Ilang linggo ng delay si Maxene, may kutob na siyang buntis siya. Sa isiping iyon, saglit siyang nag-isip habang hawak ang hindi pa halatang tiyan.
"Ang swerte mo baby, naandito ang daddy mo habang pinagbubuntis kita. Bukas na bukas din papacheck- up tayo para maalagaan.kang mabuti." turan niya sa kaniyang sarili at tipid.na napangiti.
Nasa ganoon siyang ayos ng marinig niya ang tunog ng cellphone ni Johny. Liningon niya ang pinanggagalingan niyon at nakita niya ito sa ibabaw ng lamesa. Linapitan niya ito at tiningnan ang caller. Hindi nakarehistro ang numero. Anyong sasagutin na lamang niya ito saka naman ito tumigil sa pagtunog. Napaisip siya , Sino ang natawag kay Johny? Ng biglang tumunog iyon ng message alert tone.
"Can we meet?6 pm, bukas!Please!" ang mensaheng nabasa niya..Bigla.siyang kinabahan sa nabasa. Ilang gabi na ring laging late umuwi si Johny, minsan pa nga ay hindi niya namamalayan ang pagdating nito. Ngunit dahil sa may tiwala siya dito ipinagkibit balikat niya na lamang iyon.
"SIR, tumawag po kanina si mam Ysabel. Mag return call daw po kayo sa kaniya!" anang sekretarya niya ng pumasok ito. Tumango siya dito at saka tinawagan si Ysabel.
Ysabel, makalipas ang ilang buwang hindi niya ito nakita muli iting nagbalik. Hindi para guluhin muli ang buhay nila kundi para humingi ng tulong sa kaniya. Buntis ito, at ayaw panagutan ng lalaki. Dahil kakilala niya ang nakabuntis dito.sa.kaniya ito lumapit. Ito ang pinagkaabalahan niya nitong mga nakaraang araw.
"Ysabel?" turan niya
"Johny, makikibalita lang ako sayo. May balita ka na ba sa kaniya?" si Ysabel
"Yes, tatawagan sana kita mamaya, pero mukhang naunahan mo na ko!" tipid na ngumiti si Johny
"Excited lang akong makita siya. Tumawag ako sa cellphone mo, di mo sinasagot kaya sa sekretarya mo na ko ng-istorbo."
"Naiwan ko sa bahay ang phone!"
"Ah okey!Panu, kita tayo bukas?" tanong ni Ysabel.
"Yup,and I promised you hindi lalaking walang ama ang anak mo!"
"Thank you Johny!" sagot ni Ysabel. May pinag-usapan pa silang ilang bagay at ilang sandali pa ay itinuloy na ni Johny ang pagtatrabaho!
GABI na ng makauwi si Johny. Tulog na ng datnan niya si Maxene. HInalikan niya ito ng masuyo sa noo bago nagbihis. Sa mga oras na iyon ay gising pa si Maxene, pinakiramdaman niya ang bawat kilos ni Johny. Ilang saglit pa at naramdaman niyang tumabi ito sa kaniya, ngunit hindi pa man lumalapat ang likod nito sa kama ay tumunog ang cellphone nito.
"What's wrong?" narinig niyang turan ni Johny. Saglit na hindi nagsalita si Johny at ang labis na ipinagkabahala niya ay ang sumunod na narinig mula dito.
"Okey.Calm down, makakasama sayo at sa bata ang ganiyan. Everything will be alright!" liningon ng bahagya ni Johny si Maxene. Naikuyom naman ni Maxene ang kaniyang mga kamay at mahigpit na napahawak sa kaniyang kumot. Kung anu - ano na ang naiisip ni Maxene at hindi niya namalayang tumulo na pala ang kaniyang luha.
"Yeah.Tulog na siya, hindi pa niya alam. Sasabihin ko din sa kaniya ang lahat kapag natapos na ito. Ayow kong magulo pa ang lahat dahil lang dito" napapikit si Maxene sa narinig at pinigilan ang hikbing nais kumawala sa kaniyang bibig.
Anong ibig sabihin ni Johny na kapag natapos na ang laha at ayaw niyang magulo pa? Yun ang mga alalahanin ni Maxene, may babae ba ito? Turan niya sa kaniyang sarili.
Ilang sandali pang nag-usap ang mga ito at narinig ni Maxene na nagpaalam ito sa kausap. Naramdaman niyang tumabi ito sa kaniya at yumakap mula sa kaniyang likuran. Hinalikan nito ang kaniyang batok, yumakap sa kaniya ng mahigpit at saka bumulong. "Goodnight sweetheart. I love You"
Tuluyan ng bumuhos ang kaniyang mga luha ngunit hindi ipinahalata dito. Hindi siya makatulog sa kakaisip, ilang sandali rin at narinig niyang mahimbing na itong natutulog. Nahaplos niya ng bahagya ang kaniyang tiyan, "I think, magiging okey ang lahat baby!"
Madaling araw na ng dalawin ssi Maxene ng antok. Ng magising siya ay wala na sa kaniyang tabi si Johny. Na isa sa ipinagtataka niya dahil hindi siya sanay na hindi ito nakikita sa umaga. Tinatamad pa siyang bumangon at nakakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Narinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakapikit na kinuha niya ito mula sa mesa at sinagot.
"Hello!" anang garalgal niyang boses.
"It seem's your still in the bed, sweety" agad niyang nakilala ang tumawag dahil hindi na nag-abalang tingnan ang caller, boses iyon ni Johny.
"Hmmmmm." tanging naisagot niya sa inaantok na diwa ngunit ng maalala ang nangyari kagabi ay parang bigla siyang nawalan ng antok.
"I hate to leave you sweetheart ng ganung kaaga pero kailangan, tumawag sa akin si Brent at nagkaproblema na naman sa shipment. Pero mamaya uuwi ako ng maaga." paliwanag nito
Tinawagan ni Brent o ng Babae mo ! nasambit niya sa kaniyang sarili.
"Hey, andiyan ka pa sweety? Inaantok ka pa ba?" narinig niya ulit na sabi nito
"Ye-yeah!" tipid na sagot ni Maxene. "Hmp. Johny...?"
"Yes?"Do you miss me sweetheart?"
"Ofcourse! Can a- I ask you something?" nagdadalawang - isip na tanong ni Maxene.
"Sure, ano yun?"
"May babae ka ba?" biglang naisatinig ni Maxene, huli na para bawiin ang kaniyang sinabi. Napakagat - labi na lamang siya at naghintay sa isasagot ni Johny.
Napakunot - noo si Johny. "Sweetheart, ano naman bang klaseng tanong yan. Ni minsan wala sa isip ko ang ganiyang bagay. You knew how much I love you, kayo ng mga bata. So stop thinking like that, kayong 3 sapat na sa akin at wala akong balak sirain yun!"
Yan din ang sinabi mo sa kausap mo kagabi. Sabi na naman ng isip ni Maxene. "I'm sorry. I-it's just that.. Oh never mind.." naguguluhang sagot nito.
"I have to go sweety. I Love You! Bangon ka na, kung hindi lang importante ang lakad ko ngayon sinamahan na kita diyan sa kama." saglit na narinig niya ang mahinang tawa nito. " and say my regards sa mga bata." at nawala na ito sa kabilang linya.
"And I love you more Johny, di ko alam kung makakaya ko kung sakaling totoo ang hinala ko!" tanging nasabi niya sa kaniyang sarili pakatapos nilang mag-usap.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...