Nasa swing sa may garden ng mga oras na yun si Johny. Nakahiga siya doon, nakatulala at naalala naman niya ng makitang natutulog si Maxene. Mahigit tatlong taon na ang nakakaraan pero parang sariwa parin sa isip niya ang mga alala ni Maxene.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata! "Bumalik ka lang ngayon sabihin sa'king ako ang mahal mo at hindi si Dante, kakalimutan ko ang lahat na masasakit na nangyari sa atin.Tatanggapin kita ng buong-buo." Sabi ng utak niya, huminga ng malalim si Johny."Pero kailangan ko na sigurong tanggapin na kailanma'y ay hindi ka na magiging akin Maxene!"sabi ng kaniyang utak. Gising siya pero nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata, ng marinig niyang dumating si Kathleen. Nagmulat siya ng mata at napakunot -noo ng makitang parang ang saya-saya ng kapatid niya, samantalang kanina lang eh inis na inis ito. Pasipol-sipol at pakanta-kanta pa si Kathleen ng pumasok.Dumiretso siya sa kusina, ilinapag ang hawal na litrato sa mesa at kumuha ng malamig na tubig. Kanina pa siya nauuhaw.
Sinundan ni Johny ang kapatid, nakita niya ito sa kusina. Magsasalita na sana siya ng makita ang larawan sa mesa. Kinuha niya iyon at pahapyaw na tiningnan saka nagsalita. "Sino ang mga ito, Kath?" sabay taas sa larawan.
Nagulat naman si Kathleen at napaubo! "Ba't ka ba nang-gugulat kuya!"sabi niya ng makabawi.Napamulagat ito ng makitang hawak ni Johny ang larawan. Inilang -hakbang niya lamang ang pagitan nila at pahablot na kinuha iyon mula kay Johny. "Ba't ka ba nakikialam ng gamit kuya!" naiinis na sita niya dito.
Napakunot-noo naman si Johny."Kanina ginulat kita, ngayon naman nangingialam ako ng gamit mo!" napailing si Johny. "Ang O.A. mo Kathleen Faye.Linapag-lapag mo dito tapos sasabihin mo nangingialam ako, eh sino ba kasi yan, patingin nga!" Mabilis na ilinagay ni Kathleen sa kaniyang bulsa ang picture!
"Ahm--huwag na, di mo naman ito kilala, saka a-ano, kuwan, mga inaanak ko 'toh!Oo tama, inaanak ko hiningi ko sa kaibigan ko!Sige kuya, akyat na ko!"mabilis na umalis si Kathleen. Naiwan namang nagtataka si Johny.
"Problema ng babaeng yun!" bulong niya sa kaniyang sarili. Pagdating ni Kathleen sa kaniyang kuwarto, napasandal siya sa pinto at napahawak sa dibdib."Muntik ka na Kathleen, napakaburara mo talaga!" sabi niya sa kaniyang sarili sabay tampal sa noo.
Samantala, maagang nakauwi si Maxene. Naabutan niyang naglalaro ang dalawa.
"Hi kids, andito na si mommy!" sabay lingon ng dalawa at nag-uunahan sa paglapit sa kaniya.
"Mommy!"sigaw ng dalawa habang patakbong lumapit sa kaniya.Hinalikan niya ang mga ito.
"Mommy, totoo po ba na sabi ni yaya pupuntahan natin si tito ninong and tita ninang sa San Ignacio?"tanong ni JM habang nakayakap sa kaniya.
"Yes sweetie!Dadalawin na din natin si Lola!"sabay gulo ng buhok nito.
"Yes!"pasigaw na sabi ni JM at saka bumalik sa paglalaro. Naiwan naman si MJ.
"What's wrong sweetie MJ?"tanong niya dito.Kinalong niya ito.
"Kelan po uuwi si Daddy?" out of the blue na biglang tanong nito. Hindi agad siya nakapagsalita.
Inipit niya sa tenga nito ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ni MJ. "Bakit sweetie, ayaw mo na ba na si Mommy ang kasama mo?"
"Hindi po sa ganun, gusto ko lang po maranasan na makasama minsan si Daddy!" malungkot na sabi nito.
Hinalikan niya ito sa noo.Sinubukan niyang ibahin ang usapan "My surprise ako sa inyo ni JM!"
"talaga po?" natuwa si Maxene na hindi na nagtanong pa si MJ tungkol sa ama nito, napanatag ang loob niya.
"Tadaaann!" isa iyong maliit na manika, dahil paborito ni MJ ang tulad nito!"Yeheyyy, madadagdagan na naman ang manyika ko!Thanks mom!"yumakap ito sa kaniya at saka pumunta sa kapatid.
"Look JM, bigay sa akin ni Mommy!" narinig niyang pang-iingit nito sa kapatid. Nagtatakbo naman pabalik sa kaniya si JM.
"Ako mommy!ako, ano bigay mo sa akin!" nagtatatalon na tanong nito sa kaniyang.Kinuha niya mula sa paper bag ang isang robot.
"Syempre meron ka din, pwede ba namang wala!tadaaaan!" nagtatatalon sa tuwa si JM at saka naglaro na ulit.
Malalim na napabuntong-hininga si Maxene. Nababahala siya dahil tila matanong na ang kambal tungkol sa ama nito, lalo na si MJ. Dahil siguro sa ito ang naunang lumabas, parang matanda ito kung mag-isip samantalang si JM naman ay batang-bata pa rin kung kumilos. Napukaw ang pag-iisip niya ng tumunog ang cellphone niya.
"How's MJ and JM?Kelan kayo pupunta dito?Remember, saturday night ang party!" ang mensaheng natanggap niya mula kay Carla.
Nagreply siya dito."Okey lang sila, MJ asked me about her father a while ago!Buti na lang nakalimutan ng bigyan ko ng manika!Friday or Saturday morning siguro andiyan na kami!"
Nagreply agad ito. "I told you already na they kept on asking about that guy!Mula ngayon, mag-isip ka na ng mga isasagot sa mga yan." Napatitig siya sa kaniyang cellphone at hindi na nagreply dito dahil sesermunan na naman siya nito.
TINAWAGAN ni Kathleen ang kaniyang ina. "Ma?"sabi niya ng marinig ang boses nito."Kailangan mong umuwi dito sa Pilipinas, asap!"
"Bakit anak, ikakasal ka na?"biro ng kaniyang ina.
"Ofcourse not, ma! Tungkol sa nalalapit na 4th birthday ng mga apo mo!"
"Oh my God Kathleen, kelan ka pa naglihim sa akin?Pinalaki kita ng maayos at may takot sa Diyos, panu mo nagawang maglihim sa akin.ng ganoon katagal, at "mga" pa.Bakit, ilan na ba agad anak mo ha?Nasaan ang magaling na ama ng mga yan at hindi man lang ako iginalang." sunod-sunod na sabi ng kaniyang ina.
Itinirik ni Kathleen ang kaniyang mga mata at napakamot sa ulo."Ma, will you please listen first? "
"Okey, ipaliwanag mo ng maige!"
"Anak ni kuya ang tinutukoy ko at -----!" hindi pa tapos magsalita si Kathleen ng sumingit na naman ang kaniyang ina.
"May naanakan si Johny?"gulat na tanong nito.
"Ma, just listen,okey?"naiinis ng sabi ni Kathleen.Natahimik ang nasa kabilang linya at sinamantala iyon ni Kathlee."May anak si Kuya kay Ate Maxene, last day ko lang din nalaman. Pero hindi pa alam ni kuya ang tungkol doon.Next month mag-fo-4th bday ang kambal, kaya kailangan mong umuwi dito.!"
"Kambal ang apo ko at mag-aapat na taon na?My god!Where's Maxene, ibigay mo sa kaniya ang telepono!"
"Ma, hindi ko pa alam kung nasaan si Ate Max at sa larawan ko pa lang nakikita ang kambal and take note ma, female version ni kuya ang babae and yung lalaki si Ate Max ang kamukha!"
"I'm so excited to see them, pero paanong ngyari na----!".
"Pag-dating mo na dito Ma ikukwento ko ang lahat!And ma, please huwag na huwag mong sasabihin kay kuya ang pinag-usapan natin ngayon kung gusto mo pang makita ang mga apo mo!" pakiusap niya dito.
"Okey anak, uuwi agad ako diyan!" Ilang sandali pa at tinapos na ni Kathleen ang usapan nilang mag-ina. Excited siyang makita si Maxene at ang kaniyang mga pamangkin. May napag-usapan na sila ni Dante at Carla na hakbang para magkausap ang kapatid niya at si Maxene.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...