Part 64

43 2 1
                                    

Hindi makausap ni Johny si Maxene na silang dalawa lamang, kung hindi ang mama niya ang kausap nito, minsan naman ay si Kathleen. Kanina pa niya ito gustong ikulong sa kaniyang kuwarto at huwag hayaang may umistorbo sa kanila.

Dumating ang oras na kailangan na.nitong patulugin ang kambal sa tanghali. Nakapamulsa siyang nakatayo sa pinto habang nakatitig sa kaniyang mag-iina.

"Matagal pa ba silang antukin.sweetheart?" turan niya dito. Liningon siya nito at sininyasan na huwag maingay. Tumahik siya at umupo na lamang. Nakita niyang humiga si Maxene sa gitna ng kambal. Linapitan niya ito at nameywang sa harap nito.

"sweetheart?" babala niya dito.

"Hmp?" mahinang sagot ni Maxene

"Don't tell me na diyan ka matutulog?"

"What's wrong with that Johny?Inaantok ako!" tipid na sagot pa ni Maxene habang ipinikit ang mga mata.Umupo si Johny at hinaplos ang ulo ni Maxene.

"Sweetheart, kanina pa ko naghahanap ng timing na masolo kita, tatlong taon kang nawala sa'kin at ngayong nagbalik ka, ilang oras pa lang kitang nakakasama ng hindi tayo nag-aaway at ng tayong dalawa lang, tapos ngayon tutulugan mo ko?Nakakatampo ka na ha, Maxene!Magdamag akong puyat sa kakabantay sayo tapos----" hindi naituloy ni Johny ang sasabihin.

"Tapos pinagod mo po ako kanina Johny!" putol ni Maxene sa sasabihin ni Johny habang nakangiting nakapikit ang mga mata.

"sweetheart naman.....ako nga ang pagod eh, halos ako lang ang gumawa!" turan ni Johny habang linapit ang mukha sa mukha ni Maxene.

"Johny, maiipit mo si MJ"

Biglang inangat ni Johny ang mukha. "Doon ka na kasi sa kuwarto ko matulog!" maktol pa ni Johny.

"Ayow ko!Tinatamad na ko bumangom at hindi ako makakatulog doon!" sagot pa ni Maxene.

"Bubuhatin kita, sweetie!"

"No!" tipid na sagot ni Maxene.

"Ah ganun!" walang sabi-sabing binuhat ni Johny si Maxene na ikinagulat nito.Pinandilatan ito ni Maxene "Wala ka ng rason para sabihin mong tinatamad kang bumangon, sweetheart!" sabay kindat ni Johny at dinampian ng isang mabilis na halik si Maxene. Anyong ihahakbang na sana ni Johny ang kaniyang mga paa habang buhat ito ng biglang bumukas ang pinto!

"Hey!ano yan, nagpapractice?" panunukso ni Kathleen ng makita ang itsura nilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito Kathleen Faye?" nakasimangot na tanong ni Johny.

"Ibaba mo muna ko Johny!" bulong naman ni Maxene sa kaniya. Ibinaba naman niya ito.

"kathleen?" balik tanong niya sa kapatid.

"Yes, kuya?" turan nito na nakangiti ng pagkatamis-tamis.Tila aliw na aliw sa nakikitang itsura ng kapatid. "Chill kuya!Higiramin ko saglit ang irog mo!"

Lalong napakunot - noo si Johny at matigas na tumanggi. "No!"

" Wow!Ang damot mo ha, Kuya!And besides---"

"kanina pa kayo magkausap,ano pa bang pag-uusapan niyo?"putol pa ni Johny sa sasabihin nito.

Nangingiti na lamang si Maxene sa nakikitang pagkapikon nito.

"nakalimutan mo na ba Kuya, manonood kami ni Ate Max ng sine!"

"No!Kagagaling lang niya sa sakit, baka mabinat siya!" tanggi pa ni Johny.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon