Tinanggap ni Maxene ang trabaho sa Munisipyo. Naging abala siya doon.Hatid sundo siya ni Johny, kung minsan si Mang Piping ang sumusundo sa kaniya. Mag-iisang buwan na ang nakalipas mula ng may mangyari sa kanila ni Johny.Lagi siyang tinatamad bumangon tuwing umaga, laging parang gutom ngunit ipinagsawalang bahala lamang niya yun! Friday, sinundo siya ni Johny ng araw na iyon.
"Sweetheart, pupunta kami nextweek sa Davao,may aasikasuhin lang kami ni Brent!" sabi ni Johny
"Ilang araw kayo doon?" medyo malungkot na tanong ni Maxene.
"Isang linggo, pero kapag natapos agad,mauuna na kung umuwi, si Brent na lang ang maiiwan doon."
Natahimik si Maxene, "Isang linggo?isang linggo niyang hindi makikita si Johny?" sa loob loob niya.
"May problema ba Maxene?" nag-aalalang tanong ni Johny.
"Ha?Wala naman!" paiwas na sagot ni Maxene.
"Okey, gusto mong sumama sweetheart?Alam ko kasing mamimiss mo ko at ayow mong mahiwalay sa akin eh!" nakanigiting saad ni Johny.
"Ha?anu ka, saka may trabaho po ako no!"
"hahaha..sigurado ka sweety?" tumingin dito saglit si Johny.
Tumango si Maxene, "huwag ka magtagal doon ha?uwi ka agad!"
Hinawakan ni Johny ang kamay ni Maxene at saka hinalikan."Promise sweetheart!"May nadaanan silang nagtitinda ng pakwan,nakita ito ni Maxene.
"Sandali Johny, ihinto mo!" pigil ni Maxene.
"Ha?Bakit?" hininaan ni Johny ang pagpapatakbo at inihinto ito sa tabi.
"Ibalik mo doon oh, bili tayo ng pakwan!Ang lalaki oh!
"Ha?sweetheart one way lang ito, kung babalik tayo dun iikot pa tayo sa kabila.!" sabi naman ni Johny.
"Baba na lang ako. Lalakarin ko na lang!" sabay bukas ni Maxene sa pinto.Pinigilan naman ito ni Johny.
"Okey, wait here!Ako na ang bibili!" naiiling na lumabas si Johny sa sasakyan at naglakad. Ng sumigaw si Maxene.
"BhebheLoves sabihin mo kay manong na hatiin, taz yung kalahati, hati-hatiin niya ng maliit.mwah!" nagflying kiss pa si Maxene dito.Napakamot naman sa ulo si Johny.
Nakatanaw si Maxene dito at nakita niyang pabalik na si Johny, takam na takam na siyang kumain ng pakwan.
"Akin na dali," inabot ito ni Johny. "wow ang pupula, hmp..." inamoy pa ito ni Maxene. Sumakay na si Johny, pinaandar niya ang sasakyan.Liningo niya si Maxene,linalantakan nito ang pakwan. Napakunot noo siya, ni hindi man lang siya nito inalok kung gusto.Napangiti siya at saka nagsalita.
"Don't tell me sweetheart naglilihi ka na sa lagay na yan!" biro ni Johny.
Natutop ni Maxene ang bibig, tumigil sa pagkain at saka nabilaukan. Hinaplos ni Johny ang likod nito.at saka inabot ang tubig dito.
"Easy sweetheart, para ka kasing hindi kumain ng isang linggo eh!Di ka ba nakain sa opisina niyo!?"
Natigil na sa pag-ubo si Maxene, nabilaukan siya hindi dahil sa pakwan kundi dahil sa sinabi ni Johny.Natahimik siya."Naglilihi nga ba siya?Hindi pa siya dinadatnan ngayong buwan!" sa loob-loob ni Maxene.
"Are you alright sweetheart?" nag-aalalang tanong ni Johny. Tumango si Maxene.
"Ang lakas mong kumain ng pakwan ah, naubos mo ang kalahati!Ganoon.ka na kagutom sweetheart ni hindi mo man lang ako inalok!" nagtatampong kunwari si Johny.
![](https://img.wattpad.com/cover/32173069-288-k74749.jpg)
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...