin yun nay. Pwede na ho tayong mag-pacheck up para malaman ho natin ang madalas na pagsakit ng ulo niyo."

"Hindi na naman anak nasakit masyado ang ulo ko, at may iniinom naman akong gamot.Huwag na muna nating galawin ang perang yun. Ilaan natin yun ngayon sa pag-aaral mo. Alalahanin mo gagraduate ka na, tiyak marami-rami ang babayaran ngayon.". paliwanag ni aling tina sa mahinang boses na mahahalata mong pagod ito s maghapong pagtatrabaho.

"Eh Nay, nakalimuta. niyo na ho ba na iskolar ako at may natatanggap pa kong allowance mula s munisipyo. May ipon p naman ho ako dito."

Hindi nnagkomento pa si Aling Tina. Kumain sila ng sabay at pakakain nagligpit siya ng pinagkainan at naghugas ng mga pinggan. Nagpaalam na ang kaniyang ina na Matutulog na dahil pagod ito sa maghapong pagtatrabaho sa bukid. Pakatapos niya magligpit s kusina dumiretso na siya s kaniyang kuwarto at hinarap ang mga assignment niya. Nagbabasa siya ng tumunog ang kaniyang cellphone na ang ringing tone ay natawag.Nagulat pa siya at natatarantang kinuha ang cellphone.Hindi n niya tiningnan kung aino ang natawag, bast na lamang niya pinindot ito.

"Hello?" sagot ni Maxene
"Hello, sino to?" sabi naman ng nasa kabilang linya. Biglang kumabog ang dibdib ni Maxene pagkarinig sa boses ng nasa kabilang linya. Ang sarap pakinggan ng boses nito, .napakalamig, buong buo at maawtoridad pakinggan. Tiningnan niya ang cellphone at nakita niyang hindi nakarehistro ang numerong natawg s kaniya.

"ah---ehh..sino din ho ba kayo?" nauutal pang sagot ni Maxene dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba. Napakunot naman ang noo ni Johny ng marinig ang sagot ng nasa kabilng linya. Parang nakarinig siya ng napakalambing na boses ngunit halatang parang kinakabahan. Nagsalita na lamang siya.

"Look Miss, kung sino ka man. Wala akong pakialam s kalokohan mo. Ok?.Magtitext ka dito na pinapapunta mo ko tapos ngayon sasabihin mo kung sino ko?, Lumang taktika na yan miss para magpapansin. Bye!" sabay pindot ni Johny ng end button. Nagulat naman si Maxene sa sinabi ng nasa kabilang linya. Nainis siya bigla rito at di siya makakapayag na ganoon na lang. Nagtext siya dito.

"Hoy! lalake, kung sino ka man. Wala rin akong pakialam sayo. Kaw 'tong tatawag-tawag dito tapos sasabihin mo kung sino ko? Ang kapal ng mukha mo. Hindi kita kilala at wala akong kilala na ksing bastos mo.Antipatiko! isesend na lamang niya ito ng. "Check Operator Services!" naiinis na napasabunot siya sa ulo. Wala nga pala siyang load. Dahil gabi na natatakot na siyang lumabas, nagpasyang siyang bukas na lamang isesend ang text niya para dito. Nagconcentrate n lamang siya sa binabasa niya ngunit maya't maya naaalala niya ang boses ng lalaking tumawag sa kaniya!. Si Johny naman ay napapailing na pinatong ang cellphone at nahiga na para matulog.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon