Pabalik na sa opisina si Johny. Nagkita sila ni Ysabel para ibalita ang tungkol sa ama ng ipinagbubuntis nito. Kasalukuyang nasa Davao ang lalaki, at nakausap niya iyon. Hindi ito naniniwalang ito ang ama ng ipinagbubuntis ni Ysabel. Kaya naman kaninang nagkita sila nito ay napaiyak na lamang ito. Napailing na lamang siya. Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan at tinungo ang kaniyang opisina. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa at nakita ang missed call ni Maxene at ang text nito. Tinawagan niya ito.
KADARATING lang nina Maxene at Kathleen, agad na sinalubong sila ng kambal.
"Mommy...Tita Ganda!" magkapanabay na sigaw ng mga ito na agad yumakap ang bawat isa sa kanila.
"Hello kids, hindi nakabili ng pasalubong si Tita eh. Sumama kasi pakiramdam ng mommy niyo kaya umuwi kami agad." sabi ni Kathleen sa mga ito at agad na lumapit kay Maxene.
"Are you okay now, mom?"ps tanong ni MJ. At yumakap naman sa kaniya si JM. Tumango siya at masuyong hinaplos ang buhok ng mga ito.
"How's your day, kids?" matipid na tanong niya sa mga ito. Sasagot sana ito ng tumunog ang kaniyang cellphone. Si Johny ang natawag, "Hello?" turan niya.
"Why are you calling sweety, may problema ba?" tanong ni Johny.
Nag - init ang dugo ni Maxene. "Bakit, kapag may kailangan lang ba pwedeng tumawag?"
Napakunot - noo si Johny. "Oooh..easy sweetheart, I'm just asking. Kahit oras - oras o minu - minuto mo pa ko tawagan ayos lang sa'kin."
Napatingin si Maxene kay Kathleen at napataas ito ng kilay at napangiti ng marinig ang pag - susungit niya sa lalaki at parang nanunukso pa ito. Inirapan niya lamang ang dalaga at nagpatuloy sa pakikipag - usap kay Johny. "Kaya pala busy ang phone mo ng tinatawagan kita at hindi ka nagrereply sa text ko. Bakit nasaan ka ba ngayon?"
"Sa opisina, why dadalawin mo ba ko, uhmp?" lambing ni Johny sa kabila ng kasungitan nito.
Sinungaling, galing ka sa babae mo! yun sana ang nais isagot ni Maxene ngunit iba ang lumabas sa kaniyang bibig "Uhmp. Bakit, may sakit ka ba para dalawin ka?"
"hahahaha!" narinig niyang tumawa si Johny, napikon siya dito.
Ang walanghiya, pinagtatawanan lang ako! nasabi na naman niya sa kaniyang sarili
"Ang sungit naman ng paglambing mo sa'kin sweetheart" panunukso pa nito
"She's not feeling well Dad!" narinig niyang sigaw ng isa sa kambal na ikina -kunot noo niya.
"Your not feeling well Max?Uuwi ako as soon as matapos ang ginagawa ko dito, just rest okey?" nag - aalalang tanong niya.
"Ewan ko sayo!" sagot niya. Sabihin mo ayaw mong iwanan babae mo! sabi na naman niya saka naiinis na pinatay ni Maxene ang cellphone. Habang kausap niya ito nawawala ang pagdududa niya, pero sa tuwing maaalala niya ang nakita kanina ay napapalitan ng galit ang nararamdaman niya. Siniko siya ni Kathleen.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...