Uwian na nila Max, palabas pa lamang sila ng gate ng matanaw na nila si Johny. "Ang gwapo talaga ng mokong na ito, kung di lang ninakaw nito ang 1st kiss ko, magkakasundo kami!" sa loob - loob ni Maxene.
"Hi kuya!,.ang aga mo ah!" sabi ni Kathleen sa kapatid. Samantalang si Johny naman ay magkasalubong ang kilay na nakatingin kay Maxene at s katabi nitong si Dante. Nagtitigan ang dalawa nv makahalata si Maxene at Kathleen ng tensyon sa dalawang lalaki.
"ah--eh Dante, sabay ka na samin, ihahatid namin si Ate Maxene sa kanila." naaalangang sabi ni Kathleen.Ng seryosong magsalita si Johny
"Baka nakakalimutan mong dala mo ang kotse mo Kathleen." at tumingin si Johny sa kapatid.
Napakamot naman sa ulo si Kathlee. "Ay, oo nga pala!Anu ba yan,.di bale ikaw nalang ihatid ko Dante sa inyo.!" natatarantang sabi ni Kathleen
"May motor ako Kathleen at di mo na kailangang ihatid ako.!" seryosong sagot ni Dante at tumingin ito kay Maxene. "Pano Max, sabay ka na sakin?Hatid na kita sa inyo?".
"Don't bother pare, ako na ang bahalang maghatid kay maxene.Kanina pa namin napag-usapan yun at isa pa, delikado sa babae ang sumakay sa motor ng nakapalda.!" maagap na sagot Johny ng hahawakan nito Maxene para umalis. Tumingin naman si Maxene s kaibigang si Kathleen na parang nahingi ng tulong kung ano ang sasabihin sa dalawa.
"Oo nga pala Dante, nakalimutan namin sabihin sayo kanina. Nakasabay kasi naming kumain si Kuya kanina.!"si Kathleen
"Ah ganun ba?, sige mauna na ko s inyo. " Tumalikod na ito, sumakay sa motor niya at pinaharurot ito.
Hinawakan naman ni Johny si Maxene sa kamay at saka naglakad papunta sa kaniyang sasakyan. "Sumakay ka na sa kotse mo Kathleen at diretso ka ng umuwi sa bahay. Ako ng bahala kay Maxene."
"Ha?Kuya naman,.akala ko ba kasama ko s lakad niyo?Susundan ko na lang kayo.!" reklamo naman ni Kathleen
"Just do what I say Kathleen!" Binuksan ni Johny ang kotse at maingat na pinasakay si Maxene. Nasa loob na sila ng kotse ng magsalita si Johny.
"Ayow kong makikita kang nakasakay sa motor Maxene,or else hihilain kita pag nagkataon.!"seryosong sabi ni Johny.
"wala kang karapatang pagbawalan ako Johny.!"
"Sa ngayon wala Maxene at hindi kita pinagbabawalan. Inaalala ko lang ang kaligtasan mo.!" saka pinaandar ni Johny ang kotse. Parang gustong kiligin ni Maxene sa sinabi nito ngunit binalewala niya lang yun. Nasa kalagitnaan na sila ng byahe ng magsalita ito.
"Boyfriend mo na ba si Dante?"
Tiningnan ito ni Maxene saka nagsalita. "Kung boyfriend ko si Dante, eh di sana wala ako ngayon dito sa loob ng sasakyan mo."
Nagkibit balikat si Johny. "eh ba't kung makahawak sayo eh parang pag-aari ka niya.!"
"Ganon ka rin humawak.sakin Johny!" diretsong sagot ni Maxene ng mapag-isip niya n ganoon ang naisagot niya. Lumingon siya dito at nakita niyang tila ngumiti ito.
"Co'z from now on Maxene, akin ka lang at ako lang ang may karapatang humawak sayo!" walang lingon na sabi ni Johny.
Napahawak naman si Maxene sa kaniyang dibdib. "My God!aatakehin ata ako sa puso sa mga hugot line ng lalaking 'to. Kung di ka lang magnanakaw ng halik kikiligin ako sayo!" nasabi niya sa kaniyang sarili at saka tumingin na lamang sa dinadaanan nila. Sa sobrang pag-iisip ni Maxene di niya napansing nakarating na sila kay Aleng Bebang. Hininto ni Johny ang sasakyan , lumabas ito at saka pinagbuksan siya ng pinto.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
Lãng mạnIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...
