Sa bahay nila Maxene.Hindi halos siya makatulog s kakaisip s kuya ng kaibigan.Gayong humiga siya, bumangon, pabiling-biling, dumapa, magtalukbong kumot at magtakip ng unan sa mukha.
"grrrrrrrr...ba't ba ikaw ang laman ng isip ko.di tuloy ako makatulog." at ng maisip niya nung hinalikan siya. "oh my god. oh my god" natataranta niyang sabi at sabay bumangon. " ang firrsssssssttttttt kiissssssss kooooohhhh.....!" pasigaw niyang sabi at hinilamos ang kamay sa mukha.
"Maxene, anak.anong ngyayari sayo?".narinig niyang sabi ng kaniyang ina mula sa labas ng kuwarto habang kumakatok ito.
"ah-ehh" sabay kamot sa ulo "wa--wala ho nay, nanaginip lang ho ako.buti ho kumatok kayo at nagising ako.Sige ho nay,.matutulog na ulit ako.".
Sa bahay nila Kathleen, "Kuya , sabihin mo nga sakin, bakit parang umiiwas sayo si Maxene at parang masama tingin sayo ni Dante?!" tanong ni Kathleen sa kuya niya,
nagkibit-balikat si Johny, "baka may crush sa kin ang kaibigan mo and about Dante baka bakla yun, kunwari inis sakin pero yun pala may gusto!" pabirong sabi naman ni Johny
"kuya naman eh, "nagpapapadyak na sagot ni Kathleen sabay salampak ng upo. "Panu magkakagusto sayo si Ate Max eh allergy yun sa gwapo at hindi bakla si Dante kasi noon pa nililigawan nun si Ate Max"
"oh di baka nagseselos sakin si Dante kaya ganun tingin sakin." relax na sagot ni Johny
"bakit naman magseselos sayo si Dante?"
" kasi...." kunwaring ng-iisip si Johny at humawak sa baba. "kasi gwapo ako , natatakot siya na baka sakin magkagusto ang liniligawan niya." natatawang sagot ni Johny
"ah ewan sayo kuya, di kita bati. mark my word kuya at balang araw hihingin mo tulong ko!" sabay tayo ni Kathleen at pumasok na sa kwarto.
Naiwan si Johny na nag-iisip. "bakit ko nga ba nagawa yun?hinalikan ko siya ng walang paalam."
"kasi gusto mo siya at ikaw lang may karapatan humawak at humalik sa kaniya" sabi naman ng kabilang isip niya. Napatayo siya bigla.
"Damn that woman!" sabay inom sa hawak niyang bote.Nagayon lang ngyari sa kaniya ang makaramdam ng ganito.Parang gusto niyang makita at halikan ulit ang kaibigan ng kapatid niya. Sinundan niya ang kapatid sa kuwarto. Kumatok siya at tinawag ang kapatid dahil nakalock ang pinto.
"Kath open the door!" sigaw ni Johny
"do you still remember what i told you a while ago kuya?hahahahaha..goooooodnight my dear brother, sweetdreams and dream HER!" at narinig niJohny ang nakakalokong tawa ng kaniyang kapatid.Wala siyang nagawa kundi magtungo sa kuwarto at bukas na lamang kakausapin ang kapatid.
Kinaumagahan maagang nagising si Johny at dumiretso agad sa kuwarto ng kapatid ngunit nakalock pa ito.
"yaya?"sigaw ni Johny na ikinataranta ng maid.
"bakit ho sir?"natatarantang sagot ng maid
"nasan ang susi ng kuwarto ni kathleen?"
"sandali ho sir at kukunin ko!"nagmamadaling kumilos ang katulong at ilang saglit lang binigay na dito ang susi. Ngunit s loob ng kuwarto ni Kathleen kanina pa pala ito gising at rinig niya na naiinis ang kaniyang kuya.Nagtalukbong siya ng kumot at ngingiti - ngiti magkukunwari siyang tulog pa.
"Kathleen Faye Agustin!" dibig niyang tawag sa kaniya ng kuya.Alam niyang naiinis ito dahil tinawag siya sa buong pangalan.
"Bakit ba kuya?" kunwaring bagong gising si Kathleen at nagulat pa.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...