Malayo pa ang mga ito ay tanaw na ni Kathleen sina Dante. Napahawak siya sa kaniyang dibdib ng palapit ng palapit ito sa kinakatayuan niya! "Totoo ba talaga 'to?" nasabi niya sa kaniyang sarili. "My God, ang kocute ng mga ito!" Nasa harap na niya ang mga ito.
"Hi Kath," bati ni Carla. Walang makuhang sabihin si Kathleen, nakatitig lamang siya sa mga bata, yumuko siya at tinitigan si JM.
"My God, he look's like Ate Max, ang ganda ng mga mata nito. !" sa loob-loob ni Kathleen,lumipat ang tingin niya kay MJ. "oww, para akong nakatingin sa baby picture ni Kuya, she's really pretty!" sambit pa niya sa kaniyang sarili at hindi niya namalayang tumulo ang luha niya.
Labis na ikinagulat niya ng hawakan ni JM ang kaniyang mukha at punasan ang luha niya sa pamamagitan ng maliliit na daliri nito. "Why are you crying, Miss?Mom, told me na ang tunay na lalaki ay hindi nagpapaiyak ng mga babae!Am I the reason why you're crying?I'm a real man so stop crying, geeh, " napailing ito "nakalimutan ni mommy na bigyan ako ng panyo!"
Natawa si Kathleen sa ikinilos nito at kinalabit siya ng batang babae, "You're pretty Miss pero namummula po ang nose niyo and you look like Rudolph now!Here," sabay abot nito ng panyong maliit.
Inabot niya yun." Thank you, you're really amazing kids!" sabay gulo niya sa mga buhok nito.
"Who is she Tita Ninang?" tanong ni MJ na nakatingin kay Carla.
"Kaibigan namin siya ni Tito Ninong mo and pati na rin ng Mommy niyo, her name is Kathleen! Say hi to Tita, kids!" masuyong utos ni Carla.
"Hi po!"magkapanabay na sambit nito.
"Hello, what's your name young man?"tanong nito kay JM
"John Meynard but Mom, used to call me JM, and this is my twin sister. Her name is Maxie Jane, and she used to call MJ,isn't our mom cool for giving us that name?"
"uh-huh, You bet?" tuwang-tuwang siya sa kadaldalan nito. "Can you give Tita Kath a hug?" tanong niya dito at sumunod na tumingin kay MJ. Si MJ ang unang yumakap, sumunod naman si JM. Hindi maipaliwanag ni Kathleen ang tuwang kaniyang nadarama habang yakap niya ang mga ito. Tila si Maxene ang kayakap niya, gusto na naman niyang maiyak pero pinigilan niya! "Do you want to eat Ice Cream?" tanong niya sa mga ito ng bitawan niya.
"Opo!"magkasabay na namang turan nito.
"Ahm, Kath I think kailangan niyong magbonding!" sabi ni Carla at saka kinausap ang kambal. "Kids, is it okay kung iwan muna namin kayo kay Tita Kath, may bibilhin lang kami saglit para sa party mamaya!"
Si MJ ang nagsalita. " Okey Tita Ninang, I think mabait naman po siya and kaibigan naman po siya ni Mommy!"
Tuwang-tuwa si Kathleen na malamang sa saglit na pagkakasama nila ng mga bata ay nagtiwala agad ito sa kaniya. Umalis sandali sina Carla.
"Let's go kids, kain tayo ng ice cream!"hinawakan niya ang mga kamay nito. "You don't know what you miss kuya!" sa loob-loob ni Kathleen."Ahm, do you know where's your Dad is?"
Tumango ang mga ito. "Nasa Australia poh, nagwowork!" turan ni MJ
"Oh really?Guwapo ba Daddy niyo?" tanong niya dito.
"I think so Tita Kath,coz mom said na kamukha ko daw siya!And sabi ni mommy pretty daw po ako!Am I tita?" inosenteng tanong ni MJ.Habang tahimik lamang si JM na kumakain ng Ice Cream!
Kinurot ni Kathleen ng mahina ang pisngi nito."Yup baby, your very pretty tulad ko, diba?"sabay kindat niya dito.Itinakip nito ang palad sa bibig at saka napahagikhik ng mahina. Aliw na aliw siya dito,napabuntong hininga siya.
"Haayy, Ate Max bakit pinagkait mo sa'min ang anak niyo!"nasabi niya sa kaniyang sarili.
Ipinasyal niya ang mga ito,pinaglaro niya at pinasakay sa iba't-ibang rides. Hanggang magsawa ang mga ito at sabihin sa kaniyang magpahinga muna. Ilang sandali pa at dumating na sina Carla.
"Nag-enjoy ba kayo MJ, JM?"tanong ni Dante.
Tumango ang mga ito. "Opo,pero pagod na po kami!"turn ni JM.
Hinaplos ni Dante ang buhok nito at saka kinarga. "Oh panu, uwi na tayo ha?"tumango ulit ang mga ito.
"Bye twins,kita ulit tayo minsan ha?" turan ni Kathleen
"Next time ulit Tita Kath, ha?" turan naman ni MJ.
Tumango si Kathleen, hinalikan ang mga ito at sabay na silang lumabas ng mall.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
DragosteIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...