Chapter 14

46 4 2
                                    

"SANA tama ang naging desisyon kong ito Carla!" turan ni Maxene kay Carla. Magkausap sila nito habang magkatulong naman si Johny at Dante sa pagkuha ng kanilang gamit.

"Isipin mo na lang ang kasiyahang maibibigay mo sa kambal sa desisyon mong yan, Max!"turan ni Carla. "Walang masama kung susubukan mo!'

"PANO JOHNY, kaw na bahala sa mag-iina?" bilin ni Dante dito.

Tumango si Johny at tinapik ito sa balikat. "Salamat pare!" tugon ni Johy.

Napataas kilay naman si Maxene dahil tila yata naging close na ang dalawa!.

Pabalik na sila Johny. "Kailangan kong umuwi sa Maynila bukas!" ani ni Maxene.

"Bakit?"  saglit na liningon ito ni Johny.

"May naiwan akong trabaho dun, yung bahay kailangan kong masigurong nasa maayos ang lahat ng mga gamit na pansamantalang iiwan namin."

"Okey!Sasamahan kita!"

Napalingon bigla si Maxene."Ha?hu--huwag na, kaya ko namang mag-isa!Dadalhin ko na lang ang kotse para makabalik agad ako kahit anong oras!Si yaya na muna bahala sa kambal!" Ipinagkibit balikat lamang ito ni Johny.

ILANG sandali pa at nakarating na sila. Dinala ni Johny ang mga gamit nila sa guest room. Hawak ni Maxene ang kambal ng sumunod siya dito.

"Dito na po ba tayo titira, mommy?" inosenteng tanong ni JM

"Yup, baby!Habang di pa nalilinis ni mommy yung bahay ni lola!"

"Makaksama na po natin si Daddy!" nagkatinginan sina Maxene at Johny.

"Ahm --Ye-yes sweetheart!" nauutal na turan ni Maxene. "C'mon kids, ligo muna kayo!" inamoy ang mga ito ni Maxene. "Hmppp..asssimmm!" at saka kiniliti ito ni Maxene.

Napahiga ang mga ito sa kama habang kinikiliti ang mga ito. Labis ang tuwang nadama ni Johny ng mapagmasdan ang kaniyang mga mag-iina!

"Dad, help us..kilitiin mo din po si mommy!" sigaw ni JM

Ngumiti si Johny at pasampang naupo sa kama para kilitiin na rin si Maxene. Hindi siya agad nakakilos dahil bigla siyang napahiga ng hawakan siya nito sa tagiliran. Inupuan siya ng kambal sa tiyan kaya hindi siya makagalaw.

Tuwang tuwa ang kambal. "Jo-johny please, s--stop!." pakiusap niya dito ngunit patuloy lamang ito sa ginagawa.

"Ano ka ngayon mommy, ..." sigaw pa ng isa sa kambal. "Sige pa daddy, ..look oh, namumula na si mommy!..." tuwang tuwang sigaw pa nito.

"Jo---johnyyy..stop!Sinasabi ko sayo, pag ako nakawa--la.." ngunit lalong ginanahan ito sa pagkiliti sa kaniya. Ng makita siya nitong pulang pula na ang mukha--

"awat na kids, suko na sa'tin si mommy eh!"...tatawa-tawang turan.ni Johny.

Napatitig naman si Maxene dahil tila.yata ang sarap sa tengang tawagin soya nitong mommy!Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Umalis ang kambal mula sa pagkakadagan niya at kumalong kay Johny.

"You know what Dad, ang saya-saya po namin."malambing na sabi ni MJ

"Really sweetheart?" masuyo namang tugon ni Johny at hinaplos ang ulo nito. "Eh si mommy kaya sweetie, happy din kaya na naandito na si Daddy?" tanong pa ni Johny. Naupo si Maxene sa kabilang dulo ng kama at nakatingin sa mga ito. Nabigla siya sa tinanong ni MJ

"I think so Dad, kasi ngayon lang po namin si Mommy na tumawa ng ganun eh!" inosenteng sagot nito at liningon siya. Pinandilatan niya ito ng mga mata. Ngunit tuloy-tuloy lamang ito sa pagkukwento. "I think, namiss ka din po kasi niya!"

Ikinatuwa iyon ni Johny."Re-really!?"

"ah-huh!" tipid na sagot na nito.

"Ahm.how much do yo love Daddy sweethearts?"...tanong ni Johny sa mga ito.

"Ahm!"kunwaring nag-iisip si MJ. "as far as the moon Dad!"...Kinurot niya ang ilong nito at nagpasalamat.

"Thank you..eh how about you JM, how much do you love you Dad!" tanong pa niya sa isa.

"Don't know Dad!"nagkibit - balikat ito." but I love you as much as you love us..."

Hinalikan ni Johny ang ulo nito. "How about your 'mom, ga'nu niya kamahal si Daddy?"..   pilyong tanong nito sa kambal at nangingiting tumingin sa kaniya. Inirapan lamang ito ni Maxene. "I think, di love ni mommy si daddy!"

"She loves you Dad!Everytime we asked her about you, she said your the only man that she loved---and---!" madaldal na namang pagkukwento ni MJ na agad pinigilan ito ni Maxene sa iba pang sasabihin.

"Hey guys, ligo na tayo...!" agaw pansin ni Maxene at kinuha si MJ mula kay Johny at hinawakan naman si JM para dalhin na ang mga ito sa cr!Hindi makuhang tumingin ni Maxene kay Johny, papasok na sila sa pinto ng cr ng marinig niyang magsalita si Johny.

"How about me mommy, pwede mo rin ba kong paliguan?"....pilyong turan ni Johny na ngingiti-ngiti.

Nakita ni Maxene ang damit na ipinahiram sa kaniya ni Kathleen na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Dinampot niya iyon at ibinato kay Johny. Nasalo iyon ni Johny at saka inamoy. "Hmmmmpp..ang bango-bango naman, amoy mommy pa!" pang-aasar pa nito habang nakatingin kay Maxene. Inirapan ito ni Maxene at saka pabalabag na isinara ang pinto ng cr.Narinig pa niya ang malakas na halakhak nito.

"Daddy is cool, right mom?" natutuwa namang turan sa kaniya ni JM.

"papansin lang ang Daddy niyo!" naiinis pa ring turan ni Maxene. Ngunit maya-maya lang ay napangiti na rin siya at saka pinaliguan na ang dalawang bata.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon