Part 50

48 2 0
                                    

Pagpasok na pagpasok ni Kathleen sa function hall agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Maxene. Matagal bago niya ito nakita ng maagaw ang pansin niya ng babaeng naglalakad patungo sa CR. Parang may bumundol sa dibdib niya at bumubulong na sundan niya ang babae.

Sinundan niya ito, nakita niyang pumasok ito sa CR. Nakatalikod ito ng pumasok siya at sa nakikita niya, sumusuka ito. Nag-angat ng mukha ang babae mula sa pagkakayuko. Tumitig sa salamin na tutop ang bibig. Ganun na lamang ang tuwa ni Kathleen ng masigurong si Maxene nga ito. Nakatitig lamang sila sa isa't- isa , ni hindi humaharap si Maxene kaya siya na ang kusang lumapit dito.

"Kelan ka pa natutong uminom Ate Max!Look at you, namumula na ang mukha mo," turan nito

Walang maisip sabihin si Maxene, natutuwa siyang nakita niya ang Kaibigan pero tila nakaramdam din siya ng hiya dito.

"Want to say something, Ate Max?" si Kahleen na ang lumapit ang kusang lumapit. "I miss you so much Ate Max!" maluha-luhang sabi nito.

Hindi na rin napigilan ni Maxene ang kaniyang sarili. Humarap siya dito at saka umiiyak na yumakap kay Kathleen. "Na- miss din kita, sorry kung di ko nasabi sayo ang pag-alis ko!Balang araw maiintindihan mo din ako!"

Hinaplos ni Kathleen ang kaniyang likod. "Ssshh..tapos na yun Ate Max, at naiintindihan kita!".

Bumitaw sa pagkakayakap si Maxene. "Alam mo ba ang pag-uwi ko dito sa San Ignacio?" Marahang tumango si Kathleen, at ikinuwento nitong si Dante ang nagsabi s kaniya.

"How about Kuya, Ate Max?Kailangan niyong magkausap!"

Umilibg si Maxene. "Wala ng halaga ang pag-uusap namin Kath, at bukas na bukas din babalik na ko ng Maynila para harapin ang realidad!" marahang pinunas ni Maxene ang kaniyang luha at hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Kahit kailan hindi kita nakalimutan, kinaylangan ko lang gawin ang bagay na yun Kath dahil sa isang mabigat na dahilan."

"Ako din Ate, nalaman ko buhat kay Dante ang nangyari kay Nanay Tina, nakakalungkot Ate Max hindi man lang kita nadamayan ng mga oras na yun!Nakikiramay ako para dun!"

Ngumiti si Maxene. "Salamat Kath, may dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng yun!Lumabas na tayo, uuwi na din ako maya-maya."naglakad si Maxene palabas ng cr pero bubuksan na lamang niya ang pinto ng makaramdam siya ng pagkahilo.Napahawak siya sapo ulo.

"Hey, okey ka lang Ate Max!" mabilis na turan ni Kathleen at hinawakan siya.

Tumango si Maxene. "O-okey lang ako Kath!"

Napailing si Kathleen. "Iinom - inom ka kasi eh alam mo namang madali kang tamaan.!" ngumiti ng tipid si Maxene dito.

Lumabas sila doon at nakahawak pa rin si Kathleen sa kaibigan. Paliko na sila ng makasalubong sina Dante.

"Oh anong nangyari diyan?" nag-aalalang tanong ni Dante.

"Eh hayan uminom ata!"turan naman ni Kathleen.

"Ha?Kaya mo pa ba Maxene?"sabi naman ni Carla.

Tumango naman si Maxene."Okey lang ako, huwag kayong mag-alala!"

"Ba't niyo ba hinayaang uminom ito?" sita ni Kathleen.

Hinawakan ni Maxene ang kamay ni Kathleen."Kath, di nila alam na uminom ako saka okey lang ako promise!Napasarap lang kuwentuhan namin ni Alex!" nagkatinginan ang tatlo. Kay Dante naglanding ang tingin nina Kathleen at Carla.

"Oh, bat sa'kin kayo nakatingin?Si Alex ba ko?" nagtatakang tanong ni Dante.

Kinurot ito ni Carla. "Hindi ka nga si Alex pero ikaw ang nagpakilala dun dito kay Maxene. !"

"Babe, si Alex ang lumapit kay Maxene diba?At siya ang kusang nagpakilala.!"

Ngingiti - ngiti naman si Maxene. "Tumigil na nga kayo!Lalabas na muna ko!"tiningnan ni Maxene ang kaniyang relo. "My God, baka kanina pa naghihintay sa akin ang mga anak ko!"

Nagkatinginan na naman ang tatlo, nagkaintindihan sila sa gustong sabihin ng bawat isa. Nagkibit balikat si Kathleen at luminga-linga sa paligid. "Nasan ka na ba kuya?" turan ng isip niya.

Kinuha ni Maxene ang cellphone. 5 missed call mula kay yaya."Guys, mauna na ko sa inyo ha?Kanina pa pala natawag sa'kin si yaya."Nagmamadaling naglakad si Maxene, ininda ang hilong nararamdaman. Nakasunod naman sa kaniya ang tatlo.

"Nasan na ba si Johny?"tanong ni Cara

"Kasunod ko lang yun kanina eh!"nababahala namang tugon ni Kathleen

"Babalik na bukas sa Maynila si Maxene at alam nating pareho na di natin siya mapipigilan!Hahanapin ko si Johny"turan naman ni Dante saka humiwalay sa dalawa.

Liliko na sana si Maxene ng makasalubong nito si Alex.

"Hey Max, why in a hurry?" sabay hawak ni Alex sa kaniyang braso.

"Uuwi na ko Alex, kanina pa naghihintay sa'kin ang mga anak ko!" nagmamadaling sabi ni Maxene saka naglakad palabas.

"Ihahatid ko na kayo Maxene!"boluntaryo pa ng lalaki patuloy na sumusunod ito sa kaniya.

"Panira naman sa eksena itong lalaking 'to Carla!"naiinis na turan ni Kathleen

"Wala tayong magagawa, nabighani sa ganda ng kaibigan natin eh kahit alam ng may anak si Maxene!" napasimangot naman si Kathleen.

"YAYA pakibuhat muna kay JM, ako ng magbubuhat kay MJ. Dalhin na muna natin sila sa kotse ko!" utos ni Johny.

Atubili naman ito."Eh sir, mapapagalitan ho ako ni ma'am pag sumama ho kami sa inyo at isa pa ho hindi ko kayo kilala!" sabi ni yaya

Tiningnan ito ni Johny. "Mukha ba kong masamang tao?" tanong niya dito.

"Hi-hindi naman ho sa ganun sir, kaya lang eh---"

Hindi natuloy ang sasabihin nito ng may tumawag sa kaniya. Liningon nila ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon