Sa bahay muna ni Dante tumuloy sina Maxene galing San Ignacio.
"Salamat sa lahat Dante!" sabi ni Maxene habang nakain sila ng pang-gabihan.
"Wala yun Max, sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang.!" seryosong sabi naman ni Dante
"Bukas na bukas eh maghahanap agad kami ng pwede naming upahan Dante, saka na ko maghahanap ng trabaho pag may titirhan na kami. May naipon pa naman ako!"
"Ba't maghahanap ka pa ng matitirhan niyo eh napaka-laki naman nitong bahay, pwede namang dito kayo!"pagboboluntaryo ni Dante.
Hinawakan ni Maxene ang kamay ni Dante."Huwag na, masyado na kaming nakakaabala sayo Dante.Hindi mo na naaasekaso ang negosyo niyo!"
"Kahit kailan hindi kayo naging abala sa akin Maxene.Masaya ko at nakakatulong ako sa inyo. !" ngumiti ng tipid si Maxene.
'Napakabait mo Dante, sana makatagpo ka ng babaeng magmamahal sayo at mamahalin mo!" seryosong sabi ni Maxene.
tinitigan ito ni Dante bago nagsalita "Alam ko ang sitwasyon niyo ngayon Maxene at hindi ko sinasamantala yun, pero---.Wala ba talaga kong pag-asang mahalin mo Max?Handa akong tumayong ama ng magiging anak mo at mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal ng isang tunay na ama at maaaring higit pa doon ang maibigay ko!"
"Hindi ka mahirap mahalin Dante dahil napakabait mo at guwapo pa, mayaman at may sariling negosyo. Pero pilitin ko man sarili ko, hindi talaga Dante. Mahal kita, oo. Pero iyon ay bilang kaibigan lamang at yun lang ang kaya kong maibigay sayo! Alam ko, darating ang araw na makakatagpo ka ng babaeng para sayo Dante, yung kayang suklian ang pagmamahal mo na handa mong ibigay sa akin, at sana kapag natagpuan mo yun ay handa mong ilaan ang puso mo para dito.Huwag mo hayaang umiikot ang mundo mo sa akin Dante, dahil alam ko na hindi ako ang magbibigay sayo ng masayang buhay na pinapangarap mo!Sana maintindihan mo ang lahat ng ito Dante!" binitawan ni Maxene ang kamay nito.
Ngumiti si Dante."Naiintindihan ko Maxene, pero may hihilingin sana.ko sayo!"
"Ano yun?Yung kaya ko lang ibigay ha?"biro ni Maxene
"Ikaw na rin ang may sabi na kaibigan mo ko, para sa anal mo Maxene, gusto ko sanang dito na muna kayo tumira habang hindi ka pa nakakapanganak. Mahihirapan kang maghanap ng trabaho sa ganiyang kalagayan mo!Hindi sila basta-basta tumatanggap ng nagdadalang-tao!"
"Kailangan kong makahanap ng trabaho Dante, malapit ng magpasukan. Pag-aaralin ko si Dandan.!" nababahalang sabi ni Maxene.
"Kaya nga dumito na muna kayo ni Dandan!Ako na munang bahala sa inyo.Pagkapanganak mo saka ka maghanap ng trabaho "
"Ayow ko Dante, masyado ng nakakahiya yun, titira na kami ng libre tapos sagot mo pa lahat!" tanggi ni Maxene.
"Okey ganito,magtrabaho ka sa restaurant namin.Malapit lang yun dito kaya hindi ka masyadong mahihirapan!Iaassign kita doon sa kaha dahil buntis ka!Susweldo ka gaya ng sinusweldo ng mga empleyado ko" suhistiyon pa ni Dante.
Nag-isip si Maxene."Okey sige, sa isang kondisyon!"
Biglang sumabat si Dandan sa kanilang usapan. "ay!ang yabang ni ate, siya na nga gagawan ng pabor ikaw pa nahingi ng kondisyon!" biro ni Dandan.
"Heh!tumigil ka!Eto kanin, kumuha ka pa para matigil ka diyan!"inabot dito ni Maxene ang kanin.
Napangiti naman si Dante."Okey anong kondisyon yun Maxene?"
"Magbabayad ako ng upa sayo buwan-buwan, magbibigay ng pambayad sa kuryente at tubig!" sabi ni Maxene.
"Ha?Ang pangit namang tingnan nun!Ganito na lang, huwag ka ng magbayad ng upa, ipagluto mo na lang kami lagi ng kapatid mo!" sabay kindat kay Dandan.
"Pumayag ka na ate!" sabi naman ni Dandan.Kinurot ito ni Maxene."aray!Ate naman!"
"Payag ako pero kailangang magtrabaho ni Dandan dito dahil wala naman siyang gagawin!Maglilinis siya dito, magdidilig ng mga halaman at kung ano pa!' mahabang suhestiyon ni Maxene.
"May katulong at hardinero ako Maxene, hindi kailangang gawin yun ng kapatid mo!"
"Tutulong-tulong lang naman siya!"sabi uli ni Maxene.
"Pumayag kana Kuya, para may mapag-libangan ako!"si Dandan
"Okey Deal!"sabi naman ni Dante.
Napangiti si Maxene.Alam niya hindi ganun kadali mamuhay sa Maynila.Nagpapasalamat dahil sa kabila ng pinagdadaanan niya ngayon ay may magagandang pangyayari parin na dumarating sa kaniya!Ipinagpauloy nila ang pagkain.
Samantala, wala ng ibang ginawa si Johny kundi ang uminom ng uminom.Bihira na rin siyang pumasok sa kaniyang opisina!Nasa isang bar siya ng mga oras na yun, ng may tumabi sa kaniya!
"Do you mind, if I join you?" sabi ng isang magandang babae. Tiningnan ito ni Johny mula baba, pataas. Naisip niya, walang-wala ito sa itsura ni Maxene. Ang babaing ito ay nababalot ng make up at ang suot nito ay kulang na lang maghubad. Kabaliktaran ng babaeng minahal at aayain na sana niya ng kasal.Lumagok muna siya sa bote bago nagsalita.
"Yes, I do mind!Hindi ko kailangan ng kausap!So, if you'll excuse me gusto kong mapag-isa!" at sabay alis ng tingin ni Johny dito.
"Hmp!suplado!"narinig pa niyang sabi ng babae bago ito umalis.Humingi pa si Johny ng isang bote!
"Boss lasing na ho kayo!"sabi ng bartender.
"Wala kang pakialam, bigyan mo pa ko ng isa!"galit na sabi ni Johny.
"Pero Boss, bawal na ho magbigay kapag alam naming lasing na ang customer!" Ilinapag ni Johny ang baso sa galit na pamamaraan. Sabay tayo at naglakad palabas sa bar na iyon. Nasa pinto na siya ng masagi niya ang isang lalaki.
"Ano ba?"galit na sabi ng lalaki. Itinaas ni Johny ang dalawang kamay at nag-Fuck sign sa lalaki.
"Ang yabang mo ah!"sabi ng lalaking nasagi niya. Sabay suntok sa kaniya at dahil sa nabigla siya hindi niya ito nailagan, tinamaan siya sa mukha. Parang nawala ang pagkalasing niya, inundayan niya ito ng suntok sa sikmura at sapol ito! Mas malaki siya dito, sinipa niya ito sa tagiliran. Napahiga ang lalaki, sinugod niya ito at sinuntok ng sinuntok!Duguan ang mukha nito saka dumating ang guard at inawat sila! Dinala sila nito sa presinto!

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...