Chapter 4

82 2 0
                                        

Naging masaya ang pagsasama nila Maxene at Johny. Lumipas ang araw at buwan na napanatili nila ang pagmamahalan ng bawat-isa.Ilang buwan na lang at gagraduate na sina Maxene at Kathleen.

Sa bahay nila Maxene, "Masaya ako para sayo anak, malapit ka ng makapag-tapos ng pag-aaral mo.Kung nabubuhay pa ang iyong Itay tiyak matutuwa yun ng husto.Masaya rin ako at naging maganda ang pagsasama niyo ni Johny. Sana huwag dumating sa punto na paiyakin ka niya dahil ako ang unang-unang masasaktan." maluha-luhang saad ng kaniyang ina.Lumapit dito si Maxene at inalo ang kaniyang ina.

"sshhh, Nay, kala ko ho ba natutuwa kayo eh ba't naiyak ho kayo? Kung anu man ho ang narating ko ngayon dahil ho yin sa pagsisikap niyo at nung nabubuhay pa si Tatay. Kaya nagpapasalamat ho ako sa inyo Nay, ang lahat ng ito ay para sa inyo Nay."

"Salamat anak!, salamat!"emosyonal na sabi parin ng kaniyang ina

"Ako ho ang dapat magpasalamat sa inyo 'Nay!At mahal ho namin ni Johny ang isa't-isa. Hindi niya ho ako lolokohin.!"

"Sana nga anak.Kaya panatag ang loob ko, mawala man ako alam kong nasa mabuti kang kamay at natupad mo na ang mga pangarap mo.!"

"Ano ba naman kayo Nay, malakas pa ho kayo sa kalabaw. Hindi pa ho kayo mawawala. Di ko pa nga ho kayo naipagpapatayo ng mansiyon nyo Nay eh. Si Dandan, kayo pa ho ang aakyat sa stage pag nagtapos siya ng highschool dahil next school year ako na ho ang bahalang mag-paaral sa kaniya!".hindi na sumagot ang kaniyang ina, tahimik lamang ito.

Sa bahay nila Johny, "Kuya wala ka pa bang balak magpropose kay ate Max?!"tanong ni Kathleen sa kapatid. Sumagot naman ang kanilang ina.

"oo nga naman Johny, tumatanda na ko,gusto ko ng magkaapo!"

"Ma, hinihintay ko na lang ho makapagtapos ng pag-aaral si Maxene. Pakagraduate ko ho ako ng bahala dumiskarte dun, ilang buwan na lang naman ang hihintayin ko.!"

"talaga kuya?Yes!"natutuwang sambit ni Kathleen

"uhuh---huwag mo ko unahan magsabi Kath kay Maxene.Baka masira diskarte ko, espesyal sa kin si Maxene kaya gusto kong maging espesyal din ito para sa kaniya!"

"Naks naman si Kuya!lumalove life.Hahahaha..!'biro ni Kathleen.

"tigilan mo ko Kathleen, baka di ikaw kunin naming maid of honor!'

"huwag naman kuya, mawawalan kayo ng magandang maid of honor pag di ko sinali sa mga abay niyo.!'

Ngumiti naman si Johny.Pakatapos kumain sinundo ni Johny si Maxene sa bahay nito. Si Aling Tina ang nagbukas ng pinto para sa kaniya.

"oh ikaw pala Johny, nasa kuwarto pa niya si Maxene!"

"Hihintayin ko na lamang ho siya 'Nay!" mula ng sagutin siya ni Maxene, nakasanayan na rin niyang tawaging Nanay ang ina nito.

"Saan ba ang lakad niyo Johny?"tanong ni Aling Tina

"Sasamahan ko ho si Maxene sa school nila, may aasikasuhin daw ho at pakatapos aayain ko na rin siyang mamasyal. Sama ho kayo sa amin Nay, kayo ni Dandan.!"

"Naku huwag na iho, kayo na lamang ni Maxene!" biglang nagseryoso si Aling Tina. "Alagaan mo ang anak ko ha, Johny?Huwag mo siyang lolokohin at paiiyakin ha?Ako ang unang magagalit sayo!"

"Hinding - hindi ko ho siya sasaktan 'Nay, sa katunayan ho niyan, pakatapos ho ni Maxene ng pag-aaral aayain ko na ho siyang magpakasal.!Pero sa ngayon ho di ko pa nababanggit sa kaniya yun, kayo pa lamang ho ang nakakaalam at sina Mama.!Gusto ko ho kasing magfocus si Maxene sa pagtatapos niya dahil yun ang hinihintay niya, ang maibigay sa inyo ang karangalan at diploma niya!"

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon