Part 28

42 1 0
                                        

Ala una ng madaling araw ng magising si Maxene ng sigaw ni Aling Tina. Nagkukumahog na pinuntahan niya ito sa kuwarto.

"Nay ano hong nangyari?" nakapamaluktot ito sa may gilid ng kama.Hawak ang ulo nito. " Nay, dadalhin ho namin kayo sa ospital.!"walang tigil sa kakasigaw ang ina ni Maxene. Pinuntahan niya ang kapatid.

"Dan, gising puntahan mo si Doro. Sabihin mo rerentahan natin.ang tricycle niya, namimilipit sa sakit si Nanay!" kumaripas ng takbo.si Dandan. Inihanda ni Maxene.ang ilang gamit na dadalhin.niya sa ospital.

Pinuntahan niya ang ina, " Nay sandali lang ho, paparating na ho ang sasakyan.!" naiiyak na si Maxene dahil sa nakikita. Nagsisigaw ang kaniyang ina, ni hindi niya ito makausap, nagkalat na ang ilang gamit sa loob ng kuwarto nito.

Biglang tumigil ito sa pagsigaw ngunit sapo pa rin ang ulo, tumingin ito sa kanya.Tila nahingi ng tulong, namumutla ito. "Anakkkk?...." at bigla na lamang nawalan ng malay si Aling Tina.

"Naaayyyyyyy!" sigaw ni Maxene, ilang sandali pa at dumating na ang sasakyan.Pinagtulungan nilang buhatin si Aling Tina at dinala ito sa ospital!

Samantala, tila naalimpungatan naman si Johny. Bigla siyang paang binuhusan ng malamig na tubig. Iminulat niya ang kaniyang mga mata, tumingin sa paligid. Nagtaka siya kung bakit iba ang kuwartong tinulugan niya. Ngunit.higit na ipinagtaka.niya ay kung bakit katabi niya si Ysabel.Bumangon siya, at nakaramdam ng pananakit ng ulo.

Inisip niya ang nangyari kagabi, ang tanging huling naalala niya ay ng magpunta siya sa CR, pagbalik niya ay uminom pa siya at ang mga sumunod na nangyari ay hindi na.niya alam. Tiningnan ang orasan, ala 5 ng madaling araw."Shit!" sa loob -loob niya.Tuluyan na siyang bumangon,noon lamang niya napansin. Walang suot na damit si Ysabel tanging underwear lamang suot nito at ganoon din siya, tanging ang pang-ibabang suot lamang ang natira sa kaniya! Mabilis niyang kinuha ang kaniyang damit at isinuot ito, saka nagising si Ysabel.

"Hey Babe, what time is it?"Bumangon ito at lumapit sa kaniya."Did you enjoy last night, uhmp, Johny?!" naalimpungatan pang sabi ni Ysabel.

"Damn you Ysabel, wala akong alam sa sinasabi mo!" nagmamadaling sabi.ni Johny.

"Okey!'nyway nag-enjoy ako. Sabihin na nating pabaon ko na sayo ang ngyari!" balewalang sagot ni Ysabel.sa kabila ng galit na anyo ni Johny.

umiling si Johny."Baliw ka na Ysabel!"

"Yes,I'm crazy!Baliw sa.isang lalaking tulad mo" lumapit ulit ito s kaniya, nangunyapit sa kaniyang leeg at saka siya hinalikan sa labi. Ngunit itinulak ito ni Johny.

"Stay away from me, from us Ysabel!" galit na galit na sabi ni Johny.Ipinagkibit balikat lamang ito ni Ysabel. Umalis si Johny ng walang lingon-likod.

"Bye Babe, see you when i see you! hindi ito pinansin ni Johny at tuloy-tuloy ng lumabas. Napatingin naman si Ysabel sa camera na nasa ibabaw ng lamesa at saka napahalkhak.na tila nababaliw.

"Tingnan lang natin kung hindi sayo mamunghi Johny ang babaeng kinababaliwan mo!" nasabi ni Ysabel.sa kaniyang sarili.

Sa loob ng sasakyan ni Johny,"Damn!Damn!Damn that woman!" galit na sabi ni Johny sabay hampas sa manibela. Kagabi pa niyahindi tinext si Maxene, hindi niya alam kung sasabihin kay maxene ang ngyari."Shit!walang nangyari sa'min nibYsabel" nasabi niya sa kaniyang sarili.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon