Chapter 12

53 2 0
                                        

"MAXENE, sumabay na kayo sa'min ng mga bata mamaya!" turan ni Dante. Naghahanda na silang lahat para sa gaganaping party.

"Ha?Huwag na, mauna na kayo patutulugin ko muna ang mga bata!Hindi ko sila isasama mamaya, si yaya na lang bahala sa kanila at isa pa hindi naman ako magtatagal sa party!" sabi naman ni Maxene.

"Ay!ang kj mo Maxene, minsan na nga lang makapunta ang mga bata sa ganoong party,and besides binili pa naman namin sila ng isusuot para sa party!" turan naman ni Carla.

"Okey, ganito na lang. Sasabay na lang ako sa inyo, tapos magpapasundo na lang ako mamaya sa driver at sasama ang mga bata sa pagsundo sakin." paliwanag ni Maxene

Nagkatinginan sina Carla at Dante at sabay na tumango.

SAMANTALA , kanina pa hindi mapakali si Johny.Hindi na siya pumasok sa trabaho ng araw na yun. Naabutan siya ni Kathleen na palakad-lakad sa sala.

"Hey, what's wrong kuya?Para kang pusa na hindi mapatae!" sita nito sa kaniya.

Tumigil si Johny sa kakalakad at seryosong tumingin sa kaniya! "Sumama ka sakin mamaya sa party!"

Napataas kilay si Kathleen."Ayow ko ngang maging escort kita!Ang KJ mo kayang kasama!"pasalampak na naupo si Kathleen. "And siyanga pala kuya, next week uuwi ng Pilipinas si mama!"

"Ha?Bakit?" nabiglang tugon ni Johny.

"May dadaluhan daw na party eh!" balewala niyang sagot at nagbuklat ng magazine.

"Anong party at kanino?"tanong ulit ni Johny ngunit nagkibit -balikat lamang si Kathleen."Anyway, maghanda ka na at maya-maya aalis na tayo!"

Pinagtaasan ni Kathleen ng kilay ang kapatid."Pumayag na ba kuya?"

"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo Kathleen Faye!" iritadong tugon ni Johny.

"Pag-iisipan ko!"balewalang tugon ni Kathleen.

"Kathleen?"nagbabantang tinig ni Johny

"Okey!okey!magbibihis na!" sabay taas ng dalawang kamay na tila sumusuko. Tumayo ito. "Ahm.Kuya?"

"Ano?"

"Make sure na guwapo ka ngayong gabi ha?"kumunot ang noo ni Johny. "Nakakahiya kasi na sabihin nilang GURANG na ang escort ko, ilang taon ka na nga nba ulit bro?" pang-aasar ni Kathleen.Binato naman ito ni Johny ng hawak na unan.At saka nagtatatakbong umakyat si Kathleen.

Pagdating sa kuwarto ni Kathleen, kinuha niya cellphone at may tinext. "Naghahanda na kami para mamaya!How's everything?"

Nagreply ang kaniyang tinext. "We're about to leave, just checking if everything's okey and ready for the party!"

Saka mabilis ng kumilos si Kathleen

BAGO bumaba, pinagmasdan muna ni Maxene ang sarili!Ng makuntento sa kaniyang sarili, sunod niyang hinarap ang kambal.

"Mauuna na muna si mommy, ha?Then mamaya, kasama kayong susundo sa akin!Okey?"

Tumango ang kambal."Take care mom, we love you so much!"turan ni MJ.

"Love you mom!"sabi naman ni JM.

"And I love you more sweethearts!Behave lang kayo mamaya ha?Huwag magpasaway kay yaya!Now give me a sweetest kiss and a big hug!" saka ibinuka ni Maxene ang kaniyang mga braso.Yumakap ang mga ito, at saka pinupog siya ng halik.

Hinawakan ni JM ang kaniyang mukha. "Your so pretty mom, alam mo po ba yun?You make me smile mom, everytime I see the smile on your face!" matalinghaga turan nito.

Napataas ang kaniyang kilay. "Really sweetheart?"

"Yup!"tugon nito.Napangiti si Maxene at tinitigan ito.

"Ngayon pa lang masisiguro kong maraming babaeng iiyak sayo anajmk, bakit sa lahat ng pwede mong mamana sa kaniya ay yan pang pagiging magaling sa mga flowering words!Didn't you know son na yan ang kahinaan naming mga babae!" napabuntong hiningang nasabi sa kaniyang sarili.Hinalikan ito sa noo at sunod si MJ. "Bye sweetie!" Hinatid siya ng mga ito sa baba at ngflying kiss ng paalis na sila.

NAGSISIMULA na ang party ng dumating sila Maxene. Naiwan siya sa mesa dahil kailangang magpunta nina Dante at Carla sa harap para ipaalam sa lahat ang kanilang enggagement. Naiwan siya kasama ang kaibigan ni Dante, si Alex. Anak ng kanilang Gobernador, hindi na ito umalis sa tabi niya ng ipakilala siya dito.

"Want some drink, Maxene?"turan nito.

Tumango siya dahil nasanay na rin siya nun sa Maynila, pero kaunti lamang. Binigyan siya nito, at diretsong ininom niya yun. "Hey, ang sabi ko Some, di ko sinabi na ubusin mo lahat yun!" ngingiti-ngiting turan nito.

"Para isahan lang, saka tama na yun sa'kin!'sabi naman ni Maxene. Ngunit sa tuwing tatanungin siya nito kung gusto pa ay hindi naman niya matanggihan dahil sa sandaling pag-uusap nila ay magaan agad ang loob niya dito,hindi ito mayabang, presko o kung ano pa. Hindi mo nga aakalaing isa ito sa pinakamayaman sa kanilang lugar.

"I think, hindi na kita aalukin kung gusto mo pa, sa nakikita ko eh medyo may tama na!" turan nitong natutuwa sa kaniya.

Tumango naman siya. "Yeah, ramdam ko nga!" hindi na siya uminom pa. May tama siya pero kaya pa niyang kaniyang sarili. Ni hindi siya nainip sa party dahil sa masaya itong kausap, hindi na niya namalayan ang oras. Nawala sa isip niya na hindi siya magtatagal sa party na yun at may susundo pa sa kaniya.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon