Magkahawak-kamay na bumaba sina Maxene at Johny. Nagsisisigaw at nagtatatakbong palapit sa kanila ang kambal ng makita sila nito.
"mommy.....daddy..." magkapanabay na sigaw ng mga ito. Nagpapakarga si JM kay Maxene ngunit pinigilan ito ni Johny.
"Hey, buddy...bawal ka pa kargahin ni mommy...diba kagagaling lang niya sa sakit, baka mabinat si mommy..." sabay tingin kay Maxene ni Johny.
Napangiwi naman si Maxene sabay napa-nge sa kaniya. Inakbayan siya ni Johny at yinakap, binulungan naman niya ito.
"Hindi pa pala pampabinat ang ginawa mo sa'kin ha, Johny?" mahinang sabi niya dito.
Linapit naman nito an bibig sa kaniyang tenga. "Iba naman yun sweetheart, at hindi pampabinat ang ginawa ko sweetie, pagmamahal yun!" saka masuyo siya nitong hinalikan sa labi ng may kumalabit sa kamay ni Johny.
Yinuko nila si JM.."Daddy, why you keep on doing that?...." sabay silang napangiti ni Maxene. Binuhat ito ni Johny at ang isang kamay ay inakbay sa kaniya samantalang si MJ ay hawak naman ni Maxene sa kabilang kamay.
"doing what, buddy?"
"kissing mom!"
"because I love your mom, soooo muchh..." saka pinanggigilan ni Johny ang ilong nito..
"kaya po ba kinikiss mo din kami ni MJ, everytime we see each other?"
"Yup, love na love kayo ni Daddy" yinakap ito ni Johny saka hinila si Maxene at si MJ para yakapin din ang mga ito.
"we love you too Dad...mommy"
"Thanks sweetie!"
Nasa ganun silang ayos ng hindi nila mapansin na nakalapit na pala si Kathleen. Pumapalakpak pa ito.
"wow naman.one big family ah!..mukhang may balitang hindi nakarating sa'kin!" nakangiting turan ni Kathleen."ang ibig bang sabihin ng eksenang ito eh, wa' na kayo L.Q.?" nagpalipat-lipat ang tingin nito kanila Maxene at Johny. Saka dahang-dahang tumango si Maxene.
"talaga?wow, i'm so happy kuya!Finally, mabubuo na rin kayo!" linapitan nito si Maxene at hinawakan ang kamay. "payakap nga ako ate max, namiss kita ng sobra!" hinila nito mula kay Johny si Maxene. "thanks for giving my brother a second chance!" maluha-luhang turan nito.
"Thanks Kath!You know how much I love him!" magkayakap pa rin sila ng marinig nilang magsalita ang kanilang mama.
"Anong drama ang meron dito?Hindi niyo ata ako na-inform mga iha, iho!" ani nito ng nasa baba na ng hagdan. "ang ibig bang sabihin nito Johny eh hindi na kita mapapalayas?" turan nito kay Johny. Napakunot - noo naman si Maxene dahil nagtataka.siya kung bakit ito palalayasin.
"Huwag mo masyado isipin sinasabi ni mama, ek-ek niya lang yan!" bulong sa kaniya ni Kathleen at napatango na lamang siya.
"Why don't you ask Maxene, ma!" mayabang pang sabi ni Johny.
Humarap sa kaniya ito. "Iha,okey na ba pakiramdam mo ngayon?"
"O-opo!" nahihiyang sagot niya.
Hinawakan nito ang kaniyang kamay!" i'm so happy iha na nagbalik ka,hindi mo alam kung gaano mo pinasaya ang anak ko at pati na rin syempre, kaming lahat dito lalo na ngayong may kambal pa kayong anak!Okey na ba kayo nitong duwag na lalaking to?Halos mabaliw ito ng mawala ka at -----" tanong nito sa kaniya sabay turo kay Johny.
"ma?...."pigil nito sa ina sabay kamaot sa ulo. Napangiti na lamang siya. Hinawakan siya sa kamay ng ina ni Johny at saka magkatabi sila nitong naupo.
"Nagmukhang ermetanyo nga yan.si kuya eh!" panggagatong pa ni Kathleen na pinandilatan naman ng mata ni Johny.
"Isang buwan hindi yan nagtrabaho iha, laging nagkukulong sa kuwarto, umiinom at minsan pa nga nabalitaan namin mula kay Brent eh nakipagsuntukan pa daw.yan at sa presinto na niya nakita!" tumingin si Maxene kay Johny parang gustong itanong kung bakit nito iyon ginawa na ipinagkibit - balikat lamang nito. "kulang na lang eh magpaka----"
Hindi na natuloy ni Mra. Agustin ang sasabihin dahil agad itong sumabat.
"ma, kagagaling lang ni Maxene sa sakit, hindi pa ho siya nag-aalmusal at sigurado ho akong hindi rin siya kumain kagabi." sabi niya dito para matigil ang pagkukwento.
"ay oo nga pala!pasensiya ka na iha, nasabik lang kasi ko makakwentuhan ka!sandali at magpapahanda ako!" tumayo ito saka tinawag ang kambal. "C'mon kids, why don't you help lola!" agad namang tumalima ang kambal at humawak ito sa kamay ng kanilang lola. Naiwan silang tatlo sa sala.
"Naku, nakalusot ka Kuya sa pambubuko ni mama!" tudyo ni Kathleen dito na pinandilatan ni Johny. Napangiti si Maxene at sinenyasan si Johny na tumabi sa kaniya.
Pag-upo ni Johny, inakbayan niya.si Maxene at bumulong. "mamaya na kaya tayo magbreakfast sweetheart, parang gusto kong doon muna tayo sa kuwarto ko eh!" kinurot ito ni Maxene.
"Akala ko ba ayow mong mabinat ako, saka diba nga sabi mo kagabi pa ko walang kain!" bulong naman niya dito. Napangiti si Johny na yumakap kay Maxene at nagsumiksik sa kaniyang leeg. Nagulat na lamang sila ng may pumalakpak sa harap nila.
"Hoy!lovebirds!mamaya na ang harutan, lagyan niyo muna ng laman ang inyong mga tiyan!" biglang hinila nito si Maxene dahilan upang mapalayo ito kay Johny. "saka ikaw kuya, nag-suggest ka pa kay mama na hindi pa nag-bibreakfast itong si Ate Max eh mukhang wala ka ngang balak pakainin pa ito! Kunot na kunot ang noo ni Johny. "tara, Ate Max, iwanan na natin ang gurang na yan!" tila naman nakisakay pa si Maxene sa pang-aasar ng kaibigan.
"gutom na nga ako Kath, eh!" sabay ngiti kay Johny at may babala naman sa mga titig nito kay Maxene. Saka nagpatiuna ng maglakad silang dalawa. Naiwang inis na inis si Johny sa kapatid. Inabot niya ang unan sa upuan at malakas na binato nito si Kathleen. Pak! Sapol sa ulo si Kathleen, sapo nito ang ulo na tumingin kay Johny saka nakaisip ng pang-asar pa dito.
"Manood kaya tayo ng sine mamaya ate max, yung tipong tayong dalawa lang. Si kuya na muna ang bahala sa kambal!What do you think?" sabi nito kay Maxene sa malakas na boses na kay Johny nakatingin para marinig nito.
Tumatawa namang nagsalita si Maxene. "I think that's a good idea, kath!" mabilis na tumingin.sa kaniya si Johny na kunot na kunot ang noo. Sabay talikod silang dalawa para dumulog na sa hapag-kainan.
Naiwang tulala si Johny at napabuntong hininga bago tumayo para sumunod sa mga ito.
"mukhang mahihirapan akong masolo kita ngayon, sweetheart!" naiiling na turan ni Johny sa kaniyang sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/32173069-288-k74749.jpg)
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...