Alas 8 ang oras ng simula ng klase ni Maxene. 7:30 pa lang ay nasa University na siya. Hinahanap ng kaniyang mga mata ang kaibigang si Kathleen. Hindi nagtagal nakita na niya itong papasok ang kotse sa kanilang paaralan. Ipinarada nito ang sasakyan at tumungo sa kaniyang kinakatayuan.
"Hello Ate Maxene" sabay yakap kay Maxene ."Namiss kita sobra, matagal-tagal rin di tyo nagkita, anu update sayo 'te? May new textmate na naman ba?. o Ka E.B. "eyebol" " mahabang litanya ni Kathleen. Sanay na si Maxene sa kadaldalan ng kaniyang kaibigan. Parang nakakabatsng kapatid na ang turing niya dito. Naalala pa niya minsan ng makipag-eyebol ito at natural kasa-kasama siya. Malayo pa man ay tanaw na nila ang lalaking kanilang kakatagpuin. Kung anong ganda at boses bata pag kausap nila ito ay kabaliktaran sa nakikita nila ngayon. Isang may edad ng lalaki, hula nila nasa 55 na, nakabonet pa ito. Nang makita sila lumapit ito ngunit bago pa man makalapit sa kanila, hinila na siya ni Kathleen patakbo. Lakad -takbo ang ginawa nila dahil nakasunod pa rin ito sa kanila..Nang may makita silang pwedeng pag-taguan agad silang nagkubli doon. Tikop-tikop ang bibig habang hinihingal at pinipigilang mapahalakhak. Tawang -tawa sila sa kanilang sarili. Simula noon naging maingat na sila sa pakikipag-eyebol.
"Hoy, ateng natulala ka na diyan?" sita ni Kathleen kasabay ng pagsiko sa kanya!
"Huh? may naalala lang ako Kath. Nung nakipag-eyebol tayo sa matanda"
"Nye, sa lahat ng maaalala mo yun pa. Naku ate. Erase, erase yan sa mind." kumumpas pa ang mga kamay nito s ere na parang may binubura nga!. "di ko lubos maisip na sinagot ko siya sa text. grrrrr . ang matandang yun, 25 palang daw.'yun pla 25x2." nakakunot pang pagkukwento ni Kathleen. Samantalang si Maxene ay tuwang - tuwa s kilos ng kaniyang kaibigan. Animo kahapon lamang ngyari.
Pagpasok nila sa kanilang Room ay kinawayan sila ni Dante. Si Dante ay kasing-edad ni Maxene at masugid rin niyang manliligaw. Anak ng Vice Mayor sa kanila. Ngayon lang din nag-aral dahil.nagloko ito sa klase. Ngunit ng maging kaibigan nila ay tumino ito at nagfocus sa pag-aaral.
"Maxene, dito kana maupo. Reneserve na kita ng upuan." sabi ni Dante
"Hoy Dante, si Maxene lang talaga pinagreserve mo? Pano ko?san.ako uupo? gusto ko magkatabi kami ni ate Maxene " mataray na saad ni Kathleen
"Kandong ka nalang sakin Kathleen." sigaw ng isa sa mga kaklase nila
"Kandungin mo yang self. Yabang nito. Bato ko sayo 'tong hawak ko, makita mo!." napipikong sagot ni Kathleen
Nagsalita naman si Dante "Relax ka lang Kath, syempre meron ka din. Dito ka na oh, sa kabila.Sa gitna natin si Maxene." Irap ang tinugon ni Kathleen at napangiti naman.si Dante at Maxene s inasta ni Kathleen. Sadyang pikonin talaga ang kanilang kaibigan ngunit hindi naman ito galit.
Natahimik na ang buong klase ng pumasok si Mrs. Cruz. "Okey class, get 1 whole sheet of paper at isulat niyo doon ang inyong pinagkaabalahan nitong bakasyon."
"Psst.." tawag -pansin ni Kathleen kay Maxene. " ate pahingi ako ng 1whole, wala akong dala!"
"Naku, kaw talaga Kathleen ang yaman -yaman mo nanghihingi ka ng papel. Ayaw mo man lang mabawasan kayamanan niyo." saad ni Maxene sabay abot ng papel sa kaibigan
"Hehe!Salamat 'te, kaya love's kita eh." paglalambing ni Kathleen
"Nambola ka pa! Simulan mo na yan!"
---------------------------------------------------------
Samantala, sa opisina ni Johny. May kausap sa telepono si Johny ng kumatok ang kaniyang sekretarya at bumukas ang pinto. "Sir, nasa labas po si Mam Ysabel, gusto daw ho kayong makausap."
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...