Nagmamadali ang bawat kilos ni Johny, gusto niyang makauwi ng maaga para alamin kung bakit masama ang pakiramdam ni Maxene. Alas - 5 ng hapon, naghahanda na siya sa pag - uwi. Pumasok si Brent sa kaniyang opisina.
"Why in a hurry Johny boy?" tanong nito.
Nag - angat siya ng paningin. "Masama daw pakiramdam ni Misis, pare."
"Buntis?" tanong pa ni Brent.
Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at nag - isip. "Hindi pare, wala naman siyang sinabi sakin. But, sana nga buntis talaga. " sabay kindat niya dito. "Panu, mauna na kong umuwi, ikaw na muna bahala dito." tumango naman ito at sabay na silang lumabas ng kaniyang opisina.
NAGTAKA si Johny dahil tahimik ng dumating siya sa kanilang bahay. Walang kambal na sumalubong sa kaniya o boses na naririnig man lang. Kinabahan siya, hindi kaya dinala sa ospital si Maxene? anang isip niya. Nagmamadali ang bawat hakbang niya, papanhik na sana siya ng batiin siya ng kanilang kaatulong.
"Magandang hapon ho sir!"
Tumango si Johny. "Nasaan ang maag - ina ko?" diretsong tanong niya.
"Umalis ho, kasama si Mam Kathleen!"
Napakunot - noo siya. "Umalis?San daw sila pupunta?"
"Sa bahay daw ho ng mama niyo!"
Saglit na napatigil siya, "Si Maxene, masama daw pakiramdam niya kanina.Anong nangyari?"
"Ay hindi ko ho alam, sir. Basta kanina narinig ko hong na umuwi sila ng maaga ng kapatid niyo, kasi nga daw ho eh sumama bigla ang pakiramdam kanina habang nasa mall sila." mahabang pagkukwento nito. "May iuutos po ba kayo sir?"
"Wala na, sige, salamat!" saka nagtuloy na siya sa pagpanhik patungo sa kanilang kuwarto. Pagpasok na pagpasok niya ay agad siyang tumawag sa bahay nila. Matagal bago may sumagot niyon.
"Hello!" boses iyon ni Kathleen.
"Kath, where are they?" bungad agad niya dito.
"Easy Kuya, labas ako diyan ha. Si Ate Max ang nagpasyang sumama sa'kin di ko sila kinidnap!" paliwanag ni Kathleen
"Nagtatanong lang ako Kath kung nasaan sila!I want to talk to Maxene, where is she?"
"Kasalukuyang nagpapahinga!" sagot nito
"Is she alright?Masama daw pakiramdam niya kanina. San ba kasi kayo nagpunta, pinagod mo ba?"
"O.A. ka Kuya ha, ako na naman sinisisi mo. Nakakasama na ng loob!" kunwaring nagtatampo ng sabi ni Kathleen.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...