Tanghali na ng marating ni Maxene ang bangkong pinagtatrabauhan niya.Palabas na siya ng bangko ng mag- ring ang cellphone. Landline ang gamit ng natawag sa kaniya.
"Ba't umalis ka ng walang paalam?I told you na sasamahan kita!Nasaan ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Johny ng mabosesan niya ito.
"Pauwi na sa bahay, may inasikaso lang ako dito sa opisina!Kumusta mga bata?Hindi ba nila ko hinanap?" malumanay na sagot ni Maxene.
"Hindi!Kumain ka na ba?" galit pa rin na tanong ni Johny.
"Hi-hindi pa.Pagdating na lang sa bahay, ang mga bata kumain na?"
"Hapon na Maxene at hindi ka pa nanananghalian?Umuwi ka na at ng makakain ka na, bilisan mo!" Napakunot si Maxene sa inasta nito. Para siyang bata kung pagalitan nito. "and...Maxene!.."
"Oh?"
"A-ako hinanap kita, at kinabahan ng malaman kong wala ka dito sa bahay!I----I thought iniwan mo na naman ako!" napahawak sa dibdib si Maxene sa narinig mula kay Johny. Tila sumakit bigla ang ulo niya, dahil na rin siguro sa hindi pa siya nakain.Nagtaka na naman siya sa pag-iiba ng mood ni Johny.
"Wala ka man lang bang sasabihin Maxene?" tanong ni Johny.
"Ha?"
"Okey fine!" biglang nag-iba na naman ang timpla nito. Tot-tot na lamang ang narinig ni Maxene mula sa kabilang linya.
Lakas ng topak ng lalaking yun! Nasambit ni Maxene sa kaniyang sarili.
Nagtungo na si Maxene sa bahay niya at nagluto ng makakain. Pakatapos niyang kumain nagpahinga siya saglit at saka sinimulan ang mga kailangan niyang gawin!Niligpit niya ang ibang gamit at kinuha ang ibang mga dadalhin sa San Ignacio. Hindi niya namalayan ang oras, hapon na ng matapos siya, noon lang nakaramdam ng pagod si Maxene. Naligo siya at nagbihis ngunit tila sumakit ang kaniyang katawan dahil na rin siguro sa pagbuhat niya ng ilang gamit, pinilit pa rin niyang umuwi ng hapon ding iyon.
Papadilim na, nag-aalala na si Johny dahil wala pa rin si Maxene. Nagsimula ng bumuhos ang malakas na ulan. Tinatawagan niya ito pero hindi niya macontact.
"Daddy, bakit wala pa po si mommy?" turan ni MJ
Tumabi dito si Johny. "Baka may dinaanan pa sweetie!Why don't you go upstair muna, samahan mo si JM manood ng cartoons, then tatawagin na lang kita pag dumating na si mommy!"
"Okey Daddy!" humalik muna ito s kaniya bago umalis.
Naiwang labis na nag-aalala si Johny. Dinial niya ang landline nito sa Maynila ngunit ring lang din ng ring, sigurado siyang nasa kalsada na si Maxene sa mga oras na yun. Tumayo at sinilip na naman sa labas kung dumating na ito ngunit wala pa rin.
PAPASOK na si Maxene sa San Ignacio ng bumuhos ang malakas na ulan. Nahihirapan siya sa pagdadrive dahil sa lakas ng ulan, hindi niya makita masyado ang daan! Kanina pa sumasakut ang ulo niya, pinipilit niya lamang ang sarili na makapag-maneho ng maayos. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, biglang kusang namatay ang makina ng sasakyan niya. Ikinagulat niya iyo, sinubukan niyang buhayin ito ngunit ugong lamang ng ugong. Napahampas siya manibela at yumuko doon. "God!Ba't ngayon pa!" Nag-angat siya ng paningin at luminga sa paligid, madilim wala ni isa mang sasakyan na dumaraan sa mga oras na yun. Hindi pwedeng umupo na lamang siya at maghintay ng tulong. Lumabas siya, at hinayaang mabasa ng ulan. Tiningnan niya ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit dahil wala naman siyang alam sa pag-aayos isinara ulit niya yun. May nakita siyang ilaw ng sasakyan, base sa ilaw nito ay kotse din, naghintay siya sa labas, hihintayin niya ang pagdaan nito, ngunit tila minamalas siya ng araw ding iyon, dahil imbes na dumiretso patungo sa kaniya ay lumiko ito. Napabuntong hininga na lamang si Maxene habang yakap.ang sarili dahil sa lamig! Naghintay pa siya sa labas ng ilang oras ngunit wala na siyang makitang nadaan. Nagpasya siyang pumasok, basang basa na siya sa tubig-ulan. Kinuha niya ang kaniyang bag at hinanap ang cellphone. Si Johny ang unang pumasok sa isip niya para tawagan ngunit nadismaya siya ng makitabg wala nga pala siyang number nito. Sinubukan niyang tawagan si Kathleen ngunit busy ang phone nito.
Nanlulumong linapag niya ang cellphone sa upuan. Nanunuot na sa kaniyang kalamnan ang ginaw na nararamdaman,nanginginig na siya. Ang kaninang masakit na ulo ay lalong sumakit pa iyo ngayon, sinabayan pa niya ng pananakit ng kaniyang katawan. Ng bigla niyang maalala ang number na gamit kanina ni Johny. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at tinawagan iyon. KANINA pa palakad-lakad sa sala si Johny, hawak -hawak ang kaniyang cellphone. Tinawagan na niya si Dante para tanungin ito kung tumawag dito si Maxene! Nasa ganun siyang pag-iisip ng maabutan siya ng kaniyang ina.
"Johny, wala pa rin ba si Maxene?" tanong nito habang pababa ng hagdan. Umiling lamang siya. "Do you want me to call a police para hanapin siya?Aba'y napakalakas ng ulan eh wala pa rin siya, delikado ang magmaneho sa ganitong oras, iho!"
Tumitig dito si Johny. "Maghihintay pa ko ng sandali ma, pag wala pa rin ako na mismo ang tatawag ng pulis.!"
"Okey iho, eh kumain ka kaya muna. Hindi ka sumabay sa'min kanina ah!"
"Hindi ako makakakain ma hanggat di ko nasisigurong maayos ang kalagayan ni Maxene!"
"She's gonna be okey, son!Matapang si Maxene, I'm sure kaya niya sarili niya.!"
"I don't think so, ma!May pakiramdam akong may nangyari!"
Natahimik si Johny. Tinapik ito ng kaniyang ina! At saka umalis!
Biglang nag-ring ang telepono! Tinungo niya ang kinakalagyan nito at saka inangat ang telepono.
"Hello?" turan ni Johny.
Matagal bago may nagsalita."Hello, sino 'to?" ulit ni Johny
"Jo-johny----!" aning ng paos na tinig sa kabilang linya. Nakilala niya agad ito.
"Ma-maxene? Asan ka na ba, anong oras na wala ka pa?" aning ng galit na boses ni Johny.
"I-i need your help !"
"What?Bakit,anong nangyari?Nasaan.ka ba?" tila bigla siyang kinabahan.
"Nasiraan ako ng sasakyan, I - i don't know where exactly am I..Pero nakapasok na ko ng San Ignacio!" .nanginginig na sa lamig si Maxene.
"Shit!Stay inside the car at ilock mo ng mabuti,huwag kang lalabas ng sasakyan!Pupuntahan kita diyan!And please ---Maxene, huwag na huwag kang matutulog, huwag ngayon!" Nag-aalala si Johny sa kalagayan nito, baka may masamang tao na maligaw sa gawi nito o kaya makatulog na naman ito at makulong sa loob ng sasakyan.
Nagmamadaling kumilos si Johny, tinungo niya ang kaniyang kuwarto at kinuha ang susi at jacket niya. Pababa na siya ng hagdan ng makita siya ni Kathleen.
"May riot ba kuya?San ang giyera at parang susugod ka ata?" tanong nito.
"Sumama ka sa akin Kathleen, dalhin mo ang cellphone mo!" sigaw ni Johny habang pababa sa hagdan.Nasa baba na siya bg makitang nakatayo pa rin ito sa taas. "Kathleen?"
"Bakit ba kasi Kuya?".saka bumaba ito.
Hinila na nito ang kapatid."Nasiraan ng sasakyan si Maxene ng ganitong oras.Delikado para sa kaniya ang manatili doon!And, shit!Alam mong nakakatulog siya kahit san niya gustuhin, panu kung may makakita sa kaniya doon na mga kalalakihan!"
"okey, let's go kuya!" si Kathleen pa mismo ang unang nagtatakbo papuntasa kotse ni Johny.
"Call mama and sabihin mo sa kaniyang siya muna ang bahala sa mga bata!" sabi ni Johny ng nasa sasakyan na sila at mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...