Part 56

64 3 1
                                    

"Bakit kasi hindi mo pa ipagtapat sa kaniya Kuya kung ano ba talaga ang totoo.Hindi mo siya linoko kuya, pareho lang kayong naging biktima!" turan ni Kathleen ng lumapit sa kaniya ang kapatid habang naglalaro naman ang kambal.

Walang makuhang sabihin si Johny. Nakatitig lamang siya sa kaniyang mga anak!

"Dont let her go Kuya!"

"Ofcourse, I won't Kath!Gusto ko lang malaman kung nandun pa rin ang pagmamahal niya sa'kin at kung wala, then gagawin ko ang lahat para mahalin niya ulit ako.!" turan ni Johny.

Napapitik ng kaniyang mga daliri si Kathleen."Sus,dami mo pa kasing arte Kuya eh, kung di mo makuha sa pa-gentleman effect mo, e di daanin mo sa santong paspasan!Sabihin na nating hindi ka na niya mahal,!"tumingin ng masama si Johny dito. Itinaas naman ni Kathleen ang kaniyang kamay. "Oh chill, halimbawa lang yun!Sabihin na nating ganun nga, eh di kong hindi ka na mahal, ligawan mo ulit. Kung ayaw niyang tumira sa iisang bubong na kasama ka, eh di ibili mo sila ng bahay, doon mo patirahin, at doon mo ligawan kasama ng mga anak niyo!Pero sabihin mo, dito lang sila sa San Ignacio.Huwag sa Maynila, maraming guwapo dun, marami kang kaagaw!" tumingin ng nakangiti si Kathleen dito at napakunot naman si Johny."hehehe..joke lang!" sabay peace sign ni Kathleen. "Syempre ikaw pa rin ang pinakagwapo!"

Matamang nakatitig si Johny sa kawalan. Iniisip ang mga sinabi ng kaniyang kapatid.

Samantala, malalim pa ring nag-iisip si Maxene. Kailangan niyang bumuo ng desisyon!.Tumayo siya at naglakad palabas ng kuwarto para puntahan si Johny at ang kambal.

"Mommy..." sigaw ng kambal ng makita siyang papalabas. Nginitian niya ang mga ito at naglakad sa patungo kanila Johny.

"Jo-johny!" agaw-pansin niya dito. Liningon lang ito saglit ni Johny at ibinalik ang tingin sa kambal.

Umupo si Maxene sa tabi ni Kathleen.

Hindi niya alam kung pa'nu sisimulan ang sasabihin dito. "Ahm---alam mong hindi ako papayag na mahiwalay sa'kin ang mga anak ko--!"

"Anak natin Maxene!" biglang sabi ni Johny.

Bumuntong hininga siya. "O-okey..a--anak natin!.Kung maaari sana, uuwi muna kami sa bahay nila Dante---"

Tumingin bigla sa kaniya si Johny. "Para saan pa Maxene?"

"Nakikita mo naman siguro na wala kaming bibihisan---" tugon ni Maxene na agad naman sumabat si Johny.

"Then, mamimili tayo ng gamit niyo!" turan naman ni Johny. Tumingin si Maxene sa kaibigan, parang gusto niya ipaalam dito na konti na lang maiinis na naman siya sa kapatid nito. Tumango lamang ng bahadya si Kathleen at saka masuyong hinaplos ang kaniyang likod,parang ibig ipahiwatig nitong pagpasensiyahan na niya muna!

"Payag na ko sa gusto mo Johny..Titira kami dito sa San Ignacio at dun kami titira sa dating bahay namin at habang hindi pa nalilinis iyon, dun na muna kami kanila Dante!"

Tumayong bigla si Johny,naglakad paalis, at pumasok sa loob ng bahay nila. Naiwang nagtataka naman ang magkaibigan kung bakit biglang nag-walk-out ito.

"Pag-pasensiyahan mo na muna si Kuya, Ate Max.Ganiyan talaga pag-nag-memenopause na!"pagbibiro nito dahil pilit pinapangiti ni Kathleen ang kaibigan. Ngumiti lamang ng bahagya si Maxene.

"Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon Kath, litong-lito ko!"

Hinawakan ni Kathleen ang kamay ng kaibigan."May dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa inyo Ate Max, maaring sa ngayon hindi pa natin alam ang kasagutan. Pero darating at darating ang oras na ang dahilan nito ay magbibigay satin ng labis na kaligayahan. " At masuyong hinaplos-haplos ang kamay nito.

Bumalik si Johny at walang sabi-sabing kinuha ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Kathleen. Napatingala ang magkaibigan dito.

"Let's go!"sabay hila ni Johny sa kaniya patayo.

"Ha?Sa-saan?" labis na pagtataka ni Maxene. Ngunit di siya nito sinagot. Sa halip, tinawag nito ang kambal.

"Hey, sweethearts..may pupuntahan lang kami ni mommy, ha?" turan ni Johny dito.

Tumakbo ang kambal papunta.sa.kanila"Where Dad?Pwede po ba kami sumama ni JM!" si MJ ang nagsalita.

"Nope Baby, si Tita Kath muna mag-aalaga sa inyo ha?" yinuko ito ni Johny at saka hinalikan sa noo.

"Okey po!" turan naman ng kambal.

Hinila na ni Johny si Maxene at naglakad patungo sa kotse. Binuksan niya ang pinto sa driver side para pasakayin ngunit tumutol ito at hinila ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

"San ba tayo pupunta, ha?" galit na.tanong ni Maxene.

"Get in Maxene!" matigas na utos.ni Johny.

"No!" at saka naglakad pabalik si Maxene. Sinundan ito ni Johny at walang sabi-sabing binuhat siya nito. Nagpapalag ng husto si Maxene.

"Bitawan mo ko!" saka hinahampas siya nito. Inilang hakbang lang ni Johny ang kinatatayuan nila at kinapaparadahan ng sasakyan at ipinasok dun si Maxene sabay sara ng pinto.

Pagpasok ni Johny sa kotse, bigla siyang sinuntok ni Maxene na labis.na ikinagulat niya habang sapo ang kaniyang panga.

Nagulat si Maxene sa inakto niya, di niya akalaing ganun kalakas ang suntok niya!Tutop ang bibig habang napamulagat siya. "A--I'm sorry..Di ko sinasad---".hindi na naituloy ni Maxene ang kaniyang sasabihin dahil sinibasib na siya ni Johny ng halik. Humigpit ang pagkakahawak niya sa upuan, dilat na dilat ang kaniyang mg mata. Ngunit bakit habang tumatagal ang halik na yun ay napapapikit siya, at habang ang kaninang marahas na halik ay unti-unting nagdudulot sa kaniyang ng kakaibang pakiramdam.Bakit tila nagugustuhan na niya ito. Hindi niya namalayang ang kaninang nakahawak niyang kamay sa upuan ay nasa batok na ngayon ni Johny. Tumutugon na siya sa halik nito at nagbibigay kiliti ang malikot nitong kamay sa kaniyang likod na dumadaloy sa bawat himaymay ng kaniyang mga ugat.

Ang balak ni Johny ay parusahan ito sa pagsuntok sa kaniya, ngunit bakit siya ngayon ang pinaparusahan dahil ayaw na niyang pakawalan ang mga labi nitong bihag naman ng mga labi niya. Nang tugunin nito ang kaniyang halik at humawak pa ito sa batok niya ay lalong naging mapusok ang paghalik niya dito. Tumagal ang halik na yun hanggang siya na rin mismo ang tumapos. Pinakawalan niya ang labi nito ngunit magkadikit pa rin ang kanilang mga mukha at titig na titig sa bawat-isa. Labis ang tuwang nadama ni Johny ng mga oras na yun dahil alam niyang mahal pa rin siya nito, hindi sinasadyang nagbigay iyon ng ngiti sa kaniyang labi.

Ng makita ni Maxene ang ngiti ni Johny ay bigla siyang natauhan. Lumayo siya dito at umayos ng pagkakaupo!

" That's what you deserve sa pagsuntok sa'kin sweetheart, but please...next time na gusto mong matikman ulit ang halik ko, pwede mo namang sabihin nalang sa'kin, hindi yung dinadaan mo pa sa marahas na pamamaraan!"at pinaandar na ni Johny ang sasakyan

Inirapan ito ni Maxene ."Wish mo lang!hmp!" at sabay humalukipkip na lamang siya. Napangiti na lamang si Johny sa pagtataray nito.

"San mo ba talaga ko dadalhin ha?" maya-maya ay turan ni Maxene na hindi tumitingin kay Johny.

"Bakit sweetheart, san mo ba gustong dalhin kita?" biro naman ni Johny dito.

Hindi pinansin ni Maxene ang pang-aasar nito. Nakapagpabagabag sa kaniya ang paiba-ibang mood nito. Minsan sweet, bastos, mahinahon at suplado. Napabuntong-hininga na lamang siya, isinandal ang ulo at ipinikit ang mga mata.

Napansin ni Johny na naiinis na ito sa kaniya. "kukunin natin ang mga gamit niyo sa bahay nila Dante!" biglang sabi ni Johny.

Idinilat ni Maxene ang kaniyang mga mata. "Ha?Bakit?"

"Doon kayo titira sa bahay!" seryosong sabi ni Johny.

"Ha?But, Johny----!"

"No but's Maxene!" at hindi na nagsalita pa si Johny.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon