Chapter 18

17 1 0
                                    

Nagmulat ng kaniyang mga mata si Maxene. Napabalikwas siya ng bangon ng makitang maliwanag na sa labas. Narinig niya ang tawanan ng kaniyang mga anak, naliligo ang mga ito sa swimming, kasama ang Daddy nito. Nalilito siya kung paniniwalaan ang pagdududa niya, kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numerong kinuha sa cellphone ni Johny.


"Hello?" anang nasa kabilang linya. Parang nanghina siya, boses babae iyon. Ang laging natawag at kausap ni Johny sa cellphone. "Sino to?" Pinatay na niya iyon, malinaw na sa kaniya ang lahat, ito ang dahilan kung bakit late ng umuwi si Johny, ito din siguro ang babaeng nakita niyang kasama nito. Naulinigan niyang may paparating sa kaniyang kuwarto. Mabilis niyang ibinaba ang phone.


"Gising ka na pala sweetheart, naligo kami ng mga bata sa pool. Binibihisan na sila ni Kathleen." tuloy - tuloy na pagsasalita nito habang pinupunasan ang ulo. Nakatalikod lamang si Maxene at nakatanaw sa bintana. Linapitan siya ni Johny at yinakap mula sa kaniyang likod. "Hayan ka na naman, tahimik ka. Natatakot na ko minsan na baka may hindi ako alam na pinagdadaanan mo." Anyong magsasalita si Maxene ngunit tumunog ang cellphone ni Johny, bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa kaniya. Tiningnan nito ang cellphone at nag-excuse sa kaniya na sasagutin lang nito ang phone. Naglakad siya palabas ng kuwarto.


So ngayon, may pa -excuse excuse pa itong nalalaman, dati -rati wala itong pakialam kahit marinig niya ang pinag - uusapan nito at ng kausap sa phone. Turan niya sa kaniyang sarili, nasa may bintana si Johny at nakatalikod sa kaniya palabas na siya ng kuwarto ng marinig niya mula kay Johny na.


"What?Saang ospital? How is she,how's the baby?" Saglit itong hindi nagsalita. "Okey. pupunta ko diyan." At dahang - dahang isinara ni Maxene ang pinto ng kanilang kuwarto.


Nasa may hagdan na siya ng tawagin siya ni Johny. "Maxene, kailangan kong umalis mamaya, importante lang. Uuwi din ako agad. C'mon sabay na tayo mag - almusal" hinawakan siya nito sa siko, hindi siya tumanggi doon. Malapit na sila sa kusina ng magsalita siya.


"Mauna ka na, mamaya na lang ako kakain. Di pa ko nakakapaghilamos." hindi na niya hinitay sumagot ito, dire - diretso siya sa kaniyang kuwarto, linock niya iyo at doon umiyak siya ng umiyak. Nag - ring ang kaniyang cellphone.


"Hello!" bungad niya, si Carla iyon.


"Hey Max, buntis ka ba?" tanong agad nito.


"Ha?Pa - anong.How did you know.?"


"So it's true..wow naman, congrats...Kaw ha, naglilihim ka na sa'kin, kung di ko pa nakita si Johny na nabili ng mga gamit pang - baby nung isang araw, hindi ko pa malalaman. Sayang nga at hindi ko siya nakausap, hinila na kasi nung kasama ko. " tuloy - tuloy nitong pagkukwento. Hindi siya makapagsalita sa sinabi nito. "Hey Max, andiyan ka pa ba?"


"Ha?Yeah, yeah.." gusto na naman niyang mapahagulhol ng iyak.


"Oh siya sige, balitaan mo na lang ako ha?And congrats sa inyo ni Johny. Ingatan mo yang sarili mo, huwag magkikilos." nawala na ito sa kabilang linya.


Mabilis siyang kumilos, nagbihis siya at kinuha ang susi ng kaniyang kotse. Pababa na siya ng hagdan ng makasalubong niya si Johny, muntik pa siyang matipalok. Mabuti na lamang at nahawakan siya nito.


"Hey, easy.ba't ka ba nagmamadali?" tanong nito at napansing nakabihis siya at hawak ang susi ng kaniyang kotse. "Where are you going?" nakakunot - noong tanong nito.


Tiningnan niya ito ng walang kaemo - emosyon. "May pupuntahan lang ako!" at saka hinila ang kamay niyang hawak nito. Diretso siya sa may garden. "Kath, pakitingnan - tingnan muna ang mga bata, may pupuntahan lang ako!"


"Sure, hipag." tumingin ito sa kaniya. "Umiyak ka ba?"


"Ha?Hi - hindi..sige alis na ko." nagpaalam siya sa kambal. "Kids, si Tita muna bahala sa inyo ha?Alis lang si mommy, behave lang kayo. Huwag mangungulit. Alagaan niyo isa't - isa.Okey?"


"Key.mom!" sagot ng mga ito. Hinalikan at yinakap niya ang mga ito ng mahigpit.


"Kath, painumin mo na lang ng vitamins nila ha?At pakisapinan ang likod nila baka matuyuan ng pawis. Pali-" may sasabihin pa sana si Maxene ngunit pinutol na ito ni KAth


"Hey, relax.Para namang ang tagal mong mawawala, and don't worry ako na bahala sa kanila!Oh siya lumakad ka na para makauwi ka agad, mag - iingat ka." pagtataboy nito sa kaniya. Ngumiti siya at yumakap.


"Thank You!" Tinungo na niya ang kaniyang sasakyan at nagmaneho.


SAMANTALA, palabas na ng bahay si Johny ng sigawan siya ni Kathleen.


"Kuya.." lumapit ito sa kaniya. "Nag - away ba kayo ni Ate MAxene?"


"Ha?Hindi, bakit?" takang sagot ni Johny.


"Eh ba't namumugto ang mata ng isang iyon. "


"Namumugto?" saglit na hindi nakaimik si Johny. Kaninang nakasalubong niya ito sa hagdan, napansin niyang namumula ang ilong nito.


"Tsk. Kuya, hala ka!"


"Shut up Kath!Wala kaming problema ni Maxene, at lalong hindi kami nag - away."


"Okey.sabi mo eh. But!" parang nagbabanta pa nitong sabi. "matanong nga kita kuya, ikaw ba eh matinong asawa?hindi ka ba nambababae?"


"Ewan ko sa'yo Kathleen Faye, malabong mangyari yang sinasabi mo!" napipikong tugon niya.


"Naninigurado lang Kuya. Kasi oras na malaman ko na linoko mo si Ate Max, naku...mababatukan kita kahit mas matangkad ka pa sa'kin." pananakot nito sa kaniya


"Aba!Yabang ah!Diyan ka na nga!" Saka pinitik ng mahina ang tungki ng ilong ng kapatid. Sumakay na siya sa kaniyang sasakyan.


Dumungaw sa bintana ng kaniyang sasakyan si Kathleen. " One day, you'll be surprise of something. Just take care of Ate Max, at huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo and pagpasensiyahan mo ang mga tantrums niya. " pahabol pa ni Kathleen at kumindat dito. Thumbs - up lamang ang isinagot ni Johny at saka umalis.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon