Humahangos na dumating si Dante, nakita niya si Dandan nakayuko at iyak ng iyak sa dulo ng upuan.
"Dan?Anong nangyari, nasaan si Maxene si Nay Tina?" sunod - sunod na tanong ni Dante.
Nag-angat ng paningin si Dandan,
" Wa-wala na ang ii--inay Kuya Dante, iniwan na niya kami ni ate!" patuloy na pag-iyak ni Dandan. Nabigla naman si Dante dahil nakausap pa ito ni Maxene kanina.
" Si Maxene nasaan?" tanong ulit niya
"Nasa kabilang kuwarto kuya, hinimatay si ate kanina ng bawian ng buhay si Nanay!"lumabas ang doktor mula sa kuwartong pinagdalhan kay Maxene.Agad iting nilapitan ni Dante
"Dok kumusta ho ang pasyente?"
"Okey na siya iho, kailangan lang niyang magpahinga. Natural sa buntis ang ganiyan at nakasama pa dito ang nangyari sa nanay niya!"
"Buntis ho Dok?"tanong ni Dante, nagkatinginan sila ni Dandan.
Tumango ang doktor, " 4weeks pregnant!" sabi ng doktor. " And about sa nanay niyo iho, ginawa na namin ang lahat pero kumalat na ang kanser sa utak niya. Nasa last stage na ng kanser at dahil hindi ito naagapan agad, lumala ito ng lumala hanggang sa hindi na makayanan ng katawan ng inyong ina!I'm sorry iho!"
Pinuntahan ni Dante si Maxene, tinitigan niya ito at ilang saglit pa ay nagmulat ng mata si Maxene!
"Dante?Ang inay, buhay siya diba?" hindi makasagot si Dante."sabihin mong buhay pa si Nanay, sabihin mo!" umiiyak na sabi ni Maxene, anyong babangon ito ngunit pinigilan ni Dante!
"magpahinga ka na muna Maxene, makakasama sa baby mo!"
"paanong--?" nagtaka si Maxene kung pano nito nalaman.
"sinabi ng doktor!"lumapit si Dante at hinaplos ang buhok ni Maxene. "you don't deserve all of this Max, anong balak mo ngayon?" gustong maawa ni Dante sa sitwasyon ni Maxene ngayon.
Napaiyak na naman si Maxene.
" Hindi ko alam Dante, paano.na.kami ngayon ng kapati ko, ng magiging anak ko!Hindi ko alam kung paano kami magsisimula ulit!" tuluyan ng umiyak ng umiyak si.Maxene.
"Nandito lang ako para sayo Maxene, para sa inyo ni Dandan. Hindibmo ba sasabihin kay Johny ang kalagayan mo ngayon!"tumigil sa pag-iyak si Maxene at galit ang makikita sa mukha nito.
"Hindi siya makikilala ng anak ko Dante, manloloko siya!" maluha-luha na naman ang mata ni Maxene."Linoko lang niya ko Dante, liiinooko!Walanghiya siya, napakasama niya Dante!" iyak ng iyak si Maxene.
"Hindi mo ba muna siya tatanungin or kokomprontahin?" tanong ulit ni.Dante.
"Hanggat maaari ayow kong makita pagmumukha niya Dante, kitang-kita ko ang kalokohang ginawa niya!Binabayaran niya pati pagkatao at dignidad ko!Napakawalang-hiya niya!"sa mga oras na yun walang ginawa si Maxene kundi ang umiyak ng umiyak!
Pinalabas si Maxene ng araw ding iyon. Dumating si Maxene sa kanila nakaburol na ang kaniyang ina.
Pagbaba pa lang niya sa kotse ni Dante ay umiyak na siya ng umiyak. Halos hindi niya maihakbabg ang kaniyang mga paa, inalalayan siya ni Dante.
"Naaayy, ba't ho ganoon?Ang aga niyong kinuha sa amin, wala na nga si tatay pati kayo wala na din!"patuloy na pag-iyak ni Maxene." hindi niyo na ho makikita ang apo niyo, Naayyyy!"
Tatlong araw lang ibinurol ang ina ni Maxene. Sa araw ng libing maraming nakiramay sa kanila. Pero sa araw ding iyon, mas matatag na si Maxene. Ni hindi na siya nakitaan ng kahinaan, tanggap na niya ang nangyari sa kanilang ina. Umalis na ang mga nagsipaglibing, tanging siya, si Dante at Dandan na lamang ang naiwan doon.
Tumayo si Maxene, linapitan ang puntod ng kaniyang ina. "Alam kong may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ito sa atin Nay. Pangako ho, aalagaan ko si Dandan at sisiguraduhin kong magiging mabuti kong ina tulad niyo sa magiging anak ko!Hindi ko kailangang mamalimos ng pagmamahal kay Johny, hindi siya karapat-dapat maging ama ng anak ko Nay!"Naikuyom ni Maxene ang kaniyang mga kamay. "Kakalimutan kong naging parte ng buhay natin si Johny, iisipin kong isa lamang siyang bangungot na kailangan kong gumising at labanan ito. Gabayan niyo kami Nay ni Dandan at ng magiging apo niyo sa bagong kapalarang tatahakin namin!" at pumatak ang huling luha sa pisngi ni Maxene. "Tayo na!" yaya ni Maxene sa kapatid at kay Dante.
Tahimik silang lahat sa loob ng sasakyan ni Dante, ni isa walang gustong magsalita. Pagdating sa bahay nila, nakatingin si Maxene sa kanilang bakuran, parang nakikita pa niya ang kaniyang ina na nagwawalis, gusto na naman niyang maiyak pero pinigilan niya. Hanggan sa loob ng bahay, sa bawat sulok nito ay may alaala ang kaniyang ina, hanggang makabuo siya ng desisyon.
"Kelan ka babalik sa Maynila, Dante?"tanong ni Maxene.
Tumingin si Dante dito."Hanggat hindi ko nakikitang okey na kayo Maxene, mananatili muna ko dito sa San Ignacio!" sagot naman ni Dante.
Tinitigan ito ni Maxene. "Gusto kong isabay mo kami pagbalik mo sa Maynila!" seryosong sabi ni Maxene.
"Ha?"
"ate?"nabiglang sabi ni Dante at ng kaniyang kapatid."Sigurado ka ba Maxene?"si Dante
"Paano 'tong bahay ate?Paano ang trabaho mo?Anong gagawin natin doon?"tanong naman ni Dandan.
"Magpapadala na lang ako ng sulat sa munisipyo. Maghahanap ako ng trabaho sa Maynila at itong bahay ibibilin ko kay Aling Bebang , parerentahan natin. Sa maynila mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo Dandan.!" seryosong sabi ni Maxene
"Eh si Kuya Johny, ate?Alam ba niya?" tanong ng kaniyang kapatid.
"Ikakasal na siya!" sabi ni Maxene
"Ha?Paanong nangyaring-----, paano ang baby mo ate?" inosenteng tanong ni Dandan.
"Pwede ba Dan, huwag ka ng maraming tanong at huwag ka dumagdag pa!?" hindi napigilan ni Maxene ang kaniyang emosyon.Natahimik naman si Dandan, noon lang siya napagsalitaan ng kaniyang kapatid ng ganun at naintindihan niya ito.!"I'm sorry Dan, pakiusap sundin mo na lang ako!" tumango si Dandan.
"Seryoso kana ba diyan sa desisyon.mo Maxene?" tanong naman ni Dante
"Oo! sagot ni Maxene
"Kelan mo balak pumunt ng Maynila?"
Tumingin si Maxene kay Dante."Kung wala ka ng aasikasuhin dito, kung pwede sana bukas ng umaga tayo umalis!" Tumango si Dante at ilang sandali pa nagpaalam na ito. Inayos ng magkapatid ang kanilang mga dadalhin.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
Roman d'amourIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...