Part 46

37 2 0
                                        

Ala sais ng umaga, nasa kalsada na ang sasakyan ni Maxene. Maraming siyang alalahanin pero isinantabi niya muna yun!Tulog na tulog sina MJ at JM ng mga oras na yun!Excited ito sa kanilang pag-uwi sa San Ignacio!

Alas 10 ng marating nila ang bukana ng San Ignacio. Binuksan niya ang bintana at hinayaang malanghap ang sariwang hangin. "Kung hindi sana nangyari ang lahat ng iyon, andito pa rin ako sa lugar na kinalakhan ko!"

Ilang sandali pa at narating nila ang mansiyon nila Dante. Bumusina.siya at dahil kilala siya ng guwardiya doon binuksan agad nito ang gate.

"Hey wake up, sweetheart!" masuyong sabi ni Maxene, hinaplos ang mukha ng mga ito!" We're here kids, Tito Ninong and Tita Ninang waiting for us!"

Naalimpungatang nag-inat si JM at dahan- dahan naman iminulat ni MJ ang mga mata."Sa wakas nakarating din tayo mom, I'm starving!" sabay hawak nito sa tiyan.

Napangiti si Maxene. "Okey, let's go inside kids!" nagkukumahog na bumaba ang mga ito. Hawak niya sa kaniyang mga kamay ang kambal at hinayaang ang yaya nito ang kumuha ng kanilang gamit.

Sinalubong agad sila nina Dante!

"Hey kids, musta ang biyahe?" lumuhod si Dante sa harap ng kambal para pantay lamang sila.

"Nakakangalay po Tito Ninong tapos si MJ po gutom na, kanina pa kumukulo ang tiyan!" turan ni JM

Napakunot noo naman si MJ, "Hey, tulog ka kaya pa'nu mo maririnig na kumukulo tiyan ko?' "nakapamewabg na sabi nito sa kakambal. Ng biglang kumulo nga ang tiyan nito. "Ooppsss!" sabay tutop nito sa bibig at hawak sa tiyan.

"haha.told yo so Tito Ninong!" humahagikhik na sabi pa ni JM

"Tita Ninang, oh!"sumbong ni MJ kay carla.

"Awat na kids, pasok na tayo sa loob!Nakahanda na ang tanghalian!"

Sabay-sabay silang pumasok at ilang saglit pa ay dumulog na sila sa hapag-kainan. "Ahm, Maxene..isasama sana namin ang kambal mamaya sa mall!"turan ni Carla.

Napaangat ng mukha si Maxene, habang pinunasan ang bibig no JM! "Ha?Huwag na kayo na lang, aantukin na ang mga ito kasi-- napagod sa biyahe!"

"Yun ba talaga ang dahilan kaya ayaw mo pasamahin?"turan ni Carla. Napatitig lamang si Maxene dito. "Don't worry Max, hindi sila makikita ni Superman!"

"Superman?"takang tanong ni Maxene.

"Superman---the father of spy kids!" sabat kindat nito. Siniko naman ito ni Dante.

"Babe, kelan pa naging anak ni.Superman ang mga spy kids?Ba't di ko ata napanood ang movie na yan!"nang-aasar na sabi ni Dante.

"Heh!Shut -up Babe!"sabay nito kay Dante.Napangiti na lamang si Maxene. "Maya-maya ha Max?"

Tumango na lamang siya!Iwinaglit sa isip ang inaalala niya!

TUWANG-TUWA ang mga bata habang paalis sila.

"Bye mom!" humalik kay Maxene si JM

"Papasalubungan ka na lang namin ha, mom?"sabi naman ni MJ

"Talaga, sweetheart?Uhmp..let me think, anong papasalubong mo kay Mommy,." sandaking nag-isip kunwari si Maxene. "Aha!"sabay pitik ng daliri sa harap nito."A hug and kisses right, kids?" nagpalipat-lipat ang tingin niya dito. Napahagikhik naman ang mga ito.

"How did you know , mom?" magkapanabay na turan nito.

"'Coz mommy know's both of you already!And now, give me a power hug and kiss!" sabay yakap at pinupog siya ng halik ng mata ito.

"Okey kids, sakay na!"awat ni Carla dito.

"Uwi kayo agad, ha Carla, Dante?" bilin ni Maxene.

"Nye, di pa nga kami naalis!"tudyo naman ni Carla.

Ngumiti si Maxene."ingat sa pagmamaneho, Dante.Huwag niyo bibitawan ang mga yan ha?"tumango ito."Bye sweethearts,mwah.mwah!"ngflying kiss siya sa mga ito."behave, okey?" kaway niya dito ng umandar na ang sasakyan.

"Bye mommy!"sigaw ng kambal.

Tinanaw niya ang mga ito hanggang mawala sa paningin niya. Pumasok siya inayos ang kanilang gamit.

NANG nasa kalsada na sila Dante, may tinext si Carla. "We're on our way!See yah!"

Nagreply naman agad ang kaniyang tinext. "I'm here already, dying to see them, and feeling excited!"

Napangiti si Carla at saka nagkakaunawaang tumingin kay Dante.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon